32

189 5 0
                                        

Hindi maiwasan ni Leigh na mapangiti nang ipaghila pa siya ng upuan ni Wayne nang makarating na sila sa may dining area. Kung siguro ay first time ni Leigh na makarating sa mansyon ng mga Ferrer tiyak na mamangha siya sa laki at haba ng dining table ng mga ito.

Mahigit sampu o hanggang kinse katao pa yata ang pwedeng umupo sa lamesa na ‘yon. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang malaki at magandang chandelier na nasa itaas ng gitnang lamesa. Ang lalaki ng mga bangko na halatang mamahalin din.

 

‘Sa mga palasyo sa mga disney movies ko lang nakikita ang mga ganitong klaseng upuan.’

‘Ngayon lang din ako makakaupo sa ganito dahil kadalasan ay natatanaw ko lang ito kapag pumupunta ako rito para kumuha ng labada.’

‘Walang nakaupo ngayon sa may kabisera ng lamesa dahil siguro ay para lang ‘yun sa parents nila na wala ngayon dito sa bahay.’

‘At ang dami rin ng pagkain. Ang daming putahe na nasa harapan ko ngayon.’

‘Pero gaya nang sinabi ni Wayne, halos lahat nga ay paborito ko ang nakahain. May adobo, bistek, at meron din na letchong manok.’

 

“Ang daming pagkain,” pasimpleng bulong ni Leigh kay Wayne kung saan ay talagang hininaan niya lang ang boses niya sapagkat nasa harapan nila ang kapatid nito na si Denise. Si Denise lang ang mag-isa sa kabilang parte ng lamesa habang silang dalawa naman ni Wayne ang magkatabi. Si Wayne ang kaharap ni Denise kaya walang kaharap si Leigh.

 

“Hindi ba at sinabi ko naman sayo na gusto kong maging espesiyal ang unang pagpunta mo rito sa bahay bilang girlfriend ko,” bulong din pabalik sa kaniya ni Wayne. Napailing-iling na lang si Leigh habang napapangiti. Sobrang sweet naman kasi talaga ni Wayne sa kaniya. Ito na yata ang pinaka-thoughtful na lalaking nakilala niya.

 

“Let’s start to eat?” agad na saad ni Denise kaya napunta na rin rito ang atensyon nilang dalawa ni Wayne. Nang batuhan ni Leigh ng tingin ang nakakatandang kapatid ni Wayne, nakita niya ang malawak na ngiti nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi tuloy maiwasan ni Leigh na mapangiti na rin ng mas malapad.

 

‘Hala! Ang bait naman pala ni Ate Denise, halatang friendly siya.’

‘Buong-akala ko kasi talaga ay masungit siya at isnabera.’

‘Kadalasan kasi ay kapag pumupunta ako rito sa mansyon nila, kung hindi siya nakakulong sa kwarto niya ay nanonood lang siya ng TV kung saan ay hindi niya napanpansin ang pagdating ko.’

‘Hindi rin nga niya napapansin ang palihim na pag-uusap namin ni Wayne sa tuwing nandito ako dahil para bang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.’

 

“Kain ka na, hon. Paborito mo ‘yan lahat.” Nawala lang ang pagkakatitig ni Leigh sa kapatid ni Wayne nang magsalita na nga ang binata.

 

“Oo nga naman, Leigh. Kumain ka lang. For sure, you will love all the food since it’s your favorite pala,” nakangiti na naman na saad sa kaniya ni Denise.

 

Medyo nakaramdam ng konting hiya si Leigh pero nagsalita naman siya para sumagot, “Salamat po.”

 

“Don’t use ‘po’ to me na rin. Sa tingin ko naman ay hindi nagkakalayo ang mga agwat natin.” At ngumiti na naman sa kaniya si Denise bago nagsimulang kumain na ito. Ganon na rin naman ang ginawa nila ni Wayne kung saan ay pinagsilbihan pa talaga siya ng kasintahan. Nahihiya pa nga siya at pilit na pinapatigil si Wayne sa paglalagay nito ng pagkain sa pinggan niya pero hindi nakikinig ang binata.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon