Sana nakabawi ako dito kahit papaano. Naging busy po kasi lately eh, pero eto na magiging active na po ulit ako.
Btw, may naki-PASKUHAN ba dito last night sa UST? Well, nandun ako. Ang saya-saya lang. Ganda nung video mapping tapos yung fireworks!
So ayun lang. Share lang hehe.
VIC
"Guys, makinig kayo sa akin. Ilang buwan na lang, magsisimula na ang season natin. Kaya sana naman mas maging masipag tayo sa pagtetraining. Okay ba?"
"Yes Captain!" Malakas na sigaw ng teammates ko.
"So, aasahan kong maaga tayong magsisimula bukas." Malakas kong sabi para marinig nilang lahat.
"Captain, mga anong oras po call time natin?" Tanong ni Kianna.
"Hmm.. saktong 8:00 am. Sa mga malelate dyan, alam niyo na punishment niyo ha?" Sabi ko.
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes Captain!" Malakas na sagot nila.
"And we're now dismissed." Sabi ko at isa-isa na silang nagsi-alisan.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na. Nakita kong naghihintay doon si Mika kaya nilapitan ko siya.
"Dinner tayo?" Tanong niya.
"Ah eh.. Miks, nagtext sa akin si Kiefer eh pero okay lang naman kung hindi. Tatawagan ko na lang siya." Kukunin ko na sana ang phone ko nang bigla niya akong pinigilan.
"Hindi, wag na." Sabi niya. "Lagi-lagi naman tayong magkasamang kumain eh. Kayo naman ng bestfriend mo."
Kahit na pinapayagan niya ako ngayon, alam kong sa loob loob niya na ayaw niya talaga.
"Ah, ganito na lang.. kain na tayo agad para magkasama tayong magdinner then after nun, aalis na ako. Okay ba yon?"
"Sige sige." Nakangiti niyang sabi.
Sa mga panahon ngayon, ayaw ko ng basta basta na lang na iwan ko siya. Kilala ko 'yang girlfriend ko noh! Mahilig mag overthink yan. Baka isipin niyang mas pinipili ko na ang pakikipagkaibigan ko kay Kiefer kesa sa pagmamahalan namin. Sobrang mahirap talaga ang sitwasyon ko ngayon. Hindi pa ako talagang handa na bitawan ang pagkakaibigan namin ni Kiefer.
.
.
."Heto na dinner natin!" Masayang sabi ni Mika at nilapag na niya ang ulam sa mesa.
"Kaya naman pala nag-aya kang magdinner kasi magluluto ka pala." Sabi ko naman sa kanya.
Bihirang-bihira kong makitang magluto si Mika. Magluluto lang yan, ulam lang niya. Kaya laking gulat ko na lang na nagluto talaga siya.
"Masarap ba 'to Mika?" Tanong ko at kumuha na ako ng niluto niya.
Nagluto siya ng Giniling. Wow di ba? Haha! Hindi ko napansing bumili pala siya ng karne.
"Tikman mo na!" Nagmamadali niyang sabi.
"Oy mamaya may lason 'to ah! Baka mawalan ka ng baby." Sabi ko at natawa lang siya.
Kumuha na ako ng konti at isinubo yun. Habang nginungyuya ko yun, pumikit ako para malasahan ko talaga.
"Baby.." sambit ko.
"Ano?"
"Ikaw ba talaga nagluto neto?!"
"Ah eh, ako nga. Ano lasa?"
Sumubo ulit ako.
"Miks, grabe ang sarap!" Sabi ko at tinuloy-tuloy ko na ang pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/32637828-288-k996816.jpg)
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...