Buong kalahating araw ay tinulungan ko lang si Mama na maglaba. Pagsapit ng tanghalian ay nagluto muna ako ng lunch namin tapos nagpatuloy na ulit ako sa pagtulong. Mga bandang alas-tres ng hapon ay nagsasampay na ako ng mga damit sa likod ng bahay. Actually nawala na nga sa isip ko ang oras dahil itinuon ko lang talaga sa ginagawa ko ang buong atensyon ko. At habang abala nga ako sa pagsampay ng mga damit na nilabhan namin ay biglang narinig ko naman si Mama na tinatawag ang pangalan ko sa harapan ng bahay.
“Bakit po, ma? May ginagawa pa ako eh,”sigaw ko dahil nasa likod nga ako ng bahay habang nasa harapan naman si Mama.
“Pumunta ka muna dito, bilisan mo.”
“Opo. Nandiyan na.”
At iniwan ko muna ang ginagawa ko saka nagpunta na sa may harapan ng bahay. Agad akong natigilan nang makita ko si Wayne na nasa harapan ni Mama. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kotse niya na nakaparada sa labas ng gate namin. Bitbit niya sa kabilang kamay niya ‘yung bag ko habang napansin ko rin na may bitbit na si Mama na mga tinapay, siguradong bigay ‘yon ni Wayne. Inayos ko ang medyo magulo kong buhok at saka nakaramdam din ako ng konting hiya dahil medyo basa ‘yung damit ko mula sa paglalaba at pagsasampay ko.
“Halika rito, Leigh. May bisita ka.”
Kahit medyo nahihiya ako sa ayos ko ngayon ay wala naman akong nagawa at lumapit.
“Pasensiya ka na kung nagpunta na lang ako dito. Kanina pa kasi kita tine-text pero hindi ka naman sumasagot o nagre-reply. Nag-text din ako kung tuloy pa ba ‘yung lakad natin ngayong araw, pero hindi ka rin sumasagot. But now, I can see na busy ka pa pala,” mahinahon na saad ni Wayne.
“Bakit? May usapan ba kayo na may lakad kayo ngayon?” tanong ni Mama kay Wayne.
“Parang gano’n na nga po, Aling Leah.”
“Nako, may usapan pala kayo eh. Dapat sinabi mo sa akin, Leigh, para naman hindi na kita pinatulong pa sa paglalaba,” saad ni Mama sa akin.
Hinarap ko si Wayne at tumingin ako sa kaniya nang diretso.“Hindi ba at sinabi ko naman sa’yo na may gagawin pa nga ako? At ang sabi ko, kapag maaga kaming natapos ay baka sakaling matuloy. Kita mo naman na busy pa ako eh!” singhal ko. Hindi ko alam kung bakit ako galit at naiinis, pero hindi ko mapigilan. Parang nagsama-sama na ‘yung nararamdaman ko. ‘Yung frustrations sa nangyari kagabi at saka ‘yung pagod ng buong katawan ko.
Naramdaman ko ang mahinang pagpalo sa akin ni Mama. “Ano ka ba naman, Leigh. Bakit ka naman ganyan magsalita at makipag-usap sa nobyo mo.”
Napaigting ang panga ko at pinilit kong kumalma. “Sorry, medyo pagod lang ako.”
“Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Ako na ang magpapatuloy noong ginagawa mo sa likod bahay, huh.” Paalam ni Mama sa aming dalawa ni Wayne. Tuluyan na ngang umalis si Mama at naiwan kaming dalawa ni Wayne.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin ni Wayne hanggang si Wayne na rin ang unang bumasag sa katahimikan na ‘yon.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...