forty-nine

1.5K 46 9
                                    

Not so great morning guys. I have good news and bad news lol..

Good news! Tapos na Defense ko, bakasyon na namin. Yey!

Bad news.. oo tapos na defense namin, pero yung defense namin hindi masyadong naging okay. Almost lahat ng group sa section namin. So, pinapagawa kami ng Written Report para doon, bale parang Take 2. Mas aayusin namin lahat.

At dahil nga roon, hindi pa rin ako gaano makakapag focus dito huhu. Study first pa rin. Pero don't worry, gagawan ko pa rin ng paraan 'to. Pramis!

So yun lang naman, stay active dito sa wattpad ah. Thank you and godbless!

Heto na..

VIC

Wala akong matandaan. Nagulat na lang ako nagising ako sa isang kwarto sa ospital. Wala akong matandaan pwera sa family, sina Kiefer at mga pinagdaanan ko noong bata pa ako hanggang ngayon. As in ang labo ng utak ko, buti hindi ko nakalimutang magsalita o kung anuman.

Para akong sanggol na isinilang ulit, yun nga lang malaki na ako. May mga bagay na ngayon ko lang nakita at may iba na parang nakita ko na pero hindi ko talaga maalala.

Sinabi naman sa akin na nagkaroon ako ng amnesia. Nasagasaan daw ako kaya ganun. Kaya rin pala pag gising ko noon, medyo masakit ang katawan ko lalo na ang ulo ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil feeling ko ang bobo kong tao. Parang marami akong alam na nalaglag lahat sa utak ko.

Ngayon, dinala ako ni Kiefer sa isang school. Mukhang college university ito, sobrang laki at sobrang maganda. Parang nakita ko na 'tong school na to dati pero hindi ko talaga maalala.

"Wait lang Ara ah. Pasok lang ako dito, may kakausapin lang ako." Paalam ni Kiefer at tumango naman ako.

"Uy, bilisan mo lang ah." Pahabol ko.

"Oo naman. Wag kang umalis dyan ah. Baka di kita mahanap, may amnesia ka pa naman."

"Baliw! Marunong naman akong gumamit ng phone noh?!" Sagot ko naman sa kanya.

"Sige sige pero kung aalis ka, bumalik ka agad dito." Nagthumbs up na lang ako at pumasok na siya sa office.

Habang naghihintay ako, tinignan ko ang paligid ng campus na 'to. Maganda dito, parang gusto ko mag-aral dito. Hanggang sa hindi ko na lang namamalayan, kung saan-saan na ako nadadala ng mga paa ko.

Ilang buildings ang nadaanan ko pero may nakita akong isang building at biglang sumakit ang ulo ko.

"Aray." Sabi ko at hinimas-himas ko ang ulo ko.

Tinignan ko muli yung building na yun at binasa ko ang tawag sa building na yun.

"E. Razon Gym Building." Parang nabasa ko na yun somewhere eh, hindi dito pero parang nabasa ko na.

At dahil sa nacucurious ako sa mga nakikita ko, pumasok ako sa building na yun. Walang tao dito pero may naririnig akong mga kaluskos ng paa na parang tumatakbo. Siguro nasa taas yun.

Naglakad lang ako at tinignan ko yung mga nakapaskil na posters sa pader. May nakita akong picture ng babaeng nakatalikod at may pangalang "Galang" sa likod ng jersey niya. Pero parang hindi naman ako yun, kaapelyido ko lang 'to siguro.

Naglakad ako paakyat sa second floor at tama nga ako, nandoon yung ingay. Naririnig ko ang mga bola na nagsisitalbugan. Sumilip muna ako at tama nga hula ko, naglalaro sila ng volleyball. Marunong ako maglaro niyan, bata pa lang kasi ako naglalaro na ko ng Volleyball.

Anyways, pumasok na ako sa loob ng hindi napapansin ng mga naglalaro. Pumwesto ako sa may likod ng bench at doon sumilip. Para akong ewan dito, nakakatawa. Para akong spy na ewan sa ginagawa ko.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon