Bonus UD 'to. Meh pasok na naman bukas at balik sa busy-busyhan mode. Goodnight! :)
VIC
Nagsimula na ang Volleyball season ng UAAP. Maganda naming nasimulan ang season ngayon. Hanggang ngayon wala pa ring talo. Talagang motivated lang ang team namin para manalo at makuha ulit ang inaasam namin.
Kahit na meron kaming problema ni Mika kay Kief, isinantabi muna namin yun dahil hindi ito ang oras para mamroblema kami ng kung anu-ano. Kahit kami ni Mika, kahit magkasama kami lagi, halos wala na rin kaming time sa isa't-isa. Pinag-usapan naman namin kasi na hangga't season namin, wala munang harot at kilig. Focus-focus muna.
Pero dahil next week pa ulit ang susunod naming game, medyo hayahay muna pero back to training din kami agad after ng rest day na 'to.
Bukas kasi monthsary namin ni Mika. Gusto ko sana kahit munting regalo lang, may maibigay ako sa kanya.
Nandito ako ngayon sa National Bookstore. Bibili lang ako ng mga materials ko para sa regalo ko sa kanya. Syempre effort yun! Haha, anyways bigla kong nakita sa Magazine section ang bagong issue ng Chalk which is sila Mika at Kiefer ang cover. Napansin ko yun kasi maraming tao ang nakapalibot doon. Bibilhin siguro nila kaya nagkakagulo ng konti doon at nang kumonti ang mga tao doon, agad naman akong lumapit doon.
"Ganda ng girlfriend ko." Bulong ko sa sarili ko habang hawak yung magazine. Haha para akong tanga sa ginagawa ko. Gusto ko sanang bilhin pero baka makita nila Kim kung anu-ano na naman sasabihin ng mga yun. Kesyo bat ko hinayaan ko lang na makasama ni Yeye si Kiefer sa photoshoot nila. Magtatanong na naman yun kung nagseselos ba ko. Hay jusko, nakakasawa.
Umalis na ako sa rito sa National Bookstore dahil baka may makakita pa sakin dito. Gusto kong makauwi agad para makapagready pa ako sa surprise ko para kay Mika.
Hindi ko dala yung sasakyan ko, sayang kasi sa gas. Nagmahal kaya! Grabe, mamumulubi ako kung gagamitin ko ng gagamitin yung sasakyan ko. Lumabas na ako ng mall at tatawid na ako sa kabilang lane, doon kasi ako sasakay. Patawid na sana ako nang biglang tumawag si Mika sa akin.
"Yes babe?" Sabi ko nang masagot ko ang tawag niya.
"Saan ka na? Nakapagpadala ka na ba sa parents mo?" Tanong niya. Ginawa ko kasing reason kay Mika na magpapadala ako sa Pampanga ng pera kahit hindi naman talaga. Buti nga naniniwala siya eh kasi never pa akong nagpadala sa Pampanga ever since noong nag-aral na ako sa Manila, puro sila nga nagpapadala sakin ng pera eh.
"Ah yes. Katatapos ko lang. Pauwi na ako." Sabi ko at tumawid na nga ako. Medyo hassle ang pagtawid dahil ang daming tao. Palibhasa saturday kaya pagbigyan na.
"Okay. Nga pala, daanan mo si Cyd later ah. Siya raw magpapaliwanang nung sinabi ni Coach kanina."
"Ha? Nagpameeting si Coach?"
"Oo eh, bigla kaming pinatawag kanina lang."
"Osiya sige sig--- Aray!" Bigla naman akong nagulat dahil may bumangga sakin, lalake siguro yun ang lakas eh. Pati yung dala ko, nahulog. Pinulot ko yun isa-isa.
"Uy anong nangyare sayo?"
"Ah hindi may nabangga lang ako." Sagot ko kay Mika habang pinupulot yung mga dala ko.
"Ah sige. Ingat ka ah! Hintayin kita dito."
"Sig--" at nagdilim ang paningin ko.
.
.
."Hello Vic? Vic! Nandyan ka pa ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/32637828-288-k996816.jpg)
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanficDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...