thirty-seven

1.7K 56 12
                                    

MIKA

"We're done now, Mika." Sabi ng make-up stylist ko at wow. Ang ganda ko na naman. Haha. Pero totoo maganda naman talaga ko di ba? Kung hindi, edi wag. Hindi ko naman kayo pinipilit.

Anyways, tumayo na ako para tignan ang buong sarili ko sa salamin. Fit na fit talaga sakin 'tong pinasuot nila. Denim longsleeves lang naman at white shorts.

"Mika Reyes pinapatawag na kayo sa studio." Sabi ng isang assistant ko dito at sinundan ko lang siya papasok sa studio. Madilim ang paligid except doon sa white background kung saan kami magpipicture.

"Miks, eto na pala yung makakasama mo sa photoshoot."

Sinundan ko yung itinuro ng assistant ko at nakita ko ay isang lalake. Medyo famillar pero di ko mamukhaan dahil nga sa madilim pero nang medyo makalapit-lapit ako. Hala si Kiefer pala 'to.

Pareho kaming nagulat nang malaman namin na kami pala ang magkasama sa photoshoot na 'to. Juice colored! Awkward 'to.

"Sorry hindi namin agad na sabi sa inyo na kayo ang magkasama. Nasabi naman siguro ng mga naginterview sa inyo kung bakit di ba?" Sabi ng pinaka para bang manager ng photoshoot na ito.

"And I also hope na close kayo noh? Our team want na mabilis lang ang magiging process ng pictorial na'to."

Tumango-tango naman kami ni Kiefer. Magkakilala naman kami ng mokong na'to. May pinagsamahan naman kami kahit papano kaya sa tingin ko'y mapapadali ang pictorial na 'to.

Iniwan muna kami ng mga tao dito. Hindi naman as in na lumabas talaga sila ng studio, hinayaan lang muna kami ni Kiefer na magkasama. Binigyan kami ng konting getting-to-know-each-other para daw mas makilala namin ang isa't-isa.

Hindi nila alam kilalang-kilala ko 'yang kumag na yan. Oo, yan yung nanakit sakin noon e. Hahaha! Pero dati na yun. Alam niyo naman na masaya na talaga ako kay Vic. You know she's my eveVICthing! Haha! Sorna. ❤

Medyo tahimik kami sa una pero nakapagsalita naman agad yung isa samin.

"So.. hi?" Patanong na bati ni Kiefer. Halatang kabado siya. So, dapat ako hindi. Kailangang hindi ako mailang sa kanya. Dapat lang talaga. Dahil past is past!

"Hey!" Masayang kong ganti sa kanya. Kunware lang yan.

"Ikaw pala yung makakasama ko dito."

"Nakakagulat noh?" Nakangiti kong sabi. Kunware lang ulit yan. Pero nagulat naman talaga ako pero bilang professional dapat cool lang.

"For sure, kung ano-anong pose ang ipapagawa satin."

"Oo nga pero okay lang yun. Parte ng trabaho 'to." Matigas kong sabi. Oo. TRABAHO lang 'to kaya walang dapat kabahan o mailang.

"Ah yes. Part of the work." Pagsang-ayon naman ni Kiefer.

Maya-maya ay nagsibalikan na lahat ng mga staffs at pinapunta na kami sa white background. Nagretouch lang sandali at sinimulan na ang pictorial.

"So, this is the first part of our photoshoot. Yung mga kukunan ko dito ay para sa cover ng magazine so I want you to just relax and smile okay?" Sabi ng photographer.

"Akbayan niyo ang isa't-isa." Utos ng assistant ng photographer.

Bigla akong nagulat sa paglapat ng kamay ni Kiefer sa balikat ko. Nagulat lang naman ako. Inakbayan ko rin siya.

"Part of the work right?" Sabi niya at tinanguan ko lang siya.

"Bahala kayo sa mga pose niyo. Adlib adlib lang. Okay? Start na tayo." Sabi ng photographer.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon