Ara's POV
"Yes Champion!" sigaw ni Kim habang naglalakad kami papasok sa Hotel namin.
"Shh. Huwag ka ngang maingay. Papansin eh." Inis na inis naman na sabi ni Cienne.
"Wag ka muna magdiwang Kimmy, di pa 'to UAAP." Malumanay na sagot ni Mika.
"Correct." Pagsang-ayon ko naman. " Nako Kim, baka matalo tayo next season."
"Grabe. Bawal bang magcelebrate ako dahil nagchampion ulit tayo sa Unigames?" Tanong ni Kim.
Nga pala, katatapos lang ng Unigames kanina. Natalo namin yung NU in three sets! Grabe, dikitan yung game pero thankful na lang kami dahil pumabor sa amin ang bola.
"Etong si Ara, hindi na lang matuwa eh. Kita mo yun, MVP ka na naman?!" Sabi naman ni Camille.
"Syempre natutuwa ako. Pero ayaw kong masyadong magcelebrate noh? May UAAP pa kaya." Sagot ko.
MVP pala, yours truly. Masaya ako dahil nakuha ko yung award na yun. Inspired kapitana niyo eh. Ikaw ba naman laging icheer ng crush niyo. Sino bang hindi gaganahan dun?
Natapos na kaming magshower at nagpalit na kami ng damit kasi magswimming daw kami tonight sa pool ng hotel na'to. Nagpalit lang ako white tee at nagshorts. Bumaba na kami at tinungo na namin ang pool area ng Hotel.
"Hooh! Lamig." Sigaw ng iba kong teammates na lumusong na sa pool.
Ako? Nandito nakaupo sa upuan. Shempre haha! Kumain muna ako kasi sobrang gutom na ako. Ikaw ba naman naglaro di ba?
"Oy!" Sigaw ni Kim. "Hinay hinay lang sa pagkain Ara."
Oo nga pala, sa sobrang gutom ko, derederecho na subo ko.
Nagpeace sign na lang ako sa kanya. "Sorry, gutom lang."
"Hayaan mo siya, deserve niyang kumain. Yan nagdala ng team natin kanina eh." Komento ni Mika at inakbayan ako.
Yieeee~
Nakakakilig sa feeling.
"Naks naman." Sabi ni Cienne. "Ye, siya na ba?"
Natigilan at nabulunan naman ako sa sinabi niya.
"Uy, ayos ka lang Ara?" Tanong sakin ni Mika habang pinapalo ang likod ko.
Nang mafeel kong medyo okay na ako, nagthumbs up ako sa kanila.
Tumingala ako at nakita ko si Kim na tumatawa ng palihim. Lagot sakin 'tong lala-- este babaeng 'to.
"Eto oh, tubig." Alok ni Mika sakin ng baso na may tubig. Ininom ko naman agad yun. "Ayos ka na talaga?"
"Ah oo. Ayos na." Sagot ko.
"Sige kain pa ha?" Asar naman sakin ni Kim. Lagot ka talaga sakin mamaya.
"So, ano na Ye? Si Ara ba?" Tanong muli ni Cienne. Jusme, bakit naman kaya natanong yun ni Cienne.
"Huh? Loka, friends lang kami neto." Sagot ni Mika.
Aguuuuuuy..
FRIENDS LANG
Hanep yan. Feeling ko paulit-ulit yun dumadaan sa tenga ko.
Napangiti na lang ako at feeling ko may namumuong luha sa mga mata ko.
"Ay mali, hindi pala friends. Bestfriends kami niyan eh." Pahabol pa ni Mika at inakbayan akong muli.
"Ah wait lang ha. CR lang ako." Paalam ko sa kanila.
Habang naglalakad ako patungong CR may tumutulo ng mga luha galing sa mga mata ko. Grabe, ganun pala yung feeling na ma-BESTFRIEND ZONED. Sakit sobra.
Dali-dali akong pumasok sa CR at humarap sa salamin. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Nakakainis! Dapat pinigilan ko talaga ang sarili ko kay Mika. Edi sana hindi ko 'to nararamdaman ngayon.
Habang nag-eemo ako, nagulat ako dahil bigla namang bumukas ang pinto kaya naman dali-dali akong pumasok sa isang cubicle.
"Ara?" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Kimmy ito. "Ara nandito ka ba?"
Hindi na ako sumagot, lumabas na lang ako at napayakap na lang ako kay Kim.
"Dude, okay lang yan." Sabi niya sakin habang tinatapik ang likod ko.
"Hindi okay 'to eh." Sagot ko at pumiglas na ako sa yakap namin.
"Honestly, okay lang talaga na ma-friendzoned ka kay Mika eh. Ibig sabihin lang nun, hindi lang siya ang babae sa mundo na pwede mong magustuhan. God Ara, ang daming nagapapansin sayong girls meron pa ngang boys eh. So, move on Dude."
"Ang hirap."
"Sus, kung hindi ka magmomove on, nako! Ihanda mo yang puso mo sa mga heartbreaks na mararamdaman mo."
Napatingin na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Kaya ko bang magmove on kay Mika? Hindi nga naging kami pero crush ko siya for years. I believe rin na di lang crush ang nararamdaman ko, INLOVE na nga ako eh. Kaya hindi madali sakin ang magmove on.
"Eh paano ko sisimulan? Magmomove on ako pero nandyan lang siya sa tabi ko at malala pa, kasama ko siya sa dorm."
Napaisip naman siya kung paano. Bilib din ako sa taong 'to huh. Single pero ang daming alam sa love. Nakng, patay na si Papa Jack dito may kapalit na siya. Lol.
"Aha!" Sabi niya. "Alam ko na, di ba si Bang may gusto sayo yun di ba?"
"Hay nako Kim." sabi ko at napakamot na lang ako sa leeg ko.
"Wala kang magagawa. Kung kailangan mong gumamit ng panakip butas, wala tayong magagawa. Kailangan mong magmove on."
Huminga nalang ulit ako ng malalim. "Susubukan ko Kim. Susubukan ko."
Nakita ko namang ngumiti siya.
"Okay ka na?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. "So, tara na, swimming na agad tayo para hindi na nila mapansin na umiyak ka."
Bago kami lumabas, chineck mo muna ang sarili ko. Pagkatapos, lumabas na kami ni Kim sa CR at sabay kaming tumalon sa pool.
Brrrrrr! Hanep yan ang lamig nga. Bumalik ulit ako sa may gutter at umupo dun.
"Peste ka Kim. Ang lamig!" Sigaw ko at winisikan ko siya ng tubig.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...