twenty-nine

1.8K 50 1
                                    

Mika's POV

Sobrang saya ko lang today. Bakit? Kasi tuloy na tuloy na ang Palawan trip namin ng Bullies! Syempre may basbas yan ni Coach. Basbas talaga e. Haha!

"Miks, bibili ka pa ba ng mga gamit mo for our trip?" Tanong ni Vic na sobrang busy sa pag aayos ng bagahe niya.

"Uhm ikaw ba? I have my sunblocks and lotions pa naman eh." Sagot ko.

"Hindi na. So, we're settled na for tomorrow?"

"Yup. Eh sila Kimmy kaya?"

"Alam ko aalis pa sila eh. Nagpasama si Carol sa kanya."

Magkatabi na kami ngayon ni Vic sa sofa. Sobrang close talaga namin tapos nakasandal pa ako sa kanya. Clingy di ba?

"Vic, matanong ko lang nasabi mo na ba kay Kief yung tungkol sa atin?" Tumingin ako sa kanya na busy sa kakapanood ng TV.

"Uhm.. di ko pa nasasabi eh. Hindi rin kami magkikita this week dahil nga bakasyon tayo and I know, magbabakasyon din yata siya." Sagot niya sa akin habang hinahawakan ang buhok ko.

"Naiintindihan mo naman siguro ako? Na hindi madali yun." Dagdag niya.

"Naiintindihan ko naman yun. Pasensya na kung na-fall kayong magbestfriends sakin ah!" Biro ko pero totoo naman eh.

"Parang hindi yata tayo matutuloy bukas. Mahangin oh!" Sabi niya sabay tulak sa akin.

Tinawanan ko lang siya. Totoo naman kasi. Pero may part na nagguilty din ako. Bakit ba kasi ang ganda ko? Haaays.

Hinabol ko si Vic sa kusina at niyakap ko siya.

"Pero seryoso talaga Vic. Nang dahil sakin baka mag-away kayo ni Kiefer."

Umikot naman siya para makaharap ako at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ano ka ba? Wag mo munang isipin yun. Magbabakasyon tayo bukas oh. Wag mo munang problemahin yun ha?"

---

Vic's POV

"Five minutes more and we're now landing."

Biglang nagising ang diwa ako. Five minutes na lang daw. Buti at gising na sila Kim pero etong katabi ko? Kulang na lang humilik siya kasi masarap pa ang tulog niya. Sorry Miks but you have to wake up now.

"Baby.." kinalabit ko siya.

"Ye.. lalanding na tayo." Ayaw pa rin magising.

"Mika.. bababa na tayo." Niyugyog ko na siya para magising na ng bonggang bongga.

"Two minutes pa baby." With her matching antok na antok na boses. Cute mo talaga.

"Hihirit ka pa eh bababa na nga tayo, Ye." Sabi ko at tumayo na ako. Sarap ng pagkakasandal niya sakin eh. Ayun, gising na siya.

"May ginawa ba kayo ni Vic kagabi? Antok na antok si Mika oh!" Sabi ni Kim. Siraulo talaga to e. Yan na naman ang pagka green niya. Tsk!

"Sira wala noh. Ewan ko bat antok na antok yan. Natulog na nga kami ng maaga eh." Sagot ko.

Nag-ayos na kami ng sarili namin at eto na, bababa na kami ng airplane. Shet! First time ko 'to sa Palawan!

Pababa na kami ng hagdan at nang makababa na ako.. Okay, touchdown Palawan!

Agad kong kinuha ang phone ko para magselfie pero ang nangyare groufie dahil nakisali yung mga kasama ko sa picture ko. Hay!

"Isa pa Vic!" Sigaw ni Carol.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon