five

2.2K 58 1
                                    

Ara's POV

"Yo Kief! Do you see me?" Tanong ko habang inaayos yung laptop ko.

"Yeah yeah. I see you. Actually, malinaw nga eh." Sabi naman ni Kiefer mula sa Skype.

It's been a month nung umalis si Kiefer. Okay na rin kami. Nakakapagcatch-up naman kami through Skype. But kay Mika, hindi pa rin. Kahit magkasama kami sa isang dorm, hindi ko siya pinapansin. Papansinin ko lang siya kung tungkol lang sa team namin. May konting galit pa rin naman ako kay Kief, hindi ko lang pinapahalata. Hindi ko kasi matanggap ang mga nangyayari ngayon.

"Si Mika, kumusta?" Tanong niya at sinisilip niya kung kasama ko ba si Mika. "Asan siya?"

"Nasa school pa yun. Ayos naman siya." Sagot ko at ngumiti ako ng bahagya.

"Yung usapan natin Ara ha? Alagaan mo yung mahal ko ha?"

Bigla kong narindi nang marinig ko yung "mahal ko". Napaiwas ako ng tingin sa laptop. Yung mahal niya, mahal ko rin paano yon? Ara, bawal 'to. Kailangan mong magmove on. Pero masakit. Hindi ko pa kaya.

"Ara, hang up na ko. I need to rest early eh. Regards mo na lang ako kay Miks ha? Message ko na lang din siya later."

"Ah okay. Ingat! Bye Kief!" Paalam ko at kumaway-kaway pa ako. Maya-maya ay nag-offline na si Kiefer. Isinara ko na rin yung laptop ko at itinabi ito sa cabinet ko.

Napatingin ako sa relo at eight pm na. Nakakapagtaka dahil wala pa si Mika. Hindi naman porke galit ako, wala na akong pakialam sa kanya.

Dali-dali akong kumuha ng jacket at lumabas ng dorm. Nakasalubong ko sa pagbaba ko ng dorm yung iba kong teammates. Tinatanong nila ako kung saan ako pupunta pero itinatanong ko rin sa kanila kung nakita ba nila si Mika ngunit hindi raw nila ito nakita.

Hindi ko alam kung saan ko unang hahanapin yung babaeng yun. Pero naisip ko baka pumunta ito sa pinagkikitaan nila ni Kiefer malapit sa campus. Ngunit wala ito nang makarating ako roon. Tinatawagan ko rin siya pero hindi ito sumasagot.

Where the hell are you Mika?! Paulit-ulit kong tanong sa isip ko. Pumunta na rin ako sa building nila. Wala rin doon. Nakakatakot na nga eh, karamihan ng classrooms walang ilaw. Buti na lang at may mga night shifts, kahit papaano may mga ilaw pa. May mga ghosts daw kasi naglalakbay sa campus.

Bawat kanto sa loob ng La Salle dinayo ko na. Kahit sa tagal ko ng nag-aaral dito, marami akong nalaman na shortcuts. Grabe, ngayon ko lang narealize na napakalaki talaga ng school na'to.

Napatigil na lamang ako sa harap ng Gym. Ito na lang kasi ang hindi napupuntahan. Hindi ko naman agad naisip 'to dahil una sa lahat, wala kaming training ngayong araw kaya wala talaga siya dito. Pero pinasok ko pa rin ang gym. Naglakad-lakad ako sa may swimming area. Eto ang first floor ng gym namin kaya dito ko muna simimulan at hindi naman ako nabigo dahil nandito nga ang hinahanap ko. Nakaupo siya malapit sa swimming pool at tila nag-iisip ng malalim ito. Nasesepanx na naman siguro. Hays!

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at umupo ako sa likod niya. Hindi niya ako napansin kaya naman kinalabit ko na siya.

"Ay pusa!" Sigaw nito at tumingin sakin. "Jusko! Sana naman nagsabi kang nandyan ka di ba?"

Napailing na lang ako at tinignan ko siya. Umiyak ba 'to? Maga yung mga mata niya eh.

"Umiyak ka ba?" Tanong ko at bigla naman siyang yumuko. "Si Kiefer na naman?"

"Ano pa ba ang dahilan?" At umiyak ulit ito. "Sobrang namimiss ko na siya."

Napabuntong hininga na lang ako dahil nasasaktan din ako. Hindi niyo ko masisisi, mahal ko rin siya eh?

Hinila ko na lang siya palapit sa akin at niyakap. Naaawa rin ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi maiiyak pag malayo ka sa mahal mo di ba? Kaso nasasaktan din ako.

Humagulgol lang siya ng humagulgol. Hinayaan ko lang siyang gawin yun. Para mailabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit galit ako, wala akong magagawa dahil ako lang makakaintindi at makakatulong sa kanya dahil ako lang ang may alam na sila ni Kiefer.

Napansin kong tumahan na si Mika at pinupunasan nito ang mukha niyang puro basa ng luha. Gusto kong sabihin na nandito ako, wag na si Kiefer. Pero hindi! Hindi ko pwedeng sirain ang relasyon nila.

"Nailabas mo na ba lahat?" Tanong ko at humarap ako sa pool. "Hindi tayo uuwi hanggat di mo nailalabas yan lahat."

"Okay na ako Ara." Nanghihinang sagot nito. Tumayo na ako at inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang makatayo.

Nauna akong naglakad papunta sa pinto ng gym at nang itulak ko ito, ayaw bumukas.

"Shit."

Paulit-ulit kong tinulak ang pinto at ayaw talagang bumukas nito. Kumakatok na rin si Mika baka may makarinig samin. Tumakbo naman ako sa office ng gym at bukas naman ito. Bawat table na nandun ay hinango ko, baka may susi. Sumunod naman sakin si Mika at naghanap din ito.

"May nahanap ka?" Tanong ko kay Mika habang naghahanap sa mga drawers ng table.

"Wala Ara. Lahat ng tables na nandito, walang susi." Sagot niya.

"Bwiset!" Sigaw ko at napapalo na lang ako sa mesa na nasa harap ko. "Office tapos walang susi?!"

Nakita kong lumapit sa akin si Mika. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Sorry Ara. Kasalanan ko." Itinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Don't be sorry."

Naglakad ako palabas ng office at pumunta sa clinic. Sumunod naman sakin si Mika. Humiga na lang ako sa isang kama dito clinic at pumikit na. Naramdaman ko namang may humawak ulit sa kamay ko at syempre si Mika ito.

"Sorry Ara. Nadamay ka pa. If only bumalik na ko sa dorm natin, hindi na sana nangyari 'to. I'm really sorry for everything Ara."

--

Yow guys! Comment and Vote! :)

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon