Dahil Christmas Eve na mamaya. Heto na lang regalo ko sa inyo. Two UD. Pwede na ba yun? Haha. Ayun lang, kahit na matagal ako magUD sana patuloy niyong suportahan 'to. Salamat! Merry Christmas!!
KIEFER
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ara kagabi. Buong buhay ko pinagkatiwalaan ko siya pero ng dahil kay Mika nawala yun.
Akala ko rin hindi magagawa yun ni Mika. Babae siya at babae rin si Ara. Paano nangyari yun? Naguguluhan talaga ako.
Pero kahit magulo man 'tong nangyayari, ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko kay Mika.
"Ravena! Ano bang nangyayari sayo?" Sigaw ni Coach Tim.
Sinimulan ko na kasing magpractice para sa PBA. Wala ng ayawan 'to depende na lang kung tawagan ulit ako ng Coach ko sa US noon.
"Waterbreak nga muna!" Sigaw ulit ni Coach.
Naglakad ako papunta sa bench at uminom ng tubig. Pinaligo ko nga rin sa mukha ko para magising-gising ako.
"Ano bang nangyayari sayo Kiefer?" Tanong ng teammate kong si Kevin.
"May iniisip lang."
"Nako tanggalin mo muna yan. Papagalitan ka lang ni Coach." Utos niya at inabutan niya ako ng tubig.
Nagpasalamat naman ako sa kanya at umupo ako. Kailangan ko munang magfocus dito. Kailangan kong ayusin ito.
Pinabalik na kami ulit sa paglalaro at naging maayos na ang paglalaro ko. Nakakarami na ako ng shoot. Kaya naman natuwa na ang mga ka-teammates ko at lalo na ang coaches namin.
"Nice game Ravena!" Bati ng coach ko.
"Salamat po Coach!" Sabi ko at nagsalute ako.
Nauna ng umalis yung mga coach namin at kami-kami na lang ng mga kateammates ko ang naiwan dito sa court. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, linapitan ako ng assitant ng mga coach namin.
"Kiefer!" Tawag sa akin.
"Po?"
"May gustong kumausap sayo dun." Turo niya sa may pintuan.
"Ah sige. Aayusin ko lang gamit ko then pupuntahan ko siya." Sabi ko at nagdali na akong ayusin ang lahat lahat ng ginamit ko.
Nagkapaalaman na rin kami ng mga teammates ko. Isa-isa na silang lumabas ng gym at ako naman nagpaiwan dahil may kakausap sakin.
"Hello Kiefer!" Bati sakin nung babae.
"Hi!"
"We're from Chalk Magazine and we want to inform you na our team wants you to be the cover of next month issue."
Wow naman. Medyo naexcite ako dito dahil magiging cover daw ako ng magazine nila.
"Uhm, may kasama ba ako dito?"
"Oh yes. Dalawa kayo. We're still not sure kung na confirm na eh. But you'll know naman sa araw ng shoot."
"Kailan ba yung photoshoot?"
"We want na bukas na agad kasi we are all in rush for this issue. But pwede naman ire-sched on the other day. What do you think?"
Bukas kasi may training ulit. Ayaw ko naman na maghalf-day dahil halos kasisimula ko lang. Tsaka ayaw ko namang madaliin yon, pictorial pa naman.
"It wilk be good if sa susunod na araw na lang natin gawin. So, I can prepare pa same rin sa makakasama ko."
Sabi ko at pumayag naman silang sa susunod na lang. Kasabay ko ng lumabas ng gym yung babaeng nakasama ko. Nagsabi pa siya ng ibang mga info para sa pictorial. Maganda na raw na masabihan ako agad para ready na ako sa araw na yun.
Nakapagpaalam na rin ako sa babae at sumakay na ako sa sasakyan. Agad ko ring pinaandar ang sasakyan para makauwi na ako agad. May cafe opening pa kasi akong pupuntahan.
.
.
.
.
.
."Brad! Congrats sa Café mo!" Bati ko kay Arvin, dating kateammate ko sa Ateneo.
"Salamat Kiefer! Ano pala gusto mo? Order na doon brad!"
Sabay turo niya sa counter. Sinamahan niya ako doon at binigyan niya ako ng information sa menu nila.
"Libre ba 'to?" Nakangiti kong tanong. He knows I'm just joking. Willing naman akong magbayad. Help na rin sa kanya. Opening pa naman ng cafe niya.
"Wala talagang bago sayo, Kief!" Natatawa niyang sabi niya sa akin. "Leah, please give him our Nutella Ice Cream."
"Niloloko lang kita, brad." Sabi ko at tinapik ko siya sa likod.
"I know. But since it's our opening day, tinatanggap ko pa yan." Bulong niya sa akin. "Hintayin mo na lang yan. Tinatawag na ko doon."
"Sige Brad. Salamat."
Sabi ko at umalis na siya. Sakto namang dumating na yung inorder niya.
"Sir, this is your order." Sabi nung babae at inabot ko yung bayad ko.
"Sir, sabi po ni Sir Arvin.. libre na."
"I insist. I wanna pay for this." Sabi ko at hindi na nakipagsapilitan yung babae.
Pagkabigay niya ng order ko, naghanap na ako ng table. Buti nga meron pa akong nahanap na vacant. Sinimulan ko na ring tikman ang ice cream. Masarap siya since Nutella nga naman ang flavor.
"Excuse me, pwede makishare?" Rinig ko at boses babae. Hindi ko na tinignan dahil busy ako sa pagkain ng ice cream ko.
"Yeah sure." Pumayag naman ako agad kasi nga punuan na yung cafe. Wala naman akong kasama kaya ayos lang na magpaupo lalo na't babae ito.
Parang nagcrave pa ko ng isa nang maubos ko na ang Ice Cream ko. Oorder pa sana ako nang mapansin ko ang babaeng nasa harap ko.
"Hello!"
Bati niya sa akin. Parang kilala ko siya. Nakikita ko siya sa Gym namin noon.
"Alyssa Valdez, volleyball player ng Ateneo." Nakangiti niyang sabi.
"Ah.. that's why you look very familiar. Kiefer Ravena." Pakilala ko at inabot ko ang kamay ko at nagshakehands kami.
"So, why you're here?" Tanong ko.
"Arvin invited me a while ago. Sayang naman kung hindi ako pupunta." Sagot naman niya.
"Ah, so your close with him pala." Sabi ko at tumango naman siya.
"Halatang hindi mo na ko naaalala." Sabi niya at sumubo siya ng Ice Cream niya. Kumunot naman ang noo dahil sa sinabi niya. Were we closed ba noon? I can't remember anything.
"Nagkasama na tayo noon. Remember, we had an interview na magkasama tayo."
"Sorry, wala talaga akong maalala."
Sabi ko at nagsorry na lang ako sa kanya. Nagpaalam na rin ako sa kanya dahil kailangan ko ng umuwi. Nagpatake-out na lang ako nung ice cream na binili ko.
"Arvin, brad! Sorry, I really need to go home na. Congrats na lang sayo!" Masaya kong sabi sa kanya.
"Sige, salamat din Brad. Balik ka dito ah!" Sabi niya at nagsalute na lang ako. Lumabas na ako ng pinto at muli akong tumingin sa loob ng cafe. Natanaw ko yung babaeng nakiupo sa table ko kanina at kumaway pa ito. Ngumiti na lang ako bilang sagot at agad na akong sumakay sa kotse ko.
I find that girl weird. Sobra. I know her. Of course, she's Atenean. But I can't remember anything na magkasama or nagkasama kami.
Hoooh. Iba talaga ang naging epekto noong pumunta ako sa US. Parang nakalimutan ko lahat except for Mika and my feelings for her.

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfikceDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...