eighteen

1.8K 49 3
                                    

Nagdaan ang ilang araw at ganun pa rin kami ni Ara. Akala mo wala siyang kasama sa loob ng dorm. Nakakaasar kasi sa laki kong 'to, hindi niya ko mapansin. Papansinin niya lang ako kapag kinausap ko siya o pag tinatanong ko siya. Buti pa nga, pinapansin niya ako sa training namin eh. Alam kong pilit lang yun dahil syempre kami yata ang magkabuddy sa team.

Actually, nandito kami ngayon sa dorm. Nandun siya sa sofa, nakatunganga sa TV. Samantalang ako, nandito sa mesa. Kumakain nang mag-isa at tinititigan lang si Ara.

Nanggagalaiti na talaga ako sa kanya. Dahil lang 'dun', kung makaiwas sakin para na akong may sakit. Ganun ba siya ka-affected? Paano pa kaya ako? Eh first ko yun at mukhang hindi naman first ni Ara yun. Sa itsura niya, maappeal na babae 'yan. Hindi na ko magugulat kung nagkagirlfriend na siya lalo na kung nagkaboyfriend pa.

Patuloy lang ako pagkain at nakita kong tumayo si Ara at papalapit sakin. Kakausapin na kaya niya ako? Sus, 'wag ka nga mag-assume Mika!

Nasa harap ko lang siya at kumuha ng tubig at umalis na. Aba, ni hindi nga tumingin sakin eh. Nakakainis na talaga siya.

Hindi na ako nakapagpigil at naihampas ko sa mesa ang dalawa kong kamay.

"Ara, ano bang problema natin?" Seryoso at malakas kong tanong sa kanya. Baka hindi niya ako marinig eh.

Tumingin siya sakin at kumunot ang noo niya pero tinalikuran lang niya ako.

Aba, sinusubukan talaga niya ako ha?

Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Ara ano ba?" Muli kong tanong. "Anong problema? Hindi ka naman ganyan ah."

Tumingin siya ulit sakin at nakakunot parin ang noo niya. Tinanggal din niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Dahil pa rin ba 'to sa nangyari satin ha?"

"Oo." Malakas niyang sabi.

"What?!" I exclaimed. "Tungkol pa rin dun? Immature mo naman." Sabi ko sa kanya. Lalong nagdikit ang dalawa niyang kilay. "Dapat nga ako ang nag-iinarte satin dito kasi first kiss k---"

"Akala mo ba ikaw lang?!" Putol niya sakin.

"What?!" Sigaw ko ulit. What na lang ako ng what. Haha!

Tumawa siya sa pinaka sarcastic way.

"Immature pa huh? Nakakainis nga kasi naging ganun ang first kiss ko."

Hindi na lang natuwa kasi isang Mika Reyes ang first kiss niya. Hmmp!

"Akala mo ikaw lang?" Masungit kong tanong sa kanya. "Naiinis din ako. Sana hindi mo na lang kasi ako hinatak."

"Kung nagpahatak ka na lang kasi."

"Eh ayaw ko nga. Ikaw 'tong mapilit eh!"

"Nakakainis ka talaga!"

"Mas nakakainis ka Galang!"

"Mas nakakainis ka. Kung sana di ka na lang nag-inarte noong gabi na yun. Ibal--Hmm."

Pinutol ko ang mala-armalite niya bibig gamit ang lips ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko pero automatic na ginawa ng katawan ko yun.

And yes, we kissed for the second time.

Vic's POV

Mas nakakainis ka. Kung sana di ka na lang nag-inarte noong gabi na yun. Ibal--Hmmn."

(⊙o⊙)

Yan po ang itsura ko ngayon.

Gusto kong mainis ng sobra sa kanya ngayon at gusto ko nang ilayo ang mga labi namin sa isa't-isa pero parang ayaw kong bumitaw sa halik niya.

Ito talaga ang dahilan kung bakit inis na inis ako sa kanya eh, simula kasi nung mangyari yung accident kiss namin, hindi na mawala sa isip ko yun. Minsan naisip ko rin na sana maulit ulit yun kasi iba yung impact ng mga labi niya sakin.

Naramdaman ko na lang na dahan dahan niyang tinanggal sa pagkakadikit ang mga labi namin. Pero ako, eto naiwan pa ring nakatulala.

"Huy, ayos ka lang?" Tanong niya at niyuyugyog niya ang balikat ko.

Hindi naman pwedeng ipakita ko sa kanya na nagustuhan ko yun. Galit galit pa rin tayo Ye.

"Bakit mo ginawa yun?" Kalmado kong tanong at dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Eh, sabi mo ibalik ko. O, masaya ka na?"

Tinignan ko lang siya ng masama at umalis na ako sa harap niya. Lumabas ako ng dorm namin at tumakbo ako papunta sa gym.

"Bakit ganito ang feeling?" Tanong ko sa sarili ko. "Ang bilis ng tibok ng puso ko." Sabay hawak ko naman sa dibdib ko.

Ano ba 'tong ginagawa mo sakin Mika? Magpapafall ka na naman ba? Kung alam mo lang, sinasaktan mo lang ako.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon