53

179 10 3
                                        

     Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.

Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.

 

Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na parang nakakabatang kapatid, eh.

 

Pero katulad nga nang sinabi ko, wala na akong magagawa pa. Naka-oo na ako Wayne. Heto na nga, oh, nasunod ko na ‘yung gusto niya.

 

Speaking of Wayne... naging maayos ang mga nagdaan na araw sa pagitan namin. Ang weird lang dahil kung paano kami umasta sa isa’t-isa ay parang magkarelasyon kami. Sinusundo niya pa rin ako tuwing gabi sa trabaho. Gusto niya nga na hatid-sundo pa, eh... kaya lang ako na ‘yung tumanggi. Bukod sa ayoko talaga na maabala pa siya, medyo out of the way rin kasi ‘yung restaurant sa firm niya.

Hindi lang ‘yon. Ina-update niya rin ako sa tuwing nasa firm na siya. Alam ko na ‘yun ‘yong paraan niya upang iparating sa akin na okay lang siya at wala siyang ginagawa na kahit ano. Siyempre, hindi pa rin kasi nawawala sa akin ‘yung kaba sa tuwing pumapasok siya sa trabaho. Malay ko ba kung hindi naman pala siya sa opisina dumidiretso, ‘di ba? Paano kung may minamanmanan na naman pala siya na masasamang tao? Ngunit, gaya nang sinabi niya, kailangan ko lang siyang pagkatiwalaan.

 

Teka nga, ngayon ko lang naalala. Wala pa nga pala akong natatanggap na text mula sa kaniya simula kaninang umaga. Nauna kasi ako na umalis ng bahay. Hindi ko alam kung nag-stay lang siya ngayon sa bahay dahil tuwing Linggo ay wala naman siyang pasok, o baka umalis din siya pagkaalis ko. Nakakapagtaka lang dahil sanay na akong makatanggap ng text sa kaniya. Ngunit, wala na akong natanggap ngayong buong araw.

 

Gusto ko sana siyang tawagan, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayaw ko naman na masyadong sagarin ‘yung ‘feeling magkarelasyon’ na set-up namin ngayon, ‘no. Kaya imbes na tawagan siya, nagpasya na lang ako na magmadali na sa paglalakad para makauwi agad ng bahay.

 

      ILANG metro pa ang layo ko mula sa bahay ni Wayne ay napakunot na agad ang noo ko nang mapansin ko ang apat na mga magagarang kotse na nakaparada sa harapan mismo ng bahay.  Dalawang kulay itim, isang pula, at isang silver gray na mga kotse ‘yon.

Naramdaman ko kaagad ang pagkabog ng puso ko. Dalawang bagay lang ngayon ang tumatakbo sa isipan ko: Paano kung ang may-ari ng mga kotse na ‘yon ay ‘yung mga masasamang tao na hina-houseraid ngayon ang bahay ni Wayne? Or worst, baka nandoon sa loob ng bahay si Wayne at hino-hostage nila?

 

Kahit na hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko dahil halo-halo na ito, hindi na ako nakapag-isip ng maayos at tumakbo na ako papunta sa bahay. Hindi ko alam kung dapat na ba akong tumawag ng mga pulis, o humingi na agad ng tulong... pero isa lang talaga ang gusto kong gawin, ‘yun ay ang malaman kung ano na ang nangyayari kay Wayne sa loob.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon