Ara's POV
"Natabi niyo na ba lahat ng gamit natin?" Tanong ko sa buong team bago kami lumabas sa gym.
"Yes Captain." Sagot nilang lahat.
"So, tara na sa hotel para makapagpahinga na rin tayo. May laban pa bukas." Sabi ko at naglakad na palabas.
Nasa sa IloIlo na pala kami ngayon at kakatapos lang ng game namin against UST. Nandito rin kasi sila para sa Unigames. Nanalo naman kami sa kanila kaya naman goodvibes kaming lahat dito.
Isa-isa kaming pumasok sa van na sasakyan namin pabalik ng hotel. Gusto ko ng magpahinga dahil sobrang pagod ang kapitana niyo.
Katabi ko ang bintana sa kaliwa at si Mika naman sa kanan ko. Pakonti-konting bumabalik yung closeness namin ni Mika. Salamat na lang din kay Kiefer.
Isinandal ko yung ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko.
"Making my way downtown.."
Kaso may naririnig akong kanta at kay Mika galing. Susme, Thousand Miles ba yun? Hanep yan, nag-emo na naman?
Dahil hindi ako makaidlip sa naririnig kong kanta, kinalabit ko siya at tinanggal yung isang earphone niya.
"Huy, ang lakas naman ng music mo. Hindi ka naman nabibingi ano?" Bulong ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya at ngumiti ng napakalapad. Infairness, cute niya dun.
"Sorry." Sabay peace sign niya.
"Emo naman ng kanta mo."
"Ah e--" Tinakpan ko ang labi niya gamit ang kamay ko dahil alam ko na kung anong isasagot niya.
"Wag mo nga muna isipin yun." Sabi ko at tinanggal ko ang kamay ko sa mukha niya at umidlip na.
--
Minutes passed at nakarating na rin kami sa hotel namin. Dali-dali akong bumaba at pumasok na ko agad sa hotel at tumungo na ako agad sa hotel room namin.
Pagkarating ko sa kwarto namin, humiga agad ako sa kama. Gusto ko na talagang mahiga at matulog.
"Kakain pa tayo Ara." Sigaw ni Kim at hinagis sa mukha ko yung jacket niya. Bwiset ang bango ng jacket neto ah?
"Yung totoo Kim, nilalabhan mo ba 'to?" Napabangon na ako at hinagis ko sa kanya pabalik yung jacket niya.
Tumawa siya ng malakas. "Sira ka rin noh? Syempre nilalabhan ko yan." Sagot nito.
"Syempre napawisan na." Biglang sagot ni Cienne. Oo, kasama rin namin yan sa kwarto namin. Pati na rin si Mika. "Alam mo naman si Kimmy, ang baho ng pawis niyan." Dagdag nito.
"Aba loko ka ha?" Sagot ni Kimmy at hinabol si Cienne dala ang sobrang bango niyang jacket. Sarcastic ko noh?
Napatingin naman ako sa pinto dahil bumukas ito at iniluwa nun si Mika. Nagulat siya dahil nagtatakbuhan sina Kim at Cienne sa loob. May kalakihan rin kasi yung room namin kaya malayang-malaya kang makakatakbo.
"Baka magkatuluyan kayo niyan." Sigaw ni Mika at umupo sa kama na inuupuan ko.
Napatigil naman yung dalawa sa kakatakbo.
"God, no Miks." Sabay hampas ni Cienne kay Kim.
"Wow ha? Parang gustong gusto kita ha?" Sagot naman ni Kim.
"Yieee." Asar ko sa kanila. "Dyan nagsisimula yan."
"Ah kaya naman pala ano, Ara?" Sagot naman sakin ni Kim. Sira talaga 'to. Tumayo ako at kinuha yung jacket niya at inikot ko yun sa mukha niya.
"Uy ano yun?" Tanong naman ni Cienne. Buset yan. Naintriga tuloy 'tong chismosa naming kaibigan. Haha!
"Hay nako, wala yun Cienney." Sagot ko sa kanya at niyakap ko siya.
"Ikaw ha, di ka na nagsasabi sakin ha?" Sabi naman niya sakin.
Mula kasi nung may nangyari samin ni Mika, si Cienne ang laging kong nakakasama bukod kay Kim. Pero hindi niya rin alam na magkaibigan kami ni Kiefer at lalong hindi rin niya alam yung tungkol sa feelings ko kay Mika.
"Nako Cienne, kung alam mo lang." Sigaw naman ni Kim at tumawa ito. Bwiset talaga 'to, hindi ko alam kung anong sasabihin neto eh.
"Ano ba kasi yun? Sige na." Pilit naman ni Cienne kay Kim.
"Wala nga Cienne." Sagot ko sa kanya.
"Sige na nga. Tignan mo, nao-op na si Yeye oh." Turo ni Cienne kay Mika na nakangiti lang.
"Magpalit na tayo para makapagdinner na tayo sa baba." Utos ni Kim at sumunod na kami.
--
Sabay-sabay kaming bumaba nila Kim at nakita na namin sina Coach na kumakain sa resto na malapit sa hotel na tinutulugan namin.
"Order na kayo." Sabi ni Coach sa amin at si Kim na ang nag-order para sa aming apat.
Nakahanap naman kami ng table malapit lang sa team. Umupo na kaming tatlo. Magkatabi kami ni Cienne at si Mika naman sa kabilang side. Napansin ko rin na medyo malungkot si Mika. Imbes na kausapin ko siya, tinext ko na lang siya.
"Psst. Lungkot natin. Anong problema?"
*TING*
Text ko sa kanya. Nagulat kaming dalawa pati na rin si Cienne dahil tumunog ang phone niya. Akala ko nakavibrate 'to.
Gulat siya dahil nagtext ako sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil dun.
*TING*
Nagkagulatan na naman kaming tatlo dahil sa tunog ng phone ko. Napatingin sakin yung dalawa.
"Yung totoo, magkatext ba kayong dalawa?" Tanong ni Cienne.
"Huh?! Hindi ah." Pagtanggi ko sa kanya. Nakita ko naman si Mika na nakangiti ng bahagya dahil sa isinagot ko kay Cienne. "Sakto lang siguro na may nagtext din sa akin."
"Buti naman, kasi kung magkatext kayo, aba, grabe kayo. Magkaharap na lang kayo eh." Natatawa niyang sabi at sakto ring dumating na si Kim.
"Hindi ka naman nakatulog dun Kim noh?" Tanong ni Cienne. "Tagal mo eh."
Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Puro bangayan na lang lagi. Kinuha ko na yung inorder ko at kumain na. Hindi ko naman nakalimutan na nagtext pala sakin si Mika kaya chineck ko ang phone ko.
"Wala pa akong tawag kay Kiefer mula kaninang umaga bago tayo umalis sa Manila. Tumawag ba siya sayo?"
Napatingin na lang ako kay Mika at kitang-kita ko sa kanya ang lungkot. Kung pwede ko lang sabihing wag niyang isipin si Kiefer, nandito naman ako. Wag lang siyang malungkot.
"Wala rin. Hayaan mo muna si Kiefer. Wag mo muna isipin yun baka busy lang. Isipin mo muna sarili mo ngayon."
Reply ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa pagkain nang maramdaman niya siguro na may nagtext sa kanya. Hinayaan ko na siya at ibinaling ko na ang sarili ko sa pagkain.
Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko agad ito.
"Sige. Susubukan ko."
Reply niya sa akin at nginitian ko na lang siya na hindi mapapansin nila Kim at Cienne.
Naaawa talaga ko kay Mika. Bakit kailangan pa niyang maranasan yung ganito. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit si Kiefer pa kasi. Bakit hindi na lang ako di ba? Atleast, hindi ko ipapadama sa kanya yung nangyayari sa kanila ni Kiefer.
--
Lame. Author's block. Sorry guys. Gonna make my next chapters more exciting and beautiful next time.

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...