22

273 10 2
                                        

             SAGLIT lang na nakapag-usap si Wayne at ang lalaking kausap nito kanina na Zeid ang pangalan dahil hindi nagtagal ay nagdatingan na rin 'yung ibang kilala ni Wayne sa event na 'yun at isang tao lang ang naging pamilyar sa paningin ko... walang iba kung hindi si Attorney Brent, na ilang beses lang naman akong pinagpabalik-balik sa firm na 'yun. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na batuhan siya nang masamang tingin. Pasensiya na, okay? Ang labo lang kasi talaga niya eh... kung ayaw niya sanang tanggapin ang kaso ko, diniretsa niya na lang sana ako para hindi na rin sana nagtagpo ang landas naming dalawa ni Wayne. Kung tutuusin, siya siguro ang dapat kong sisisihin kung bakit nagkita pa kaming muli ni Wayne eh.

"Oh, you are with Ms. Devon." Pasimple niya pa akong binatuhan nang tingin, saglit lang 'yun dahil ibinalik na rin niya kay Wayne ang kaniyang atensyon.

"Yeah. She's my client now," pormal lang na sagot ni Wayne. Well, wala namang mali sa sinabi niya dahil kliyente naman talaga niya ako.

"I didn't know that you are now dating your client. I thought, you are such a strict when it comes to business relationship. Or, is my theory correct that you really know each other," pabiro na saad nito at ngumiti pa.

I can't help it but scoffed silently. 'Eh ano naman ang pakialam niya kung magkakilala talaga kami ni Wayne? Kung alam niya bang magkakilala kami... tatanggapin niya noong una pa lang ang kaso ko? Tsk. Sabihin niya, pera-pera lang talaga ang lahat sa kaniya. Well, wala na akong masasabi pa doon dahil trabaho naman niya talaga 'yun... doon sila kumikita at yumayaman eh.'

"You are being nosy again, Brent. We have to go now, I will introduce her to someone," walang emosyon na wika ni Wayne at nang magsimula na siyang maglakad ay sumunod naman ako agad sa kaniya. Nauuna siyang maglakad habang ako naman ay nahuhuli; nasa bandang likod niya ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumunod lang ako sa kaniya. Marami pang bumati kay Wayne habang naglalakad kami pero simpleng bati lang 'yun kaya naman hindi siya tumitigil nang matagal. Ngunit, isang babae ang biglang bumati sa kaniya; hindi lang isang babae kung hindi magandang babae.

"Hey, Wayne." Nang tumigil si Wayne ay tumigil din ako. Mukhang hindi pa ako napapansin noong babae dahil nga nasa may bandang likuran ako ni Wayne na para bang hindi niya talaga ako kasama.

Ang lawak nang pagkakangiti noong babae kay Wayne kung saan ay lumapit pa ito at awtomatikong napalaki ang mata ko nang halikan niya si Wayne sa mismong labi nito kasabay nang pagpulupot niya ng kamay sa may leeg ni Wayne.

"Long time no see," she said, flirtatiously. The girl was wearing a black tube dress. Halos makita na ang cleavage nito dahil sa laki ng kaniyang hinaharap, pero kahit ganon ay mukha naman siyang karespe-resperto na tao. Matangkad siya; konti lang ang height difference nila ni Wayne pero mas matangkad pa rin si Wayne sa kaniya.

"Yeah. Long time no see, Becca," sagot naman ni Wayne. Hindi ko napigilan na palihim na mapataas ang kilay habang nakatingin ako sa may likod ni Wayne dahil hindi man lang siya nag-react sa paghalik sa kaniya noong babae.

Teka? Ito na ba 'yung sinasabi ni Zienna sa akin na mga flings ni Wayne?

"Yeah. After the company party last month, hindi na kita nakita at nakausap. Sobrang busy mo na raw. O baka naman iniiwasan mo lang ako?" Halata ang pagtatampo sa tono ng boses noong babae kay Wayne kasabay nang mabilis na pagbitaw nito sa pagkakayakap sa leeg ni Wayne at saka sumimangot.

"I'm sorry, I've been very busy this past weeks."

"Oh? Really? Akala ko namn ay tinataguan mo lang ako dahil after what happened to us last time, hindi na talaga kita na-contact."

Natigilan ako sa sinabi niya. Talagang sinabi niya 'yun nang casual lang kay Wayne?

Nang mapansin ko na babatuhan ako nang tingin ni Wayne ay mabilis kong ibinaling ang paningin ko sa gilid upang hindi niya makita na nakikinig talaga ako sa pinag-uusapan nila, kahit ang totoo ay rinig na rinig ko naman talaga 'yun. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pasimple niyang pagbato nang tingin sa akin.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon