fifty-two

1.5K 49 9
                                    

Hello guys. Another UD again. One chapter more then Ending chapter na!!! :)

MIKA

*one week ff

"Mika Aereen M. Reyes, the Cum Laude of class 2015-2016!"

Tuwang-tuwa akong umakyat sa stage nang marinig ko yun. Heto na naman ako sa mixed emotions na nararamdaman ko.

"To all professors, dean and the chairman of our college department, to all the parents and all graduating students, good evening everyone.

First of all, I want to thank God for making this happen. I wouldn't be here reading my speech if it wasn't because of Him. Thank You for giving me and my fellow students strength in our everyday lives here in our school. Thank You for giving us knowledge and intelligence for our all defense, research papers and etcetera.

Second, I would like to thank all of our professors for giving us knowledge what the real world is all about. Although we had some mistakes, you're all there to correct us. Thank you also for giving us good and passing grades in order for us to graduate on time. Especially for me, I want to thank you for all the considerations you've given me.

Third, thank you an congratulations to all my fellow classmates who are in here. Guys, I know we've waited this so long and now we're here, I am very proud for all of us. Thank you for everything guys. You all know that I will miss everyone of you. Goodluck to us in the future.

Fourth, of course to all of our parents who supported us all through out. Thank you for cheering us up in the times we're so down. And now, that we're finished studying we promise that we'll help you now in everything."

Mahaba pa ang sinabi ko sa speech pero enough na yan. Mapapagod na si Author lol.

After graduation, nagkaroon ng picture-picture syempre. Bigla ko na namang naalala si Vic. Naalala ko yung pinipilit niya kong bigyan ko raw siya ng invitation sa grad ko. Pero wala siya so okay haha pero ayos lang.

After nun, kanya-kanya muna kaming celebration. Kumain kami sa isang resto kasama lahat ng family ko pati yung mga kamag-anak ko nandito sa Manila. Mga team Manila muna magcecelebrate, next time na yung sa Bulacan.

Dito na rin namin napag-usapan ng maayos ang tungkol sa gagawin ko in the future.

"Anak, ano.. itutuloy mo na ba yung recruitment sa US?" Tanong sakin ni Daddy.

"Ah.. kung ako itutuloy ko sayang kasi 'dy eh. Pero kung ayaw niyo naman, ayos lang, may mga recruitments naman ako dito." Sagot ko at sumubo ng pasta.

"Kung anuman ang piliin mo okay lang samin, anak. Future mo naman yan." Dagdag ni Mommy.

"Kung yung US talaga piliin ko, okay lang talaga?" Tanong ko naman.

"Oo pero syempre bago ka umalis, dapat mag bonding muna tayo. Tsaka yung mga fans mong nandito, magpaparty ka ulit kasama sila." Sabi ni Mommy.

Yun naman pala eh. Syempre, hindi pwedeng di muna kami magbonding ng family ko at ng mga solid fans ko. Magagalit sila pag nagkataon.

"Mamimiss ko kayo nun. Ayos lang ba talaga?" Muli kong tanong.

"Oo anak. Basta para sa future mo. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo. Kung anong desisyon mo, suportahan namin yan." Sabi ni Daddy.

Napayakap naman ako kay Daddy. Siya kasi yung malapit sakin eh. Si Mommy nasa tabi ni Daddy kaya inabot niya na lang ang kamay ko.

"Basta Ate, wag mong kakalimutang magpadala ng chocolates, okay?" Biglang pasok naman ni Miko sa usapan.

"Tss.. wag kayo mag-alala akong bahala." Sabi ko at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Makita ko lang ang family ko na masaya, ayos na ako. Pero minsan hindi talaga mawala sa isip ko si Vic, sayang nandito sana siya ngayon.

.
.
.
.
.
.
.

"Ye, tulungan na kita sa pag-aayos mo dyan?" Sigaw ni Kimmy mula sa sala ng dorm ko.

"Tapos ka na bang magligpit sa dorm niyo?" Tanong ko naman.

"Oo, naka box na lahat." Sagot niya at lumapit sakin para kunin yung box na dala ko.

"Okay.. paki lagay na lang yan dun sa may pinto." Sabi ko at sumunod naman siya.

Ngayon kasi yung araw na magmomove-out na kaming magbabarkada dito sa dorm namin. Halos wala ng gamit sa room ko. Tinanaw ko naman yung kwarto ni Vic dito, may iilang gamit na lang na natitira doon. Pinadala ko nung minsan kay Kiefer ang mga gamit niya.

Pumasok ako sa kwarto ni Vic. Naalala ko ang memories namin dito. Yung mga panahong first time naming magsama sa dorm. Mga panahong medyo umiwas siya sa akin nung nalaman niya yung samin ni Kiefer. Mga panahong tinulungan niya kami ni Kiefer, lalo na ako nung naghiwalay kami hanggang sa dumating yung time na naging kami.

Napaupo ako sa kama ni Vic at may nakita akong picture niya. Kinuha ko yun at pinagmasdan.

"Gwapo mo talaga." Natatawa kong sabi. "Kumusta ka na? Sana okay ka lang. Ako, kailan mo kaya ako maaalala?"

Medyo naluluha ako sa pinaggagawa ko.

"Ano na kaya tayo ngayon kung hindi ka lang nagkaroon ng amnesia? Ano kaya balak mo sa future mo? Sa palagay ko, ipagpapatuloy mo ang paglalaro ng volleyball. Kung ganun ang nangyari, panigurado magkasama tayo sa magiging future team natin ngayon. Nagpromise kasi tayo na kung nasan man ang isa satin, nandun rin yung isa. Hindi tayo maghihiwalay, magkasama tayo sa lahat.

Wala akong masisi sa mga nangyare pero iniwan at kinalimutan mo ko unconsciously. Ang sakit lang isipin na para sayo, walang tayo na nag-eexist o kahit ako man lang, hindi nag-eexist sayo. Ang hirap kasi ako lang, sakin lang nag-eexist yun.

Ngayon, gusto ko na sanang magpaalam sayo. Lilipad na ako sa US, tutuparin ko yung isa sa mga pangarap mo. Naalala ko dati, gustong-gusto mong makapaglaro sa US. Siguro kung nandito ka, tuwang-tuwa ka.

Sa ngayon, gagawin ko 'to para sayo pero kukunin ko na rin ang chance na 'to para makalimot. Pero tandaan mo, mahal kita Vic, mahal na mahal kaya hahayaan na kita."

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa picture ni Vic. Nagpunas na rin ako ng luha dahil narinig ko na si Kim.

"Ye, tara na. Baba na tayo!" Sigaw niya.

"Oo sandali lang." Sagot ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto ni Vic. Tinignan ko sa huling pagkakataon ang picture ni Vic at nilapag ko yun sa mesa at lumabas na.

Nakangiti kong sinalubong ang barkada sa labas ng dorm ko. Nandoon din ang iba naming teammates para magpaalam samin. May konting luhaang naganap pero masaya pa rin. Nakita rin namin ang mga coaches at staff ng team namin, muli ay nagpaalam kami sa kanila.

"Paano ba 'yan.. goodluck sa inyo." Sabi ni Coach sa'min.

"Goodluck din sa inyo coach at sa buong team." Sabi ko at muling yumakap.

Nagkaroon din super duper big hug ang team namin. Ganito talaga kami ka-close. Second family ko na talaga sila.

"Sige guys, alis na kami." Paalam ni Kim at naglakad na kami palayo sa kanila.

Nagkatinginan naman kaming magbabarkada, masaya kami sa panibagong yugto na tatahakin namin. May nawala man samin, ayos lang. Dadating pa rin yung araw na makukumpleto kami.

Yes! This is the start of new beginnings and I can't wait to start it.

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon