And because all LS Fans who are reading this deserves a UD.. here you go, La Salle won naman but I don't assure you na GV ang UD na 'to. Salamat!
KIEFER
After ng training ko, agad-agad akong pumunta sa hospital. Nagtext sakin si Mommy dahil may balita na kay Ara. Nagising na raw siya pero may problema pa raw, mukhang may amnesia raw si Ara.
Nakwento rin ni Mama na nandoon sina Mika nung nagising si Ara. Nag-aalala ako dahil sigurado na nagulat sila na may amnesia ang kaibigan nila. Lalo na si Mika, panigurado nasasaktan na naman yun.
Pagkarating ko sa hospital, agad akong tumakbo papunta sa room ni Ara. Wala na dun sila Mika, ang tanging naiwan na lang ay ang tatay at kuya ni Ara pati ang magulang ko. Sa pagpasok ko, agad silang tumingin sa akin. Nakita ko agad si Ara na kumakain. As in maayos na kumakain.
"Uy Kief!" Bati niya at kumaway pa sa akin. Bigla rin siyang napahawak sa ulo niya, nabigla siguro.
Nakakapagtaka. Akala ko ba may amnesia siya? Kaya napatingin ako kina Mommy.
"Wala ba akong hello dyan, Kief?" Tanong ni Ara pagkalapit ko sa kanilang lahat.
"Oh, hello Ara!" Bati ko at inakbayan ko siya. "Kumusta? Ayos ka na ba?"
"Ayos naman na ako. Medyo sumasakit lang minsan ulo ko." Sagot niya at humawak na naman siya sa ulo niya.
Tumingin ako kay Mommy at sinenyasan niya ako na mag-usap kami sa labas. Iniwan muna namin si Tito at Kuya ni Ara sa loob.
"My, akala ko ba--" Inunahan na agad ako ni Mommy.
"May amnesia si Ara." Sabi niya sa akin.
"Eh bakit ganun? Naalala niya ako at mukha siyang okay."
"No. May amnesia siya. Nakausap ko yung doctor niya. Nagkaroon daw si Ara ng Traumathical Amnesia. Kadalasan ng mga naaaksidente ganito ang nangyayari. Medyo matagal daw ang pagrerecover ng sakit niya at base sa nangyari kanina, hindi niya nakilala ang mga teammates niya pero nang pumasok ang kuya niya at tatay, agad daw silang nakilala ni Ara." Paliwanag ni Mommy sa akin.
"So, meaning ang fully na naaalala niya ay yung time na bago siya makapasok sa La Salle?" Tanong ko.
"Oo. Masakit man para sa mga kateammates niya kailangan nilang tanggapin na ganun ang nangyari kay Ara." Sabi ni Mommy.
Pumasok na kaming muli sa loob para makasama ulit si Ara. Chineck ulit siya ng nurse para painumin siya ng gamot.
Sa totoo lang, para ngang walang nangyari kay Ara. Nandun yung energy niya. Nakakagulat nga dahil dapat awkward kami pero eto siya masaya.
Naibalita ko rin sa family niya na nahuli na yung nakasagasa kay Ara. Natuwa naman sila dahil kahit papaano, mananagot yung driver sa nangyari kay Ara. Tinanong ko nga rin kay Ara kung naaalala niya yung nangyari sa kanya. Nagulat pa nga siya nung nalaman niya, sabi pa niya kaya raw pala masakit ang katawan niya.
Gusto ko ngang matuwa ngayon dahil nakita ko ulit ang Ara na nakilala ko habang lumalaki kami. Yung Ara na masayahin, laging nakangiti. Ganyan siya noon bago ako umalis ng Pinas at nung bumalik ako, isa siya sa mga nagbago.
Naalala ko rin na dala ko yung mga gamit na dala noon ni Ara nung naaksidente siya. Kukunin ko na sana sa bag ko pero baka magulat siya. Hahayaan ko muna siyang alalahanin ang lahat.
Hindi naman sa mahilig akong mangialam ng gamit pero binasa ko yung nakita kong letter card. Bibigyan niya si Mika ng letter para sa monthsary nila noon kinabukasan.
Oo, nasasaktan pa rin ako pero mas nangingibabaw na yung saya sakin kasi ng dahil sa kanya, naging masaya ulit si Mika at naging mature siya sa kanya.
"Ara, wala ka ba talagang naaalala?" Tanong ko sa kanya nang maiwan kami dito ng parents namin at ng kuya niya.
"Wala talaga Kiefer. Kung meron man akong nakalimutan, bigla-bigla ko na lang yun maaalala. Di ba ganun yung sa movies?" Sagot niya sa akin.
"Ah oo. Sana maalala mo lahat ng nakalimutan mo." Sabi ko at inabutan siya ng fries ko.
"May mahalaga ba akong nakalimutan?" Tanong niya. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na may mga mahahalaga siyang taong nakalimutan sa future niya.
Ang weird talaga kapag may amnesia. Buti na nga lang ganito lang ang nangyari sa kanya, hindi tulad ng ibang amnesia na nakakalimutan talaga lahat.
"Sagutin mo nga ako, meron ba?" Muli niyang tanong.
"Ewan ko sayo." Sagot ko at napakunot naman ang noo niya. Lagi niyang expression 'yan, pagpasensyahan niyo na. "Malay ko ba kung anong ginagawa mo sa buhay mo at tinatanong mo ko ng ganyan."
"Eh malay mo, may nasabi ako sayo tapos yun yung nakalimutan ko." Sabi naman niya sa akin.
Gusto ko na lang talaga matawa sa nangyari dito kay Ara para siyang bata na magsosolve ng ng isang mahirap na puzzle na bubuuin niya yun para mas makilala niya ng lubos ang sarili niya.
Napatingin naman kaming dalawa sa pinto dahil bumukas ito. Pumasok ulit sila Mommy, Tito at Kuya ni Ara kasama ang nurse ni Ara.
"Miss Ara Galang, pwede ka ng madischarge bukas ng umaga." Balita ng nurse.
Natuwa naman si Ara dahil makakalabas na siya ng hospital. Ayos naman na talaga siya eh, kailangan na lang niyang magmaintenance ng gamot na pinapainom sa kanya ng doctor. Binigyan ulit si Ara ng reseta para sa gamot niya.
"Yes! Makakalabas na rin ako dito." Masayang sabi ni Ara. "Nga pala, edi bukas uuwi na tayo ng Pampanga?"
Napatingin naman ako kay Mommy at Tito. Hindi pwedeng umuwi si Ara doon dahil may mission siya dito. Mission niyang alalahanin at buuin ang sarili niya.
"Hindi Ara, doon muna kayo magstay sa bahay namin." Sabi ni Mommy.
Mukang napag-usapan na nila Mama at Tito ang dapat gawin sa paglabas ni Ara dito bukas. Nasabi ko na rin kasi kay Mommy yung tungkol dito kaya ako na lang muna ang mag-aadjust para makatulong kay Ara. Doon na lang muna ako sa kwarto ni Thirdy matutulog. Ganun naman lagi ang setup namin kapag doon si Ara mag-iistay. Wala naman kasi silang bahay talaga dito sa Manila, sa dorm lang nila talaga siya nakatira sa buong college years niya dito.
"Ah ganun po ba Tita?" Tanong ni Ara.
"Oo. Mas maganda kasi kung dito ka sa Manila magpapagaling para sure na maayos ka. Tsaka if ever na okay ka na talaga, pwede ka na ulit bumisita sa Pampanga." Sabi ni Mommy.
"Tsaka anak, bukas na rin kami aalis ni Kuya mo pero gabi pa naman yun. May time pa naman tayo para magbonding bukas." Sabi naman ni Tito.
"Alam mo naman kasi sa atin, walang kasama si Lola at yung iba doon sa bahay." Dagdag ng Kuya niya.
"Naiintindihan ko naman yun Pa at Kuya. Mahaba pa naman ang oras natin na magkasama dito eh tapos may bukas pa tayong natitira para magsaya." Sabi ni Ara.
Yan ang gusto kay Ara eh, talagang family-oriented. Sayang lang dahil wala ang mommy niya, hindi naman kasi pwedeng umuwi na lang dito ang mama niya mula sa ibang bansa. Naibalita na rin naman agad namin sa kanya kung ano na ang nangyayari sa anak niya.
Sana magtuloy-tuloy na ang pag galing ni Ara para maalala na niya ang iba pa niyang kaibigan lalo na si Mika.

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
Fiksi PenggemarDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...