twenty-five

1.8K 46 1
                                    

Mika's POV

"Happy 3rd Monthsary Baby!" Nakangiting bati ni Ara habang hawak yung cake na binili niya kanina.

"Happy 3rd Monthsary rin baby!" Ganti ko sa kanya at hinalikan ko siya sa cheeks. Medyo nagulat nga siya pero tumawa na lang kami.

Pinagdesisyunan namin ni Ara na gawing simple lang ang pagcelebrate ng monthsary namin ngayon. Inunahan ko na kasi siya baka gumawa na naman ng bonggang surprise yun. Ayoko rin ng ganun dahil medyo magastos. Ayos na yung simple lang.

"Ganda dito noh?" Sabi ko habang nakatingin sa mga bituin.

"Oo sobra. Buti nga naisip ko agad na dito na lang tayo. Kasi naalala ko nun, inabot kami ng gabi dito nila Kim tapos yan ang sumalubong samin. Ang daming stars!" Kwento naman ni Ara.

Nasa Rizal Stadium kasi kami ngayon. Nasa likod lang ng La Salle. Buti na lang at walang nagtetraining dito at buti na lang, pinayagan kami dito. Medyo close kasi si Ara sa guard dito dahil nga dito sila nagtetraining ng beach volley noon.

"Gusto mo?" Alok ni Ara ng cake. Susubuan yata ako kaya pumayag na ako.

"Masarap ba?" Tanong niya.

"Oo! Favorite ko 'to e." Nakangiti kong sagot.

Ako naman ang kumuha ng cake at sinubuan ko rin siya. Medyo itsurang stressed si Ara ngayon dahil sa exams nila kanina. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ganito lang ang celebration namin.

"Musta naman exams mo kanina?" Tanong ko at uminom ako ng tubig.

"Ayun, ayos naman. Buti wala tayong training kahapon kung hindi babagsak ako doon."

"Woooh. Ikaw pa ba? Eh, balita ko isa ka candidates running for Cum Laude. Totoo ba yun, baby?"

Natawa muna siya bago sumagot.

"Alam mo. Wala talaga akong pakialam sa ganun. Gusto ko lang mag-aral ng mabuti. Swerte ko nga dito ako nakapag-aral. Ikaw rin."

Iba talaga 'tong si Ara. Siya yung tipo na ang lakas maka-chill mode na tao pero sa loob sobrang sipag talaga lalo na sa studies niya. Sobrang bilib na nga ako sa kanya dahil busy na siya sa training, studies tapos nakuha pang lumablayp! Kaya iniinspire ko talaga siya everyday para ganahan siya sa lahat ng ginagawa niya.

"Pero ano nga totoo ba yun?" Muli kong tanong.

"Siguro? May nagsabi rin sakin kanina e. Balak ko raw bang tumakbo for Cum Laude. I said di ko iniisip yun. Kung umabot man grades ko doon, edi go di ba? Kung mangyayari yun, mangyayari talaga."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Iba talaga siya!

"Oh bat ka nakangiti dyan?" Tanong niya.

"Wala lang naman. Masaya lang ako na meron ako na tulad mo."

"Sabihin mo swerte ka lang talaga dahil napa-fall mo ang isang tulad ko." Confident niyang sabi.

Yun lang talaga ang problema sa kanya. Minsan mahangin. Hahaha joke lang!

"Ikaw musta naman acads mo?" Ako naman ang tinanong niya.

"Hmm, ayos lang din. Pero di tulad mo na tatakbong Cum Laude." Natatawa kong sabi.

Marami kaming napag-usapang dalawa. Napag-usapan namin kung anong balak namin in the future especially na konti na lang graduate na kami. Naubos na rin namin lahat ng hinanda naming pagkain.

Pero maya-maya ay bigla kaming naging tahimik. Nakatingin lang sa paligid lalo na sa mga magagandang bituin ngayong gabi. Naramdaman ko ang bigla niyang paghawak sa kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin samantalang siya nakatingin pa rin sa mga bitwin.

"Mika.. Baby, kahit anong mangyari tayo pa rin ah. Kahit na gagraduate na tayo, walang magbabago ah?" At tumingin na siya sa akin.

"Oo naman. Promise yan."

"At kahit pa may mga bagay o taong dadating para magulo ang relasyon natin, stay strong pa rin ah?"

Nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya pero may gusto ba siyang iparating?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim at muling tumingin sa mga bitwin. Magsasalita na siya nang biglang nag ring ang phone niya. Binitawan niya ang kamay ko at kinuha ang phone niya. Hindi ko na rin naman tinignan kung sino yun. Basta alam ko, sagabal siya samin ni Ara ngayon.

Pinagmasdan ko lang si Ara habang nakikinig siya sa kausap niya sa phone.

"Oh? Akala ko matagal pa. Bukas na pala?" Sabi ni Ara sa kausap niya.

"Hindi ba sila pwede?" Tanong ni Ara sa kausap niya.

"Sige sige. Ako na lang susundo sayo. Bye!"

Sinong susunduin ni Ara? Wait!!! Si---

"Mika, darating na si Kiefer bukas."

---

Take note lang guys..

Baka ito na yung huling siguradong UD ko. Hindi ko na alam kung kelan na ulit ako makakapag UD dahil may pasok na ako. Balik sa busy-busyhan mode na.

Abang-abang lang guys. Pero ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-UD. :)











SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon