Vic's POV
Maaga akong nagising at nagpunta sa gym. Wala kaming training ngayon pero gusto kong magpapawis.
Umiiwas din ako sa nangyari samin kagabi ni Mika. Nakakainis bakit ko pa kasi siya hinatak? Nakalimutan kong mas malakas pala siya sakin. Eh bakit ba kasi ang arte niya? Kung sana nagpahatak na lang siya sakin eh di sana hindi nangyari yun.
Nakakainis talaga. First kiss ko yun tapos ganun lang? Kahit sinabi kong may gusto ako sa kanya, hindi pa rin ako masaya dahil dun. Nakakaasar talaga.
"Push lang Vic." Sabi ko sa sarili ko habang nagpupush up.
Pinapawisan na ako pero hindi pa rin ako tumigil. Pumunta pa ako sa threadmill para tumakbo. Sinimulan ko sa mabagal hanggang sa pinabilis ko na ito. Maya-maya ay napagod na ako at umupo muna.
"Water?" Nagulat naman ako dahil may lumapat na malamig na tubig sa braso ko.
"Kim! Cienne!" Sigaw ko.
"Gulat lang Vicky?" Natatawang tanong ni Cienne at umupo sa tabi ko. "Akala ko magkikita lang tayo dito. Di mo man lang sinabi na magwo-work out ka."
"Oo nga Vic. Sana nagsabi ka para nakapagdala ako ng pamalit." Sabi naman ni Kim at pumunta sa threadmill at pinaandar yun.
"Ah, sorry na. Nagmamadali ako eh." Paliwanag ko naman sabay inom ko nung tubig na inabot ni Kim kanina.
"Nga pala, simulan mo ng magkwento." Sabi ni Cienne.
Kinuwento ko sa kanila yung nangyari sa date namin ni Denden kahapon. Para nga silang kinikilig na ewan eh.
"Yun lang nangyare?" Tanong ni Kim habang tumatakbo sa threadmill.
Ngumiti ako at sinagot ko sila. "Hindi, meron pa."
"Parang ano yan ha. Nakakaintriga!" Nakangiting sabi ni Cienne.
"Kiniss niya ko sa cheeks." Sabay turo ko sa kanang pisngi ko.
"Weh? Seryoso?" Tanong ni Kim at bumaba pa ito sa threadmill.
"Oo nga." Sabi ko at naglakad na ako papunta sa locker room namin para makapag shower.
"Totoo ngang gusto ka nung agila na yun? Grabe ka Ara. Idol talaga!" Sigaw ni Kim at humabol sakin.
"Shh!" Sigaw ni Cienne. "Baka may makarinig satin." Sabi niya at sumunod sakin.
Kulit sila nang kulit habang naliligo ako. Sobra na silang naiintriga samin ni Denden. Haha!
"Kelan ulit date niyo?" Tanong ni Kim. "Gusto sabihan ko ulit si Aly?"
"Bahaka ka dyan Kim. Kaso nakakahiya naman kung ganun." Sagot ko.
"Alam mo ba tumawag sakin si Aly kagabi, tuwang-tuwa daw si Denden. Nakng talaga ikaw na Ara!" Sigaw ni Kim.
"Ang kulit naman nito." Saway ni Cienne kay Kim. Narinig ko pang umaray si Kim at nakarinig din ako ng malakas na palo. Haha!
"Sabi nang wag malakas eh. Pag may nakarinig satin."
"Sorry na." Rinig kong paumanhin ni Kim.
Lumabas na ako ng shower room at nakita ko silang naghahampasan. Itong dalawa na'to. Maasar nga.
"Yan ba ang lambingan niyo?" Tanong ko at nginitian ko lang sila.
"Isa ka pa Ara ha?!" Sigaw naman ni Cienne. Tinignan ko naman si Kim na nakasimangot naman.
"Gulo niyo kasi eh." Sagot ko at tinungo ko ang locker ko para ilagay ang ginamit kong shampoo at soap.
"Pansin ko lang Vic, ngiting-ngiti ka huh?" Tanong ni Cienne.

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanficDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...