Mika's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari yung second kiss namin ni Ara. Medyo okay naman na kami, nakakabalik na sa dati.
Kinikilig nga rin ako pag naaalala ko yun. Nakakatawa kasi yung itsura niya nun, todo deny siya pag sinasabi kong nagustuhan naman niya yung kiss ko sa kanya. Pero hindi ko na rin siya inaasar nun lalo na nung malaman ko na may dinedate na si Ara at taga-ADMU pa talaga. Buti na lang, graduate na yun, nako wewelgahin siya ng teammates namin at isa na ko dun. Kasi unfair siya eh, bat nung kami ni Kiefer di ba? Pero ayos na naman yun. Wala naman na kami nun.
"Chill ka lang Ara. Alam ko namang sasagutin ka ni Denden." Sabi ni Kin at umakbay pa ito sa kanya.
Nasa dorm kasi namin ngayon ang BULLIES, pinagpaplanuhan nila kung paano isusurprise si Denden. Tatanungin na daw kasi ni Ara kung pwede na bang maging sila.
"Ang panget kasi nung idea dito sa net eh." Aburidong sagot ni Ara. Grabe, sa dami ng ideas sa internet wala siyang nagustuhan?
"Ikaw Ye, meron ka bang idea dyan?" Tanong sakin ni Cienne.
Aba at talagang tinanong pa talaga ako. Eh alam naman niya na nasasaktan ako sa mga nagaganap ngayon.
Oo, inamin ko na may gusto ako kay Ara at si Cienne ang nakakaalam nun. Sabi ko secret lang namin yun. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.
"Ha?" Kunwari di ko narinig.
"May idea ka daw ba?" Ulit ni Kim sa akin.
Nag-isip naman ako. Ano bang maganda? Imagine ko na lang ako yung isusurprise ni Ara.
"Astig yung kidnap kunwari." Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Maganda ba yun?" Tanong ni Ara sakin "Medyo harsh naman."
"Ibang idea naman Ye. Brutal much eh." Komento naman ni Camille na nasa sa likod ko.
"Sweet na nga nun." Sagot ko naman at nag-isip akong muli.
Ano pa ba?
"Dalhin mo sa beach." Suhestiyon ko.
Pinalo naman ako sa binti ni Cienne.
"Kaloka ka Mika. Ano malaki ba budget natin ha?"
"Tsaka anong 'natin'? Kay Ara lang noh." Sabi naman ni Kim.
Well may point sila. Alam kong rich kid si Ara pero grabe naman kung ganun yung surprise. Ang tindi nun!
Nag-isip akong muli nang biglang sumigaw si Ara.
"Yun!"
Napatingin naman kami sa kanya at todo ngiti ito.
"I know now guys." Masaya niyang sabi.
--
Ayun, naglunch kami sa labas ng BULLIES at kinuwento ni Ara ang mga balak niya. Dapat hindi na lang ako sumama kasi masakit kayang marinig na hindi ikaw yung isusurprise ng taong gusto mo.
Hinawakan ni Cienne ang kamay sa lap ko dahil alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang may water dito para pampigil ko sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
"Shet! Ang ganda ng idea na yun Ara!" Sabi ni Kim at napapalo pa ito sa mesa.
"Yah. I know. Buti naalala kong may tito pala akong may ari ng isang sikat na museum dito." Sagot ni Ara.
[AN: Pinapaalala ko lang po, kathang isip lang po ito. Hihi!]
Ang ganda talaga ng balak ni Ara pero syempre surprise nga muna, kaya bawal niyong malaman. ∩__∩
Pagkatapos naming kumain, dumeretso kami sa isang museum dito sa Cubao. Hindi na ako sumama pumasok sa loob dahil maiimagine ko lang paano ako iiyak at masasaktan dun. Kinakausap na ni Ara ang may ari ng Museum which is Tito niya.
"Ye!" Napalingon ako nang may tumawag sakin.
"Cienne, bakit di ka sumama sa loob?" Tanong ko at umupo naman siya sa tabi ko.
"Eh papasok din naman tayo dun sa araw ng surprise ni Ara eh. Tsaka di tayo kompleto dun, wala ka eh."
Napangiti naman ako sa sinabi niya pero ang totoo niyan, magtatanong lang 'yan. Pusta ano?
"Kamusta ka naman?" Tanong niya. Oh di ba? Tsk!
"Eto, konti na lang mapupunit na puso ko."
Natawa lang siya sa sagot ko.
"Ikaw talaga." Sabi niya at hinampas pa ako. Nasasaktan na nga ako tapos sasaktan pa ko? Ang sakit na ah!
"Ye, ayaw kong nakikita kang ganyan. I thought Ara feel the same but she's not pala."
"You know Ara, malabo niyang mafeel 'tong nararamdaman ko sa kanya. Mas mahalaga ang friendship sa kanya." Napayuko na lang ako sa sinabi ko.
"I don't know how to help you but Miks you know I'm here for you, okay?" Sabi niya at tinapik ang balikat ko.
"Thanks Cienney."
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
Hayran KurguDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...