And because DLSU won.. everyone deserves a UD!
KIEFER
Ako na ang nagvolunteer na samahan si Ara sa paghatid sa papa at kuya niya. Nagkapaalaman na kami at nagbilin sakin ang tatay niya na bantayan, alagaan at tulungang makaalala ang anak niya.
Tinitignan ko nga lang sila mula dito sa sasakyan ko. Pumasok pa kasi si Ara sa bus na sasakyan nila Tito para makapagpaalam muli. Laking tuwa ko lang dahil buti na lang at may natirang alaala sa kanya. Kundi, lahat kami mahihirapan kung sakali.
Natanaw ko na si Ara na pababa na ng bus. Nakangiti siya habang naglalakad palapit sa sasakyan ko. Gusto kong lagi siyang nakikitang masaya pero ayaw ko naman na makita si Mika at ang mga kaibigan niya na nalukungkot dahil di sila maalala ni Ara.
Kanina nga lang, tunawag sakin si Mika. Nakita raw sila ni Ara at parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari. Mahal ko si Mika, oo. Mahal ko pa rin siya kaya nasasaktan ako para sa kanya. Pero wala na ring sense yun dahil tinatanggap ko ng mahal talaga ni Mika si Ara.
"Oh, paalis na ba?" Bungad ko kay Ara pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.
"Oo, kaya nga nagmadali na akong bumaba doon." Sagot naman niya sa akin.
"Alam mo, ang haba ng oras na magkakasama kayo pero kulang pa rin talaga. Para bang ang dami niyong hindi napag-usapan kanina at ngayon niyo lang napag-usapan."
"Ganun talaga. Repeat-repeat lang, remember.. may amnesia ako. Tinutulungan nila ako na alalahanin yung mga importanteng bagay."
Importante? So, nasabi na ng magulang niya yung kay Mika?
"Tulad ng?" Tanong ko at pinaandar ko na ang sasakyan.
"Basta, mga bagay-bagay na tungkol sa akin." Sagot niya.
Tumango-tango na lang ako at nagpatuloy na ako sa pagdadrive. Tahimik lang kami sa sasakyan pero etong si Ara makulit, kung anu-ano ang kinakalkal sa drawer ng sasakyan ko.
"Oy, ano 'to?" Napatingin ako sa kanya at sa hawak niya. Isang letter card yun at binuklat niya.
"Hi babe! Sorry kung medyo nawawalan na tayo ng oras sa isa't-isa kahit naman na magkasama tayo sa araw-araw. Alam naman natin kung bakit ganun di ba? Nagsisikap tayo para sa huling laro natin sa UAAP.
Babe, sorry kung noong mga nakaraang monthsaries natin, wala akong naiibigay na regalo sayo, pero heto na. May dala ako flowers para sayo sana magustuhan mo at bumili rin ako ng favorite mong chocolate, nilagay ko sa fridge baka matunaw. Sayang naman.
So, yun. Mahaba na masyado. I planned talaga na sana late akong uuwi kahit na monthsary natin, gusto ko kinabukasan na para goodvibes na agad ang umaga mo.
Happy Monthsary Babe! I love you."
Tinignan ko si Ara after niyang basahin ang letter. Medyo nagtataka siya habang binabasa niya yun. Ewan ko lang, baka may naaalala siya tungkol doon.
"May girlfriend ka na pala?"
Bigla naman akong inubo sa tanong niya.
"Huy, ayos ka lang?" Sabay hagod niya sa likod ko.
"Yeah, ayos lang." Sagot ko at nagpatuloy sa pagdadrive.
"So, ano nga 'to.. may gf ka na? Sino naman?" Tanong na naman niya. Wait, paano ko ba sasagutin 'to.
Bago pa man ako sumagot, may kinuha ulit siya sa drawer ko. May nakuha naman siya wallet at tinignan niya 'yun.
"Oh, may wallet pala ako dito?" Tinignan ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanficDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...