Long time no UD na naman ako. Huhu sorry guys. Medyo may kinabubusyhan lang talaga these days.
But anyways, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa neto pati sa other stories ko. Kahit na late ako magUD nandyan pa rin kayo. I'm very thankful God gave me another year to share my stories with you. I'm also expecting wonderful year as well as yours guys. Hoping you to support me and all of my stories once again for this new year.
Also, I want to share to all of you my thoughts about this story. I want to inform you that I'm planning to end this story as possible, so I can continue writing my other stories, nakafocus talaga ako dito. But I still don't know yet when will I end this story but I have my plans now on how I will end this. Medyo matagal pa naman yung ending eh. I think maybe abutin pa ng Febraury-March if hindi hectic sched ko for the 2nd sem but on how I see it, maybe umabot nga doon. Midterms kasi namin next month and puro aral na naman. So, ayun hehe.
And since New Year's Eve naman na mamaya, two UD's ulit. Pabawi na para sa bagong taon. Sana magustuhan niyo. Maraming salamat talaga! Advance happy new year to all of you!
-
VIC
Eight na ng umaga at nandito pa rin kami sa biyahe. Medyo nakakabadtrip dahil ang aga-aga, traffic na agad! Kaasar!
"Huy, chill ka lang sa busina." Sabi ni Mika na pinapakalma ako.
"Eh kasi naman, kanina pa 'to oh. Walang galawan. Kung gagalaw man, ang konti!" Iritable kong sagot.
"Patience is a virtue, Vic."
"No. Ano 'to? Inch by inch makakarating tayo doon?!"
Wala na. Sobrang badtrip na ako dito. Baka sa Taft pa kami galing tapos pupuntang Q.C na ganito ka traffic. Kainis eh!
"Chill ka lang please. Dapat hindi na lang ako nagpahatid sayo. Ang bilis mong mainis." Sabi ni Mika. Medyo nakasimangot na rin siya. "Dapat nag commute na lang ako papunta doon."
Sana nga pinagcommute ko na lang siya. Nag-insist pa kasi akong maghatid sa kanya eh.
Commute?
Tama. Oo dapat kaming magcommute!
Saktong umandar na lahat ng sasakyan at sakto ring malapit ako sa U-Turn kaya agad ko niliko ang sasakyan dun.
"Uy anong gagawin mo?" Tanong ni Mika.
"Magcocommute tayo." Sagot ko na lang at binilisan ko ang pagdadrive pabalik ng La Salle. Hindi pa naman kasi kami nakakalayo dun.
Nang marating na namin ulit ang La Salle. Agad kong pinark ang sasakyan ko at dali-dali kong hinatak si Mika papunta sa LRT station dito sa tapat ng school namin.
"Maraming tao dito." Rinig kong sabi ni Mika.
"Wala na tayong magagawa." Mabilis kong sagot sa kanya at binigay ko na agad sa kanya yung card na gagamitin namin para makasakay.
Medyo naghintay kami ng 10-15 minutes bago makasakay. Well, normal na talaga na punuan ang LRT 1. Kaya kailangan naming makipagsiksikan dito.
Buong biyahe namin, punong-puno ang LRT train na ito. Halos wala na kaming mahawakan ni Mika dito eh. Pero buti na lang, matatangkad kami kaya nakakakapit kami sa mga railings.
Medyo sabog na ring tignan si Mika ngayon. Pero sinabihan ko naman siya na magshower na lang ulit doon sa lugar na pupuntahan namin. Lahat naman ng dressing room, merong ganun.
Nasa Monumento na kami. One last station na lang at makakababa na rin kami. Kumonti na rin ang mga pasahero dito. Nakaupo na rin kami ni Mika kaya pwede ng makapagrelax. Tinignan ko ang oras at wow.. wala pang 30 minutes, nakarating na kami sa destination namin. Buti na lang at naisip ko ito, kung hindi. Kawawa si Mika.
![](https://img.wattpad.com/cover/32637828-288-k996816.jpg)
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanficDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...