thirty-nine

1.4K 48 5
                                    

Before anything else, I just want to share something to all of you. Sana mabasa niyo to lalo na kung nagpunta kayo sa GT ni Mika Reyes kanina.

Okay nag-UD ako tonight dahil sobrang masaya talaga ako. Nakita ko si Mika Reyes kanina sa GT. Shet grabe.. natural na sakin na lagi kong nakikita si Mika kasi nanunood ako ng games but the fact that she's near at pwede-pwede mong lapitan. Ghaaad!

Dati, picture-picture lang. Aba kanina oh, di lang isang beses ako nagpapic, maraming beses pa tsaka si Yeye pa naghawak ng phone ko jusko! Tapos nayakap ko pa siya tsaka nakausap ko pa siya.

Actually, siya talaga yung unang-nag approach sakin. Bago pa ako magsalita, sinabihan agad niya akong parehas daw kami ng eyeglasses na nabili niya. Jusko! Sabi na eh, meant to be kami ni Yeye haha okay. Self-proclaim na. Basta ang saya-saya po talaga!

Kaya sa mga readers kong nagbabasa neto at pumunta sa GT kanina, nako. Nakasama niyo na po ako without you knowing lol.

And I hope sana magustuhan niyo 'to. :)

VIC

After ng training namin, agad akong tumakbo papunta sa mga bench kung saan nakalagay ang gamit ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko para matext si Mika. Syempre, matik na yon.

Kinamusta ko siya syempre. Tinanong ko kung kumusta na siya at kung anu-ano pa. Hindi rin ako masyadong nag-aalala dahil alam kong nandun si Kiefer. Alam kong sasabihin niyo na dapat mag-alala kayo dahil si Kiefer nga yun, pero kilala ko si Mika. Alam kong mahal niya ako at yun na yon. Wala ng magagawa si Kief dun.

"Kumusta na raw si Miks?" Tanong ni Kim.

"Wala pang reply eh." Sagot ko naman.

"Masaya ako para kay Miks, dahil paisa-isa ng natutupad lahat ng pangarap niya. " Sabi naman ni Cienne.

"Lahat naman tayo eh. Nga pala, siya lang ang cover di ba?" Tanong muli ni Kim.

"Ah, 'di ko natanong kay Mika kung may kasama siya sa pictorial niya ngayon eh." Sabi ko na lang. Ayaw ko kasing sabihin na kasama ni Mika si Kiefer ngayon kasi kung ano-ano na naman ang sasabihin ng tropa sa akin. Alam ko rin namang mangyayare yun in the future pero ayaw ko lang talagang mag-isip muna ng kung anu-ano.

"Ano ba naman 'to?!" Iritableng sagot ni Kim sa akin.

"Ano bang pake mo? Ikaw ba yung girlfriend ha?" Patol naman ni Cienne. Jusko, ayan na naman po sila. Makaalis na nga dito.

Bumalik na ko sa practice kahit break pa namin. Wala lang, gusto ko lang ituon sa ibang bagay ang utak ko ngayon kahit alam kong iniisip ko si Mika. Dig lang ako ng dig dito sa court at dribble lang ng dribble. Napansin ko ring takbo ng takbo si Camille, chineck ko kung sino ang katakbuhan niya.. aba si Carol! Ang harot talaga ng dalawang 'to these days. Tapos si Cienne naman at Kim, bangayan ng bangayan. Wala namang something doon sa dalawa pero natatawa lang talaga ako sa kanila.

.
.
.
.
.

Natapos na lang ang training namin at agad akong bumalik sa dorm namin para mag shower. Hot bath lang naman 'to kaya di masama. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako, syempre maayos dahil susunduin ko na ang mahal ko. Hahaha yes naman!

Agad naman akong tumungo sa parking lot ng La Salle para kunin ang sasakyan ko. Agad naman akong nakaalis doon. Medyo traffic na dahil hapon na pero maaga pa naman kaya okay lang.

Nagsoundtrip na lang ako sa loob ng sasakyan ko para di mabored. Nakita ko ring nagreply na sakin si Mika at sinabi niyang malapit na raw silang matapos. Malapit-lapit na rin naman ako kaya okay lang. Medyo naeexcite na akong makita siyang muli, ikaw kaya buong araw mong di nakasama mahal mo, sino bang hindi makakaramdam ng ganun di ba?

Alas singko na ng makarating ako sa ABS-CBN. Agad kong ipinark ang sasakyan ko at naglakad na ako papasok ng building. Pagkapasok ko ay agad kong natanaw si Mika, para ngang may kausap siya. Hindi ko makita ang kasama niya dahil nahaharangan ito ng poste sa pwesto ko ngayon. Mukhang seryoso si Mika kaya naman parang ayoko munang lumapit dahil baka masira ko ang pag-uusap nila. Pero nang makita kong para iba na, agad na akong lumapit sa pwesto nila. Si Kiefer pala ang kasama niya. Naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Medyo intense kaya siguro hindi nila napansin na halos nasa harap na nila ako.

Mika!" Sigaw ko.

"Ara?" Rinig kong sambit ni Kiefer.

Bigla namang tumakbo si Mika palapit sakin. Naramdaman kong parang natatakot siya.

"So, siya na pala talaga?" Tanong niya kay Mika. Walang sumagot sa amin. Nanatili kaming tahimik. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagkapit ni Mika sa akin.

"I'll never give up to win you back, Mika." Matapang na sabi ni Kiefer at umalis na.

Medyo natigilan ako sa sinabi ni Kiefer. Anong balak niya? Pero nakakasigurado akong gagawin niya ang lahat makuha lang muli si Mika pero hindi. Hindi pwede. Hindi ako magpapatalo.

"Babe, okay ka lang?" Tanong ko kay Mika at hinawakan ang pisngi niya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang panginginig. Oo nga pala, hindi niya alam na nasabi ko na kay Kiefer na may gusto ako kay Mika pero hindi niya alam na kami na. Ayaw ko kasing sabihin yun dahil lalong masasaktan si Kiefer at yun na nga, kitang-kita ko ang sakit kay Kiefer.

"Umalis na tayo rito." Sabi ni Mika at sumunod naman ako sa kanya. Agad kaming nakarating ng parking lot at agad akong nagdrive palayo sa lugar na yon.

Dahil sa inasta ni Mika, pati ako nahawa ng takot.

Tahimik kami sa loob ng kotse. Ni walang ingay bukod sa radyo ng sasakyan. Lumilingon lingon din ako kay Mika, medyo okay na ang itsura niya pero parang nag-aalala pa rin.

"Miks, ayos ka lang ba?" Sabi ko nang biglang nag red ang stoplight.

Tumingin siya sa akin, "Ayos lang naman ako. Pero hindi ko mapigilang baka may mangyaring hindi maganda."

"Kung tungkol man kay Kiefer yan, wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ko at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon