Before you read this, gusto ko lang munang mag-hello sa inyo! Thank you kasi binabasa niyo 'to. Sorry na rin dahil ang tagal bago ako nagUD. Pero eto na, I hope it's worth the wait noh?
-
Mika's POV
Late na akong nagising dahil lang sa nangyari kagabi. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari samin ni Ara. Kiss lang yun Ye, ano ka ba! Pero first ko kasi yun kaya ganito ako.
Haysss, wag ka na magreklamo Ye. Hindi rin naman mababawi yun. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Pag labas ko, wala na naman akong naabutang Ara. Saan na naman nagpunta yun?
Dumeretso ako ng CR para makapagshower. Gusto ko kasing magpunta sa gym. Feeling ko tumataba na naman ako, kailangan ko magbawas ng weight!
Pagkatapos kong maligo, kumain na ako. Buti naman at nagluto si Ara at buti na rin may tinira siya para sakin. May niluto siyang bacon and eggs. Favorite breakfast ko yan!
Dali-dali akong kumain at nagtoothbrush na rin. Pagkatapos, lumabas na ako ng dorm namin at pumunta na sa Gym.
Habang naglalakad ako, hindi ko talaga maiwasang di isipin yung kiss. Nakakainis kasi talaga eh. Bakit kasi kailangan sa ganung way pa yung first kiss ko?
"Uy ang aga ha?"
Nagulat ako nang may nagsalita. Si Carol pala.
"Saan ka pupunta, Gym?" Muli niyang tanong.
"Yah. Ikaw?"
"Dyan lang sa convinience store sa baba. Bibili ng breakfast." Nakangiti niyang sagot.
"Ah, sige una na ako." Paalam ko dahil maghihiwalay na kami. Kakaliwa kasi siya habang ako naman derecho lang.
"Goodmorning pala!" Pahabol niya bago makalayo.
"Goodmorning din!" Sigaw ko at naglakad na ako patungong gym.
Nakarating na ako sa Gym at sinimulan ko ng mag-stretching. Pagkatapos, sinimulan ko na rin ang mga work out routines ko. Nagsoundtrip din ako para ganahan ako.
Nang makaramdam na ako ng pagod, tumigil na ako at nagpunta na ako sa locker room namin para makapagshower na. Pagdating ko sa locker room, nakita kong bukas ang pinto kaya napaisip ako kung sino ang nandito. Dali-dali akong pumasok para malaman yun. Nang makapasok na ako, nakilala ko agad kung kanino yung mga boses na naririnig ko.
"Paano na si Yeye?" Rinig kong tanong ni Cienne.
Wait, ano ba ang pinag-uusapan nila? Gusto ko man magpakita sa kanila ngayon kaso baka masira ko lang ang seryosong usapan nila.
Aalis na sana ako dahil ang pangit naman kung makikinig ako sa usapan nila kaso narinig ko ang pangalan ko kaya makikinig na lang ako.
Pinilit kong dinggin ang pinag-uusapan nila pero naging mahina ang mga boses nila. Hindi kaya nalaman nila na nandito ako? Wag naman sana.
"Ano ng balak Ara?" Tanong ni Cienne. Narinig kong naglalakad na sila kaya umayos na ako kunwari kakapasok ko lang.
Acting Miks. Acting!
"Hindi ko pa alam." rinig kong sagot ni Ara.
"Pero bet ko kayo ni De--" naputol bigla ang pagsasalita ni Kim dahil nakita niya ako.
"Yeye?!" Bulyaw nilang tatlo with matching big eyes pa. Pati ako di ko rin maiwasan na magulat kasi di pa ako ready sa acting ko.
"O, nandito ka pala?" Tanong ko kay Ara. Siya agad ang kinausap ko kasi hindi man lang nagsabi na pupunta pala siya dito. Eh di nakasabay sana ako.
Sira ka ba Ye? Iiwas yan sayo dahil nga sa nangyari kagabi!!
"Ah eh, gusto ko kasing magpapawis." Sagot niya sakin pero hindi siya makatingin ng derecho sakin. Affected ba siyang masyado sa nangyari samin? Haha! Akala mo kung anong nangyari eh.
"Ah," sambit ko. "Nandito rin kayo Kimmy and Cienne." Bati ko sa dalawa.
"Hello Ye!" Bati nilang dalawa.
"May inutos kasi samin si Coach Noel eh kaya nandito kaming dalawa ni Cienne." Paliwanag ni Kimmy.
"Talaga?" Medyo walang gana kong sabi. Tumingin ulit ako kay Ara na hindi pa rin makatingin sakin.
"Bakit ka rin pala nandito?" tanong ni Kim.
Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Cienne.
"Hindi ba halata Neggy?" Tanong ni Cienne. "Galing sa work out si Mika. Kitang-kita sa pawis oh." Mataray niyang sabi kay Kim at tinuro turo pa ang mga pawis ko.
Natawa na lang ako sa inasta ni Cienne. Mataray forevs kay Kimmy. Mabait naman yan si Cienne tsaka tahimik din yan. Ewan ko ba, pagdating kay Kim lumalabas ang the other side niya. Haha!
"I never knew na ang pagsusungit at pagtataray ay isa ng way ng paglalambing." Nakakingiti kong sabi at naglakad na ako papuntang shower room.
"Over my dead body, Miks." Maarteng sagot ni Cienne.
"Over my beautiful and sexy body, Miks. Wag ka namang ganun." Bira din ni Kim.
"Nag-asaran pa." Mapang-asar kong sabi at pumasok na sa cubicle para magshower.
"Ma-shower pala 'to si Mika eh. Hintayin na kaya natin." Sabi ni Cienne.
"Sige sige." Rinig kong sabi ni Kim. "Ikaw Ara?"
"Ah, mauuna na ako. May homeworks pa ako guys. See you later na lang." Paalam ni Ara. Woooh! Palusot lang ni Ara yan. Umiiwas lang yan sakin. Pwe!

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
Hayran KurguDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...