16

301 10 1
                                    

LEIGH’s POV
Hindi ko maiwasan na magpalakad-lakad nang pabalik-balik dito sa may harapan nang nakasaradong pinto ng kwarto ko. Because of the nervousness I'm experiencing right now, I instinctively bite the nails of my thumb. This is one of my bad mannerisms.
Sinadya ko talaga na gumising nang maaga ngayong araw kahit na hindi naman ako masyadong nakatulog kagabi, balak ko kasing kausapin ngayon si Wayne. Sigurado kasi na hindi ko siya maabutan mamaya kung male-late ako nang pag gising ko dahil maaga nga siyang umaalis dito sa bahay para pumasok ng opisina niya.
Huminto muna ako sa paglalakad ko at saka ko idinikit ang tenga ko sa pinto ng kwarto ko upang pakinggan siya sa may labas. Nag-iipon pa rin naman kasi ako ng lakas ng loob para harapin siya at para sabihin ang gusto kong sabihin sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na kontrahin siya.

Nang wala akong marinig mula sa labas ay agad na binatuhan ko nang tingin ang wall clock nitong kwarto para i-check kung anong oras na ba. Doon ko nakita na almost 6 o’clock pa lang ng umaga.

Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko ng mga sandaling ‘to at pakiramdam ko rin ang panunuyo ang lalamunan ko sa sobrang kaba.
Ngunit makalipas pa ang halos dalawang minuto ay isang malakas na pagbuga na nang hininga ang ginawa ko at saka ako naglakas ng loob na lumabas na para sa labas na lang siya hintayin.
When I opened the door, I was instantly stiff when the door to his room also opened.  Para akong napako mula dito sa pwesto ko dahil doon, lalo na nang agad na magtama rin ang mga mata naming dalawa. 

He's now dressed in a white long-sleeved polo with a navy blue necktie, pair of black slacks,  and black leather shoes.  Nakasampay lang sa kanan niyang braso ang dark gray coat niya at hawak-hawak din ng kanan niyang kamay ang leather briefcase niya. His hair was a little damp at the time, but it was brushed up into a tidy style that made him look neat.
Dahil diresto lang kaming nakatingin sa isa’t-isa kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkatigil din niya sa paglabas ng kwarto niya at ang medyo pagkabigla rin sa ekspresyon ng mukha  niya.
Siguro ay hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayong umaga o sasalubong sa kaniya ngayon.
Mas lalo ko nang nilakasan ang loob ko at saka ako humakbang na palabas ng kwarto ko kasabay nang pagsarado ko rin ng pinto. He finally did the same thing.


"Good morning," I said tentatively as I approached him. "Can I speak with you for a moment?"  I inquired.
Dahil halos isang hakbang na lang ang layo ko mula sa kaniya kaya naman amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango. Kahit matapang ang amoy no’n ay hindi ‘yun masakit sa ilong.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero agad niyang binatuhan nang tingin ang suot niyang silver wristwatch bago niya ibinalik sa akin ang atensyon niya. "I'm busy right now, but okay. Let me hear it,”

Bumuga ako nang malalim na hininga upang ihanda ang sarili ko sa sasabihin ko sa kaniya at hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy pa. “A-ayokong pumunta sa ball na tinutukoy mo sa akin kagabi.”

Agad na napakunot ang noo niya, "It's not your decision to go or not go, it's mine,” seryosong sagot niya habang diretso pa rin na nakatingin sa akin. "Remember the deal, you have to do everything I want."

Kahit cool lang siya habang sinasabi niya ‘yun ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng konting sakit. Oo nga pala, nasa kontrata nga namin na kailangan ko siyang sundin sa lahat ng gusto niya at wala akong karapatan na kontrahin siya. Kaya lang, alam ko kung anong ipinaglalaban ko, at may maganda naman akong rason.


“Yeah, I know. Hindi ko naman nakakalimutan ‘yun. Its just that… it's just that I really don't want to draw too much attention to that party... alam kong maiintindihan mo kung anong ibig kong sabihin,” At saka ko siya tiningnan din ng seryoso.  

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon