35

190 6 0
                                    

          Mulat ang mga mata at gising na gising na rin ang diwa ni Leigh nang umagang 'yon. Diretsong nakatitig siya sa kisame ng kaniyang silid habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na nakabalot ngayon sa buong katawan niya sapagkat ramdam na ramdam niya na wala siyang kahit na anong saplot sa kaniyang katawan. Hindi alam ni Leigh kung gaano na siya katagal ngayon na nakatulala, basta ang alam niya lang masyadong maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang utak.

'Siguradong hindi na 'to panaginip o kung ano man. Totoo na may nangyari na talaga sa aming dalawa kagabi.'

'Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.'

'Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa akin at bumigay na lang ako ng tuluyan.'

'Tandang-tanda ko pa na matapos 'yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Wayne ay binuhat niya pa ako in a bridal way.'

'Masyado na kasing nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ko na rin halos nagawa pa na makatayo.'

'Binuhat niya ako papunta dito sa kwarto ko, at hindi ko alam kung tama ba ang pagkakatanda ko o kung panaginip ko lang ba 'yun... pero ramdam ko na hinalikan niya pa ako sa noo ko bago siya tuluyang umalis.'

'Hindi ko na halos matandaan ang tungkol doon dahil the moment na lumapat ang likod ko sa malambot na kama ko ay kusa na akong dinala noon sa pagkakahimbing.'

'Pero, isa lang ang sigurado ako at 'yun ay naangkin na akong muli ni Wayne.'

Ilan lang 'yan sa mga bumabagabag ngayon sa isipan ni Leigh ng mga sandaling 'yon hanggang sa nagpasya na rin siyang bumangon na. Bitbit ang kaniyang kumot na ibinalot niya sa kaniyang hubad na katawan ay agad siyang tumayo upang pumunta na sana sa banyo. Ngunit, pagkatayo na pagkatayo niya ay agad din siyang napaupo muli sa kama.

"Argh! Ang hita ko, ang sakit," daing niya. 'Grabe naman! Para akong tumakbo ng ilang kilometro kagabi dahil sa sobrang sakit ng hita at binti ko. Masyado yata talaga akong nabigla sa mga nangyari kagabi kaya ayan tuloy, ramdam ko ang pagkirot nito ngayon.'

'Pero, ano pa nga ba ang aasahan ko, hindi ba? Gaya naman kasi nang sinabi ko... matagal-tagal na rin simula nang maranasan ko 'yon. Wala na kasi talaga akong naka-sex na ibang lalaki bukod kay Wayne.'

'Maraming nanliligaw sa akin noon at isa na nga si Pio roon, pero kahit isa ay wala akong in-entertain. Hindi ko alam kung bakit hindi ako sumubok na pumasok muli sa isang relasyon matapos ang pakikipag-relasyon kay Wayne. Siguro ay dahil masyado akong focus noon sa trabaho dahil binalak ko rin noon na makabalik sa pag-aaral na hindi na rin natuloy pa.'

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Leigh bago siya pumilit na tumayo. Tiniis na lang niya ang kirot na kaniyang nararamdaman dahil hindi naman pwede na hindi siya kumilos sapagkat nakahubad pa rin siya. Mabilis lang siya na naligo at nag-bihis. Naalala niya kasi na may lalakaran siya sa araw na 'yon.

"Muntikan pang mawala sa isip ko na pupuntahan ko nga pala 'yung restaurant kung saan ako mag a-apply sa pagtrabaho," saad ni Leigh habang nakaharap siya ngayon sa may salamin at sinusuklay ang mahabang buhok niya. Huminga siya ulit nang malalim.

'Kailangan ko nang tanggalin ang isip ko sa nangyari sa amin ni Wayne kagabi. Tapos na rin naman 'yun at sigurado ako na hindi niya na masusumbat pa sa akin ang tungkol doon dahil napagbigyan ko na siya.' muling saad niya sa kaniyang sarili.

Pagkatapos niyang makapag-ayos ay nagpasya na siyang lumabas ng kaniyang silid. The moment that Leigh was about to grab the doorknob of her room, she automatically stunned.

'Teka. P-pumasok na kaya si Wayne sa kaniyang trabaho?'

'Paano kung nandiyan pa siya sa labas at hindi pa siya nakakaalis?'

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon