forty-three

1.5K 57 5
                                    

Guys, support tayo later! First game nila ngayong S78 against FEU. #ArrowsUpDLSU

MIKA

"Hoy Kim. Yung A Second Chance na lang kasi panoorin natin! Ang corny mo, horror. Ang panget!" Sigaw ni Cienne at pinalitan niya yung CD sa DVD Player.

"Ano ba 'yan? Kayo yung corny. Nyemas!" Sabi ni Kim at nagwalkout papuntang kusina.

Nasa dorm kasi ako nila Kim dahil wala naman kami training. Relax relax daw muna kami.

"Bakit kasi wala pa si Vic? Wala tuloy akong kakampi dito." Nag-iinaso niyang sabi.

"Ge, dyan ka lang sa kusina Kimmy. Tignan natin kung makatiis ka dyan!" Sigaw ni Carol.

Oo nga. Bakit nga ba wala pa si Vic. Dapat nandito na yun eh. Sabi kasi niya maghuhulog daw siya ng pera sa parents niya. I know na never pang nagpadala si Vic sa Pampanga. Laging parents niya ang nagpapadala sa kanya. Ewan ko kung bakit biglang ganun. Ayaw ko namang usisain pa yun kaya naman pinayagan ko na si Vic baka importante yun.

Inabot ko yung phone ko sa table at hinanap ko yung number ni Vic. Agad-agad ko naman siyang tinawagan.

"Hello babe?"

"Yes babe?" Buti naman at nasagot agad niya ang tawag ko.

"Saan ka na? Nakapagpadala ka na ba sa parents mo?" Tanong ko.

"Ah yes. Katatapos ko lang. Pauwi na ako."

"Okay. Nga pala, daanan mo si Cyd later ah. Siya raw magpapaliwanang nung sinabi ni Coach kanina."

"Ha? Nagpameeting si Coach?"

"Oo eh, bigla kaming pinatawag kanina lang." Sagot ko. Si Coach kasi naghabilin pa kanina. Pinag-usapan lang namin kanina yung tungkol sa pagpapractice namin. Pero bukod na kinausap pa kasi ni Coach si Cyd kaya sinabihan ako ni Coach na sabihan si Vic.

"Osiya sige sig--- Aray!"

"Uy anong nangyare sayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Ah hindi may nabangga lang ako."

"Ah sige. Ingat ka ah! Hintayin kita dito."

"Sig--" Ibababa ko na sana yung tawag nang bigla akong nakarinig ng malakas na busina sa kabilang linya.

"Hello Vic? Vic! Nandyan ka pa ba?" Tanong ko. Tinignan ko yung phone ko kung hindi pa pinuputol ni Vic yung tawag.

"Hello Vic?" Paulit-ulit kong tanong.

"Huy Ye, ano na 'yan? Para kang ewan." Sabi ni Camille sakin habang nanunood siya ng movie.

"Si Vic kasi eh." Sagot ko naman.

"Anong meron kay Vic?" Tanong naman ni Kim at tumabi sakin.

"Bago ko kasi ibaba yung tawag, may narinig akong malakas na busina eh. Kinumusta ko ulit si Vic, hindi na sumasagot." Sagot ko sa kanila. Pinakakalma ko ang sarili ko baka kasi may nangyari ng masama doon eh.

"Wait lang. Kalma ka lang Ye ah. Kumalma tayong lahat." Sabi ni Kim. Pati kasi sila Cienne itsurang nag-aalala na rin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano.

"Hintayin natin si Vic. Baka naman may bumusina lang doon sa lugar niya. Maghintay muna tayo, kalma lang tayo ah." Dagdag ni Kim.

Nakikita ko rin na pinipilit ni Kim na pakalmahin ang sarili niya. Lahat kami hawak ang phone namin. Tinitext namin si Vic baka sakaling sumagot. Pero kung wala namang nangyari sa kanya, dapat nakapagreply na siya.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon