47

141 6 0
                                    

             Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing 'yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.

Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.

"Oh? Aalis ka na agad?" tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.

Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling 'yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi... ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.

Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis na pagkakuha ng bayad sa kaniyang mga inorder.

"Yeah. Just put the folders on my table," walang emosyon na wika ni Wayne habang isinusuot na ang kaniyang coat. Napansin pa niya sa gilid ng kaniyang mata ang naniningkit na tingin ni Brent habang naglalakad ang kaibigan palapit sa kaniyang working table.

"Nagmamadali ka yata. May lakas ka ba?" tanong ni Brent.

Doon ay hinarap ni Wayne ang kaibigan. May naisip siyang magandang ideya. "Sakto. Samahan mo ko. Let't eat dinner together. May alam akong restautant," saad ni Wayne. Kung ano man ang iniisip niyo, ay 'yon na 'yun. Alibi lang talaga ni Wayne ang kumain sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Leigh, dahil ang totoong intensyon niya ay ang sunduin ito.

Kununot ang noo ni Brent sa kaniya. "Ang random mo naman, at himala yata dahil niyayaya mo kong kumain ng dinner."

Medyo umiwas nang tingin si Wayne sa kaibigan. Nagpanggap na lang siya na niluluwagan niya ang kaniyang necktie bago sumagot, "Day off ni Manang Fracia, eh. Siguradong walang dinner sa bahay kaya kumain na lang tayo sa labas. Masarap doon sa Juliana's Gardemn; doon tayo kumain."

"Mag-bar na lang tayo, Ferrer. Hindi pa naman ako gutom, eh," sagot ni Brent sa kaniya.

"Ayoko! Kung ayaw mo, bahala ka," malamig na lang na sagot niya at mabilis na inabot ang briefcase. Hindi niya na hinintay pa ang isasagot ng kaibigan at saka lumabas ng kaniyang opisina.

Hindi rin naman nagtagal at humabol na rin si Brent sa kaniya ng paglalakad.

"Ito naman, hindi ka na mabiro. Nagpapapilit lang eh. Basta, libre mo, huh," wika ni Brent sa kaniya.

Umismid na lang si Wayne. "Manang-mana ka talaga sa pinsan mong si Alexander. Pareho kayong kuripot!"singhal niya sa walang emosyon na tono.

"Balita ko nga ay nanlibre ang mokong na 'yun sa inyo noong nakaraan, ah."

"Yeah. Broken hearted kasi; hindi na ako nabigla pa. He's also drunk... and the other day, hinahanapan niya kami ng ambag sa perang winaldas niya noong gabi. Tsk." Napa-angat na lang ang gilid ng labi ni Wayne nang maalala ang senaryo na 'yun.

Malayo pa lang, at hindi pa man humihinto ang sasakyan ni Wayne sa parking lot ng Juliana's Garden ay kumunot na agad ang kaniyang noo. Nagsalubong ang kaniyang kilay at nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa may hindi kalayuan.

"Seryoso ka talaga na masarap dito, huh,"narinig niyang wika ni Brent sa tabi niya, ngunit hindi niya 'yon pinansin sapagka't hindi niya tinatanggal ang tingin niya kay Leigh.

Huminga nang malalim si Wayne, kinakalma ang sarili dahil hindi niya nagugustuhan ang nakikita. May kausap si Leigh na isang matangkad na lalaki pero hindi niya masyadong makita ang mukha. Pareho sila na halos nakasandal sa scooter na nasa gilid nila. Pareho rin sila na medyo nakayuko at tila ay may tinitingnan doon kaya halos magkadikit ang mga ulo nito sa isa't-isa.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon