28

220 10 1
                                    

THIRD PERSON's POV

      Nagdaan ang buong Sabado at ngayon ay Linggo. Matapos ang naging pag-uusap ni Wayne at Leigh ay hindi na sila muling nakapag-usap pa. Sa katunayan ay 'yun na rin ang huling pagsasalubong ng landas nilang dalawa sa bahay na 'yon.

Kung hindi kasi nasa loob lang ng kwarto niya si Wayne ay lumalabas naman ito ng bahay na hindi naman halos namamalayan ni Leigh. Kapag umaalis ang binata ay hindi na rin niya namamalayan ang pagdating nito.

Hindi tuloy maiwasan ni Leigh ang mapabuntong hininga habang nasa loob siya ng silid at nakahiga lang sa kaniyang kama.

"Ang labo niya," saad niya sa kaniyang sarili. Nakalapat ang kaniyang likod sa malambot na kama niya kaya naman diretso lang siya na nakatingin sa mataas na kisame ng kaniyang kwarto. "Hindi ko akalain na kaya niyang magalit sa akin ng gano'n dahil lang sa hindi natuloy 'yung gusto niyang mangyari. At saka, hindi ko naman talaga sinadya na malasing ng gano'n eh. Pero siyempre, sino ba naman ako para paniwalaan niya." Nagagawa niya lang naman na mag reklamo at maglabas ng saloobin sa kaniyang sarili; ang sarili niya lang kasi ang tiyak na kakampi niya. Kahit kasi halos isang araw na ang lumipas ay hindi pa rin siya makapag-move on sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Wayne kahapon. Lalo pa siyang hindi makapag-move on sa tuwing naalala niya kung paano tumingin sa kaniya si Wayne at ang eksaktong mga sinabi nito sa kaniya.

"Pero siyempre, hindi ko naman siya masisisi. 'Yun lang naman talaga ang habol niya sa akin, habang ako, ang habol ko sa kaniya ay 'yung maipanalo niya ang kaso ko." Kahit parang kumikirot ang puso ni Leigh sa katotohanan na 'yun ay wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin. 'Yun din naman kasi talaga ang katotohanan.

Truth hurts, ika nga.

Hindi niya maiwasan na mapahawak sa kaniyang dibdib. "Simulan mo nang alagaan ang puso mo, Leigh. 'Wag mong hintayin na umabot na naman ng ilang taon bago mo mabuo ang sarili mo at makabangon mula sa pagkabagsak mo gaya nang nangyari noon sayo." Isang simple ngunit mapait na ngiti ang kaniyang pinakawalan.

"Huwag mo nang subukan pang isama ang puso mo sa nangyaring kasunduan niyo ni Wayne, katawan mo lang naman talaga ang kasama at hindi ikaw." Pakiramdam ni Leigh ay naluluha na siya ng mga sandaling 'yon, pero buti na lang at hindi natuloy nang sunod-sunod na pagkatok ang narinig niya mula sa labas ng kaniyang silid.

"Leigh." Boses 'yun ni Manang Fracia.

"Pasok, manang. Bukas po 'yan," mahinang wika niya. Agad na rin siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya aat umupo na lang sa kama habang hinihintay ang pagpasok ng matandang babae. Medyo inayos niya rin ng konti ang magulo niyang buhok hanggang sa tuluyan na ngang nakapasok si Manang Fracia. "Bakit po, manang? May kailangan po ba kayo?" tanong niya rito.

Umiling naman muna ang matandang babae bago ito naglakad papalapit sa kaniya.

"Itatanong ko lang kung ano bang gusto mong lutuin ko na ulam bago ako umalis at umuwi." Napatingin si Leigh sa orasan na nakasabit sa kaniyang wall at nakita niya roon na halos mag a-alas sais na pala ng hapon. Hindi man lang niya namalayan ang oras. "Kahit ano, sabihin mo lang sa akin at 'wag kang mahiya. Napapansin ko kasi na parang wala kang ganang kumain kahapon pa."

Lihim na napabuga na naman nang malalim na hininga si Leigh. Alam niya kasi na wala naman talagang alam ang matanda sa naging pagtatalo nilang dalawa ni Wayne kahapon.

"Nag-aalala na ako sa'yo. May nararamdaman ka ba? May sakit ka ba?"

Mabilis naman na umiling si Leigh at ngumiti ng bahagya. "Wala po akong sakit, manang. 'Wag po kayong mag-alala sa akin."

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon