Hello guys. Pasensya na sa matagal na UD. Naging busy po talaga ko this past few weeks hanggang ngayon huhu. Sana maintindihan niyo po. Pero eto na may UD na ko ulit, sana magustuhan niyo.
KIEFER
Nakakita ako agad ng hospital at doon na ako pumunta. Iniliko ko ang sasakyan ko at nagmadali akong nagdrive papunta sa Emergency Gate ng hospital. Bumaba ako agad ng kotse ko at humingi ng tulong sa guard at nurses na nandoon.
"May dala akong pasyente. Nandoon sa sasakyan ko, nasagasa kanina." Natataranta kong sabi sa mga nurses. Dali-dali naman sila kumuha stretcher at kinuha nila si Ara sa backseat ng kotse ko.
Agad-agad naman nilang isinugod sa ER si Ara at ako naman 'tong nakikitakbo rin sa kanila. Todo hawak ako sa stretcher, hawak ko rin ang kamay ni Ara. Paulit-ulit akong nagsasabi na kumapit lang siya.
Hanggang sa nakapasok na sila sa ER at naiwan na lang ako dito sa may labas. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sinong unang sasabihan ko tungkol sa aksidenteng 'to. Natatanranta ako, pati yung nakasagasa kay Ara hindi ko na napansin sa sobrang pag-aalala ko.
Kinuha ko na ang phone ko sa pocket ko. Hindi ko alam kung sinong dapat kong tawagan but I guess I have to call my parents first para kahit papaano may lakas akong makukuha sa kanila.
"Hello 'My?" Tanong ko.
"Oh yes Kief? Bakit ka---" pinutol ko na agad si Mommy.
"Ma, pwede ba kayong pumunta dito? Si Ara kasi eh."
"Why, what happened to her?" Sobrang pag-aalala ni Mommy.
"Nabangga siya. Mamaya ko na ikukwento lahat basta pumunta na kayo dito." Sabi ko at pumayag naman sila Mommy. Sila na lang Daddy ang pupunta dahil late na. Masyado ng gabi para isama pa yung dalawa kong kapatid. Sinabi ko rin kung saang hospital ko dinala si Ara.
Gusto ko rin sanang tawagan si Mika at ang teammates niya about this pero wala akong phone numbers nila. Meron ako ng kay Mika pero malay ko ba kung nagbago siya. Sinubukan kong tawagan yung number niya dito pero mukang nagpalit na nga siya. Wala akong magawa dito kundi maghintay.
Nakayuko lang ako buong magdamag sa paghihintay ko. Nananalangin na sana hindi naging malala ang nangyari kay Ara. Alam ko nasagasa lang siya pero may ibang cases na namamatay sa ganun lalo na't may nakapa akong dugo sa ulo niya.
Dumating na rin sila Mommy, wala akong magawa kundi ang yakapin sila ni Daddy. Nanghihina ako ng sobra. I need strength sa mga nangyari ngayon.
"Paano yung nakasagasa kay Ara?" Tanong ni Dad.
"I don't know pero may mga tumulong sakin habang inaasikaso ko si Ara kanina. Siguro naman may pulis agad na naimbestiga nun." Sagot ko.
"But paano yung parents at coaches ni Ara? For sure, nag-aalala na yun dahil hindi pa nakakauwi si Ara sa dorm nila." Sabi naman ni Mom.
"We should tell them what happened to Ara but I don't have any phone numbers of her teammates. But you have number naman ng tatay ni Ara right?" Sagot ko kay Mom. Wala kasi ang nanay ni Ara, nasa US nagtatrabaho doon as an OFW. Matagal ng wala ang nanay niya pero naabutan ko pa siya dito noon. Umalis siya week after noong magkakilala kami ni Ara.
Kinontak na ni Mommy ang tatay ni Ara. For sure, magugulat yun pero hassle din kasi manggagaling pa sila ng Pampanga. Hindi sila agad makakapunta dito but atleast naipaalam na namin agad.
Habang nakaupo kami ni Dad dito at naghihintay. May lumabas na nurse fro ER at lumapit sa amin.
"Sir, kayo po yung kasama noong naaksidente?"
"Yes yes. Why?" Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. May inabot siya sa akin, mga gamit ni Ara na nakalagay sa bulsa niya.
"Ah nurse, kumusta na po siya?" Tanong ni Dad.
"Medyo complicated pa Sir dahil may tama po siya sa ulo. I-momonitor pa po namin siya ng maigi."
"Nurse please, gawin niyo po lahat ng makakaya niyo, magising lang kaibigan ko." Pagmamakaawa ko sa nurse.
"We'll try, Sir." Sabi nung nurse at pumasok muli sa ER.
Umupo ulit ako at yumuko. Bakit ba 'to nangyayare? Marami na nga akong iniisip bakit kailangan pang dumagdag 'to. I know na galit ako sa ginawa sakin ji Ara, sa pagbetray niya sa akin. But I never hated her, she's my friend, my bestfriend! I just hated what she did to me. But right now, it doesn't matter. I want her na magising na.
Naalala ko naman yung binigay sakin na gamit ni Ara. Hawak ko yung phone at wallet niya. Naisip kong tawagan ang teammates niya and I'm hoping also na walang lock ang phone niya. Pagkapindot ko ng powerbutton, agad na bumukas ito at walang lock. Yes! Agad ko rin namang nakita na may messages na siya from her teammates especially Mika, nangunguna siya eh and because of that una kong tinawagan si Mika. I hope she'll answer this call immediately.

BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...