forty-five

1.5K 46 7
                                    

Woooh. Grabe ang tagal bago nakapagUD ulit hehe. Anyways, kaway sa mga manunood sa Saturday! Panoorin ko na lang din kayo. Waley kasing money pangnood eh haha! Yun lang, enjoy reading!

MIKA

Dalawang araw na kaming bumibisita kay Vic pero hindi pa rin siya nagigising. Bumisita na rin ang mga coach namin, agad-agad din nilang binago ang game plan ng team namin. Mahirap dahil mawawala si Vic sa line-up lalo na sa first six. Pero buti na lang matagal pa ang game namin, kaya makakapag-adjust pa kami ng matagal. Naipaalam na rin ng coaches namin sa UAAP head ang nangyari. Binabalak nga na iusog muna ang mga games dahil sa nangyari. Sana nga mangyari yun para if ever na magising na si Vic, makakapagpahinga na siya at makakapaglaro na. Last na namin 'to sa UAAP. Gusto kong tapusin ang season na kasama siya, na lahat kaming mga senior players ng LS sabay sabay aalis ng UAAP. Ayaw naming iwan siya ng ganito lang.

Hindi na rin ako nakakalagi sa pagbisita kay Vic dahil sinabihan kami ni Coach na mas importante pa rin ang training namin. Well, may punto naman si Coach dahil season namin ngayon, hindi dapat kami mag lay low ngayon.

Kung ako ang tatanungin, mahina talaga ako. Dahil wala pa rin si Vic pero pinipilit kong lumaban para sa kanya. Nadadagdagan lalo ako lakas kung bakit kailangan kong lumaban at magpalakas sa games namin. Hindi lang naman ako ang ganito, buong team at La Salle ay malungkot sa nangyari pero dapat hindi kami magpadala dito. Kailangan pa naming lumaban.

Nandito na rin ang family ni Vic para magbantay sa kanya. Ganun din ang family ni Kiefer. Natutuwa talaga ako na ang solid ng samahan nila. Nakakatuwa dahil hindi lang si Kiefer at Vic ang magkaibigan, pati rin pala family nila. Kaya naman naintindihan ko lalo si Vic kung bakit hirap na hirap siyang umamin kay Kiefer kasi hindi lang sila ang masisira, pati ang family nila.

Pati nga rin fans ni Vic, nagpapadala ng mga foods. Actually, sa campus namin, pag dumadaan kami sa main gate lagi kaming sinasabihan ng guards doon na may paabot ang fans ni Vic na pagkain, letter at kung anu-ano pa para ipadala kay Vic. Dinadala naman namin yun kay Vic kahit tulog pa siya. For sure, matutuwa yun dahil maraming nag-aalala at nagmamahal sa kanya.

"Kailan kaya magigising si Vic?" Tanong ni Cienne.

"Huy Victo, gumising ka na dyan. Meron ng nanliligaw kay Yeye. Nako pag ikaw di gumising dyan talaga." Sabi ni Carol na para bang kinakausap talaga si Vic.

"Huy baliw ka." Saway ko naman.

Hawak-hawak ko ulit ang kamay ni Vic. Pinipisil-pisil ko na nga baka magising siya pero wala eh. Ayaw pa niya talaga magising.

"Hay kakainin ko na nga 'to." Sabi naman ni Kim at kumuha ng apple sa basket.

"Huy lagot ka sa fans ni Vic!" Sigaw naman ni Camille.

Natatawa ako sa kanila. Sinasadya na talaga nila na mag-ingay para magising si Vic.

"Fans din naman natin sila eh. Porket ba kay Vic lang, bawal na rin sakin o kaya sa atin?" Sagot naman ni Kim. "Kung gising lang yan si Vic, kanina pa ko binigyan niyan."

"Eh kaso tulog pa." Sabi ko naman. "Sige kainin mo na 'yan. Tsaka ang dami lagi nating dala pag pumupunta tayo dito. Baka mabulok lang, kainin na lang natin."

"Oh, girlfriend na nagsabi." Pahabol naman ni Kim. Baliw talaga eh, gutom na rin kasi ako eh. Haha pero tama lang naman yun. Sinabihan ko na rin yung ibang nagbabantay kay Vic na kainin din yung iba naming dala.

"Nga pala, kumusta na kayo ni Ravena, Miks?" Tanong ni Kim at kumagat ng apple.

Kumusta na nga ba kami ni Kiefer. Hmm, mukang umaayos na ulit kami. Simula noong nag-usap kami.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon