two

3K 58 2
                                    

Ara's POV

Tapos na lahat ng classes ko at dumerecho na agad sa Gym. Training namin today. Ako ang pinaka naunang dumating at isa-isa nang nagsidatingan yung iba. Matik na rin yung pagpapalit ng damit. Tinawag ko na rin sila at pinapunta sa court. Kung bakit ako ang utos ng utos, ako na kasi ang captain ng team ngayon.

"Let's start our warm-up. One, two, three go." Sigaw ko at nagsimula na nga kami. Ako ang nasa gitna kaya naman nakikita ko ang lahat. Except for one person and speaking of..

"Mika, late na naman?" Tanong ko at sumingit ito para makapag warm-up din. "San galing?"

"Sorry Capt. May dinaanan pa po kasi ako sa labas. Sorry." Paliwanag niya. Feeling ko ang tanda ko dahil sa mga "po" niya.

"Okay. Next time, ayoko na ng nalelate." Matigas kong sabi sa kanya at hinayaan ko na siyang magwarm-up.

Pagkatapos ng warm-ups. Kanya-kanyang kaming kuha ng bola para magpractice ng dig, spike at service. Kapartner ko ang bago naming teammate na si Aduke. Nakailang digs kami at nagservice naman kami. Tuloy tuloy ang practice at no break time hanggang sa mapagod na ako.

Nagpapractice naman kami ngayon ni Aduke sa spike. Kasama rin namin si Kimmy para may taga-set. Ako muna ang spiker at blocker ko muna si Aduke. Wala akong tigil sa pagpalo. Madalas lamang mablock ni Aduke ang spike ko kung hindi naman ito nabablock, derederecho lang bola hanggang sa may matamaan ito. Dahil pang bente ko na 'tong spike, mas nilakasan ko ito at nacheck naman ito ni Aduke sa di inaasahan, natamaan si Mika at natumba. Agad naman akong lumapit kay Mika.

"Ye, ayos ka lang?" Tanong ko at kinapa ko ang pisngi niya. "Uy, gising Reyes."

Napamulat naman ito at siya namang ikinagulat ko. Ang cute talaga ni Mika.

Tumayo na siya at inalalayan ko naman. Pinaupo ko muna siya sa bench at sumigaw akong break time muna.

Tulala pa rin si Mika at hinawakan ko ang kamay niya. Da Moves.

"San ba kita natamaan?" Itinuro niya naman ang ulo niya. "Gusto mo sa clinic?"

Umiling-iling naman siya at inabot yung bag niya. Uminom siya ng tubig. Binigyan ko rin siya ng pagkain ko.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng chocolates ko. Take note, bigay sakin ni Kief yan.

"Thank you." Sagot niya at kumuha siya ng chocolate ko.

Sa totoo lang, kami ni Mika since rookies pa lang, dormmates na kami niyan. Close na close na, ngayon lang nabago. Ewan ko but these days, cold siya. Hindi malamig but para ang layo niya sakin. Gets niyo naman yun di ba?

Sa tagal naming magkasama, hindi ko maamin-amin ang feelings ko sa kanya. Crush ko yan eh pero nagpipigil ako. Nanghihinayang din kasi ako sa friendship namin baka mawala pa.

Natigil ang masayang usapan namin ni Mika nang tawagin ako ni Kim Fajards. Tumakbo naman ako palapit sa kanya.

"Bakit?" Medyo hingal na sabi ko. Hindi nagsalita ang mokong pero nginitian naman ako. "Baliw!"

"Dumadamoves ka huh? Musta? May progress ba?" Sunod sunod niyang tanong. Si Kim lang kaisa-isahang nakakaalam ng mga secrets ko bukod kay Kief. Pero etong kay Mika, hindi ko sinasabi kay Kiefer. Tsaka naiinis nga ko pag nalilink si Mika dun. Hindi sila bagay, kami ni Mika yung bagay.

"Huh? Wala pa eh." Dismayado kong sagot.

"Hina mo naman dre? Gwapo mo na nga, torpe pa rin." Sabi nito. Aba nang-aasar ba 'to.

"Ikaw kaya. Paano kung umamin ako sa kanya tapos layuan naman ako? Oh ano? Mas okay na 'tong tinatago ko na lang ang feelings ko para sa kanya."

"Sus. Walang naitatago, kaibigan. Lahat kusang lumalabas." Sabi nito at iniwan ako. Sira talaga 'tong kaibigan kong 'to eh.

Bumalik na kami ulit sa pagtetraining at ngayon naman ay nagplay kami.

--

Naglalakad na kaming lahat pabalik sa dormitory. Kasabay kong naglalakad si Mika at nakaakbay pa ito sakin. Sabi ko naman sa inyo close kami.

"Ye," tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sabay tingin sakin.

"Labas tayo tomorrow. Bonding naman tayo."

"Ah eh,"

"Sige na Ye. Bonding naman tayo. Di na nga tayo lumalabas eh. Aayaw ka pa." Sabi ko at ginawa ko ang lahat pumayag lang 'to.

Nag isip-isip muna siya at chineck pa ang phone niya.

"Okay. Sige bukas. San ba?"

Yes! Lalabas kami ni Mika bukas. Date kuno na para sakin 'to. Tsaka susubukan ko ng umamin sa kanya.

--

Hello guys. Sana suportahan niyo 'to. Thanks! :)

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon