51

156 8 0
                                        

            Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.

Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.

 

“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.

 

Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.

 

Pagkababa ko, awtomatikong napapreno ako nang matanaw ko si Manang Fracia. Nasa may dining table siya at naghahain. Napasulyap tuloy ako sa wristwatch na suot ko, doon ko nakita na 6:00 pa lang nang umaga. Kadalasan kasi ay alas-siyete o alas-otso pumapasok dito si manang kaya nagtataka ako kung bakit ang aga naman niya yatang pumasok.

 

Lumapit ako sa kaniya kung saan ay agad niya akong napansin.

“Oh, Leigh… nandiyan ka na pala. Sakto, nakapaghain na ako ng almusal mo. Kumain ka na muna bago ka pumasok sa trabaho mo,” malambing na saad ni Manang Fracia kasabay nang paghila niya sa bangko.

Dahil alam ko naman na medyo maaaga pa, at bibilisan ko na lang ang pagkain ko kaya umupo na nga ako.

 

“Bakit po pala ang aga niyo, manang?” tanong ko habang kumukuha na ako ng fried rice, si manang naman ay sinasalinan ako ng juice sa baso.

 

“Nakatanggap ako ng text kay Sir Wayne noong madaling araw. Pinapaaga niya akong pumasok para raw mapaghandaan kita ng almusal.”

 

Natigilan ako nang dahil doon, at lihim pa ako na napalunok ng laway. Hindi ko alam kung mapapawi ba noon ang inis na nararamdaman ko sa kaniya.

 

“Eh, n-nasaan po pala si Wayne? Hindi po ba siya sasabay na mag-almusal?” tanong ko pa.

 

Kumunot ang noo ni manang, bago siya nagsalita. “Ha? Sa palagay ko ay hindi siya umuwi kagabi.”

 

Natigil na naman ako sa narinig kong kasagutan.

‘Ano? Bakit hindi siya umuwi?’ hindi ko maiwasan na itanong ‘yun sa isipan ko.

 

“Mag-a-alas-singko pa lang ay nandito na ako, eh. Bukod sa hindi ko nakita ang kotse ni Wayne nang dumating ako, kinuha ko rin ‘yung mga labahan niya sa kwarto niya. Nakita ko na maayos na maayos pa ang pagkakalatag ng bedsheet sa kama niya, kaya sigurado ako na hindi siya umuwi,” dgadag na paliwanag pa ni Manang Fracia.

 

Ibig sabihin ay hindi nga talaga siya umuwi. At saan naman siya natulog, aber? Doon sa Becca niya? Kaya ba gano’n na lang siya nagmamadali na umalis kagabi? Nakakainis na! Ilang beses niya na akong iniiwan para lang sa babaeng ‘yon!

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon