Ara's POV
"Sst Ara."
"Gising na."
"Mika!"
"Naks. Holding hands?"
Nakakarinig ako ng mga mahihinang halakhakan sa paligid ko at nang idilat ko ang mga mata ko..
SHIT.
Nasa clinic nga pala ako ngayon at nasa harapan ko ang mga teammates ko na sige ang tawa. Pero ano naman kayang nakakatawa? Eh nakatulog lang naman ako. Itataas ko sana ang kanang kamay ko nang may maramdaman akong mabigat na nakapatong dito kaya napatingin ako.
Mika?
So, buong gabi nakaganito siya? Bakit? Kasi nakaupo siyang natulog sa hinigaan ko at nakahawak pa sa kamay ko. Nakakakilig mang isipin kaso hindi pwede. Alam niyo naman kung bakit.
"Mika? Gising na." Gising ko at tinapik-tapik ko siya.
Nagising naman agad siya at kinusot-kusot niya ang mga mata niya. Napangiti na lang ako dahil ang cute niya.
"Umaga na pala. Goodmorning." Bati niya sa akin.
"Goodmorning. Kaso magiging good pa rin ba morning mo pag nakita mo sila?" Tanong ko at tinuro ko yung mga pasaway naming teammates na nagsisitawanan.
Nakita kong napasimangot naman ang mukha niya at nilapitan ang mga teammates namin. Ako naman, bumangon na at nilapitan ko rin sila.
"Grabe Ara. Gawing motel daw yung clinic ng school?" Bulong sakin ni Kim. Sira talaga 'tong kaibigan kong 'to eh.
"Umayos ka nga." Sagot ko at binatukan ko siya. Sira eh?
"Pero seryoso Ara, nakascore ka ba?" Nakingisi niyang tanong.
"Isa pa Kim." Sagot ko at ipinakita ko ang kamao ko.
Bumalik kami ni Mika sa dorm at nagprepare dahil training namin ngayon. Dali-dali naman kaming bumalik baka maabutan kaming late ni Coach. Jusko, captain pa naman ako tapos late?
Pagkarating namin dun, ayun na naman ho ang mga teammates namin. All in na naman sa pang-aasar.
"Shh! Ayan na si Coach. Pagalitan pa tayo." Sigaw naman ni Cienne. Phew! Kung hindi pa ata dumating si Coach Ramil hindi sila titigil.
"I have an important thing to announce, so please, umupo kayong lahat." Mahinahon sa sabi ni Coach. Sumunod naman kaming lahat sa utos niya.
"Okay." Panimula niya. "Since, malapit na ang season natin, alam niyo naman siguro ang ginagawa natin di ba?"
Nakiliti naman ang tenga ko dahil parang alam ko na ang sasabihin ni Coach. Hmm.. saan kaya? Hihi.
"Aba, nakangiti na kayong lahat huh?" Natatawang sabi ni Coach. "Mukhang alam niyo na nga, sasali tayo sa isang volleyball league which is Unigames na gaganapin sa Iloilo. Makakatulong yun sa pagpasok natin sa UAAP."
"Akala ko bakasyon Coach?" Tanong ni Kim.
"Hindi. Puro kayo bakasyon, kaya natatalo tayo eh." Sagot naman ni Coach Ramil. Aba, kami talaga ha?
"Coach, si Kimmy lang yun." Sabi ni Ate Cyd.
Nagtawanan naman ang lahat dahil nakakasagutan na ang dalawa naming senior. Tsk!
"Eh kailan naman po yun Coach?" Pagbago ko ng topic.
"Next week na 'to. Kaya gusto kong mas magtraining tayo. Dahil limited lang ang oras natin pag magta-training tayo dun."

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...