fifty

1.4K 54 9
                                    

Hello again! Dahil ang daming nagrequest na UD ulit, eto na agad.

Pero hindi lang yun, gusto ko rin ishare na malapit na yung ending, pero di pa siya yung ending na talaga. Pinag-iisipan ko kung gagawa pa ako ng bagong book para dun or idudugtong ko na lang dito.

What do you think? Comment your thoughts okay? Para malaman ko kung anong gusto niyo.

Medyo maikli lang 'to.. pero sana magustuhan niyo. Salamat!

MIKA

"Feeling ko talaga si Vic yun eh!" Sabi ko sa kanilang lahat.

"Pero ako feeling ko ikaw na 'tong nababaliw Mika. Ikaw na ang baliw!" Sabi naman ni Carol.

"Huy grabe ka naman kay Miks." Saway ni Camille kay Carol.

"Pero imposible kasi talaga Miks. Paano, bakit at anong gagawin ni Vic dito? Well, oo marami siyang dapat gawin dito pero may amnesia siya Miks. Imposible talaga." Sabi naman ni Cienne.

Ikinuwento ko kasi sa barkada yung nakita ko kanina sa gym. Napalingon kasi ako sa pinto at nakita ko si Vic. Oo, as in si Vic! Imposibleng kamukha lang or what, kasi wala namang kamukha dito si Vic sa gym. Kilala ko lahat ng players dito sa La Salle kaya imposible. Ang linaw ng mata ko nun!

"Magpalit ka na ng contacts Ye." Sabi naman ni Kimmy.

"Loka, kapapalit ko lang neto last week kaya imposibleng malabo na agad 'to." Sagot ko naman.

"Sige anong itsura niya?" Tanong ni Carol.

"Ganun pa rin itsura ni Vic pero medyo mahaba na buhok niya ngayon." Sagot ko. Nakita ko kasi talaga siya.

Patuloy lang akong tinawanan ng mga magagaling kong kaibigan. Ayaw talaga nila maniwala.

Tapos na ang practice namin, bukas game na ulit namin. Ang tagal bago nagbalik ang UAAP dahil sa nangyare kay Vic. Nakakakuha pa naman kami ng updates kay Kief about her, sabi niya okay naman si Vic pero minsan sumasakit daw talaga ang ulo nito. Hindi ko naman maiwasang hindi mag-alala, lalo na't wala ako sa tabi niya. Pero nandun naman si Kiefer kaya sigurado akong okay siya.

*Fast Forward

"Ready ka na ba, Ye?" Bulong sakin ni Kim.

Muli akong tumingin sa labas ng dugout, naririnig ko ang lakas ng ingay ng mga tao.

"Oo naman." Masaya kong sagot sa kanya.

Lumabas na ang team namin from dugout at ayun na nga, lalong lumakas ang ingay ng crowd nang pumasok na kami sa court.

Ano nga bang meron ngayon? Edi Finals lang naman. Pang 5 ko ng appearance to sa Finals. Haaaay, naalala ko na naman si Vic. Sabi niya kasi sakin, sabay naming tatapusin ang season na 'to, win or lose.. ayos lang basta sabay kaming magpapaalam dito.

Natigil ako sa pag-iisip ng tawagin kami ni Coach. May mga sinabi siyang konting paalala before magstart ang game.

Natanaw ko rin si Kiefer sa Ateneo side. Nagkatinginan kaming dalawa at nagthumbs lang siya at ako naman ngumiti lang.

Gusto ko sana siyang lapitan pero bawal kasi baka malaking issue na naman yun. Gusto kong itanong kung kamusta na si Ara dahil nung mga nakaraang linggo, wala na akong balita dahil sa sobrang higpit ng training namin.

"Guys, tara na pumili doon." Tawag samin KAFtain at sumunod naman kami.

Tinawag na ang first six at kabilang ako doon syempre. Kinakabahan ako pero chill lang dapat. Finals game na nga namin 'to ngayon at third game na ito, do-or-die na kumbaga.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon