25

264 9 2
                                        

Napaangat ang mata ni Wayne nang makita niyang pumasok sa kaniyang opisina ang sekretarya niya na si Charm. Wala naman kasi siyang narinig na pagkatok sa nakasaradong pintuan kaya nakaramdam siya ng inis. Kasalukuyan lang siya na nasa firm nang tanghaling 'yun at abala sa mga binabasa niyang kaso. May trial siya mamayang alas-kuwatro kaya naman nire-review niya ang mga kailangan niyang basahin. Maaga siyang umalis ng kaniyang bahay kaninang umaga kaya naman hindi niya na naabutan pa si Leigh na magising.

"Good afternoon, Attorney Ferrer. Pinapatawag niyo raw po ako?" wika ni Charm sa kaniya sa malanding tono ng pananalita nito. Nakalabas ang cleavage ng sekretarya dahil sa unang dalawang butones na nakabukas mula sa puting blouse na suot nito. Mas maikli rin ang fitted skirt nito kesa sa ibang sekretarya at ibang empleyado sa kaniyang firm. Kung dati ay natutuwa pa siyang makita ang mga 'yun; pwes hindi na ngayon.

"I don't called you. Sinong may sabi niyan sayo?" Malamig na sagot ni Wayne dahil totoo naman na hindi niya ito tinawag. Ngumiti sa kaniya si Charm sa isang malanding paraan kung saan ay unti-unting kumunot ang noo ni Wayne nang mapansin niya na bulgar na ni-lock ni Charm ang pintuan sa may likod nito kung saan ay narinig niya pa ang tunog na ginawa nang pagkaka-lock noon.

Nang dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kaniya habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata, alam niya na agad kung ano ang rason nang pagpunta ni Charm sa opisina niya. Mas lalong naging madilim ang aura ni Wayne ng dahil doon. Ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay habang nakatingin sa dalaga.

"I just felt that you need me, attorney. Not my service, but my body." Pumatong ang dalawang kamay ng babae sa lamesa niya at yumuko ng konti sa kaniyang harapan. Naging rason 'yun para maka-face to face ni Wayne ang malusog na dibdib ni Charm.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Wayne ng mga sandaling 'yun. Bagkus, siya na mismo ang kusang naglayo ng kaniyang mukha sa babae; sumandal siya sa kaniyang pinagkakaupuan.

"And do you really think na mauulit pa 'yon? I doubt it, Secretary Olivar." Naging kasing lamig ng yelo ang boses ni Wayne nang sabihin niya ang mga kataga na 'yun. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno nang panghuhusga habang nakatingin siya kay Charm. Tila ba ay natauhan naman ang babae sa kaniyang narinig at saka dahan-dahan na tinanggal ang mga kamay sa lamesa. "That is just a one time thing. And I will remind you that your work is to assist me here in firm. Kung gusto mong mapalitan ang trabaho na 'yun, nagkamali ka yata nang pinasukan. Dapat siguro sa mga club ka nagtatrabaho at hindi rito. Should I fire you now?"

Mabilis na umiling si Charm sa kaniya. "H-hindi po, Attorney Ferrer. P-pasensiya na po." Halata ang takot sa boses ng babae, takot na baka mawalan siya ng trabaho. Hindi niya na ngayon magawang tumitig sa mga mata ni Wayne, bagkus ay nakayuko na lang ang kaniyang ulo. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa magsalita ng muli si Wayne.

"I will not fire you. Papalagpasin ko 'to, pero kapag naulit pa ang pangyayaring ito, alam mo na kung ano ang mangyayari."

"O-opo, attorney."

"Makakalabas ka na." Nag-bow pa sa kaniya si Charm bago ito tuluyang tumalikod sa kaniya. At nang lalabas na ito ng kaniyang opisina ay agad niya itong tinawag muli. Humarap sa kaniya ang babae na halatang kinakabahan pa rin ngunit hindi niya na 'yun pinansin at nagsalitang muli, "One more thing, fix your clothes. Bukas na bukas din, ayokong makita na ganyan kaiksi ang skirt mo, pati na rin ang blouse mo. Are we clear?"

"Y-yes, attorney."

At tuluyan na ngang lumabas ng opisina niya ang babae. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Wayne at pinilit na ibalik ang kaniyang focus sa ginagawa. Ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa pangyayari na 'yun kaya naman pipilitin niyang palagpasin 'yun sa ngayon.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon