36

149 7 0
                                    

AT WAYNE’s OFFICE

Buong maghapon na halos wala si Wayne sa kaniyang sarili. Pinilit niya na i-focus sa ibang bagay ang atensyon niya pero may mga oras talaga na bigla-bigla na lang siyang tumitigil upang mag-rant sa kaniyang sarili.

 

“Kung kausapin niya ako kanina, parang hindi big deal sa kaniya ang nangyari sa amin kagabi. Is that really something that is not an issue to her? Does she have sex with someone after we broke up? Fuck!” gigil na saad niya sa kaniyang sarili. “I had sex with random girls before, hindi ko itinatanggi ‘yon, pero never naman akong nakipag-relasyon matapos naming maghiwalay. She still my first girlfriend at hindi na nasundan ‘yon. And knowing Leigh, hindi naman niya gagawin ang bagay na ‘yon sa hindi niya ka-relasyon… so, ibig bang sabihin ay may naging ibang boyfriend siya maliban sa akin?”

 

Ilan lang yan sa mga gumugulo sa utak ni Wayne kanina pa. Gusto niyang malaman ang kasagutan pero hindi niya gustong magtanong.

 

“That’s unfair to my side, right?” tanong niya pa sa kaniyang sarili.

Hindi man niya matanggap sa sarili niya at maamin, pero ang isipin na may naka-relasyon nga si Leigh matapos ang relasyon nilang dalawa ay napakahirap matanggap ng kaniyang kalooban.

 

“At isa pa, sigurado na ‘yung Pio na naman na ‘yun ang nag-offer sa kaniya ng trabaho. Bakit ba siya tumatanggap ng tulong sa lalaking ‘yon? Paano kung ang ginagawang pagtulong no’n ay may kapalit?” reklamo pa rin niya. “Kung alam ko lang na naghahanap siya ng trabaho, pinasok ko siya bilang sekretarya ko, para naman lagi ko siyang nakikita. But, well… I don’t kung papayag siya. Sigurado naman kasi na hindi. Hays! Nakakainis na!”

 

Naputol lang ang malalim na pag-iisip ni Wayne nang sunod-sunod na pagkatok ang narinig niya mula sa labas ng kaniyang opisina.

 

“Come in,” he said and straighten his back while sitting on his swivel chair.

Agad niyang nakita ang nakangiting kaibigan na si Brent pero hindi niya ito pinansin at ibinalik na lang ang atensyon sa kaniyang binabasa. Habang abala sa pagbabasa ay biglang may lumapag na white and black na maliit na sobre sa harapan niya. Napa-angat tuloy ang kaniyang paningin kay Brent at nagtataka itong tiningnan.

 

“What is this?” he asked. Umupo si Brent sa harapan ng kaniyang lamesa bago ito sumagot.

 

“That’s your invitation card.”

 

“Invitation for what?”

 

“Nakalimutan mo na ba  ‘yung sinabi ko sa’yo noong nakaraan? May pupuntahan nga tayong kasal ni Silvestre and Corey. Next week na ‘yon kaya ayan.”

 

“Yeah. I forgot about that already. Buti napaalala mo.”

 

Nakita ni Wayne ang makahulugan na bungisngis ni Brent sa kaniya. “Masyado ka naman yatang abala sa pinag-kakaabalahan mo. Busy ka ba sa KLIYENTE mo.” At idiniin pa nito ang salitang ‘kliyente’ na para bang may iba itong pinapahiwatig.

 

Napailing-iling na lang si Wayne habang seryoso pa rin ang kaniyang ekspreyson.

 

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon