42

152 5 0
                                    

       Napakunot ang noo ni Wayne nang mahagip ng mata niya ang mabilis na pagtakbo ni Leigh sa may banyo ng cafe. Nakita niya pa ang nakatawang ekspresyon ng matandang babae habang lumalabas ito kaya naman agad siyang nag-alala para kay Leigh. Agad siyang pumasok at hinintay ang dalaga na makalabas ng comfort room. Mga ilang minuto rin siyang naghintay hanggang sa marinig niya na nga ang pagkakasarado noong pinto ng banyo.

Napatakbo siya nang makita niya na napasandal si Leigh sa may pader ng hallway kung saan ay halatang nanghihina ito.

 

“Leigh, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo, tell me!” agad niyang inalalayan ang dalaga ngunit mabilis na binawi ni Leigh ang kamay nito na hawak-hawak ni Wayne.

 

“Huwag mo kong hawakan. Okay lang ako.” Pagtanggi ni Leigh sa kaniya at mabilis na umayos na ito mula sa pagkakatayo.

 

“You’re not okay. Namumutla ka.” Nag-aalala na si Wayne sa kalagayan ng dalaga.

‘Ano bang nangyari sa kaniya? Okay pa naman siya kanina bago ko siya iwan.’

 

“Dadalhin kita sa ospital,” dagdag na saad pa ni Wayne.

 

“Huwag na. Gusto ko nang umuwi.” At hindi na naka-angal pa si Wayne lalo na nng mauna nang maglakad si Leigh sa kaniya papalabas ng cafe.

     

         Habang nagmamaneho si Wayne ay hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ang tahimik ni Leigh sa tabi niya kaya naman nagsalita siya.

 

“Sa tingin ko ay malakas ang laban natin sa kaso mo. I just found out na meron talaga siyang ibang intensiyon kaya niya gustong makuha sa’yo ang lupa. It’s like, she’s not really interested to get paid from your father’s debts. Gusto niya lang talaga na makuha ang lupa niyo.”

 

“Hindi ko alam kung magandang balita ba ‘yan o hindi,” mahinang saad ni Leigh na para bang wala ito sa sarili.

 

“Ano bang nangyayari? May problema ba?”

 

“Wala,” sagot na lang ni Leigh sa kaniya.

 

“Gutom ka na siguro. Let’s eat.”

 

“Wala akong gana. Umuwi na lang tayo.” At nakita na nga ni Wayne sa gilid ng kaniyang mata na itinuon na lang ni Leigh ang atensyon niya sa labas ng bintana.

Hindi na lang nakinig si Wayne sa sinabi ni Leigh at imbes na umuwi ay ibang daan ang pinupuntahan nila ngayon. Alam niyang hindi makakahindi si Leigh sa pagdadalhan niya ngayon sa dalaga.

 

“Teka, hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay, ‘di ba? Saan ba tayo pupunta?” agad na tanong ni Leigh sa kaniya nang bumabagal na ngayon ang takbo ng kaniyang sasakyan.

 

“We’re going to eat,” sagot ni Wayne.

 

“Kakain? Sa school? At hindi ba sinabi ko na sa’yo na wala nga akong ganang kumain.”

 

“You will definitely going to like the food here.” At hindi na nga nagtagal at tuluyan nang huminto ang sasakyan ni Wayne. “Let’s go.”

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon