twenty-seven

1.7K 42 2
                                    

Mika's POV

From: Baby Victo

Hey! Hindi ako makakabalik agad. Sabi ng family ni Kiefer dito muna ako magstay. Kailangan daw naming magcatch-up ng mga bagay bagay. Sabay ka na lang kina Kim, okay? Love you :)

Haaaay. Miss ko na si Ara! Clingy ko na ba? Haha! Akala mo di kami magkasama kanina. Jusko!

Back to reality. Haaaaay. Buntong hiniga ulit. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Bumalik lang naman si Kiefer dito sa Pinas, wala namang magbabago sa feelings ko para kay Ara. Pero para kay Ara, may magbabago. Hindi ang feelings niya para sakin kundi sa pagkakaibigan nila ni Kiefer.

Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa kung anong iaasta ni Kief kung malaman niyang kami ni Ara pero malaki talaga ang epekto nito kay Ara.

Haaaay. Bat ba naging magkaibigan kayo? At talaga magbestfriend pa! Ano 'to? Mala- Kim/Gerald/Maja lang peg namin dito? Ang hirap ng sitwasyon namin. Pero nagmahal lang naman ako. Ganun din si Ara. Hindi namin sinasadya na mangyari ito.

Habang malalim ang pag-iisip ko biglang may kumatok kaya naman agad akong pumunta sa pinto para buksan ito.

"Yeye!" Nagulat ako sa sigaw ni Kim. Leche! Wala man lang pakundangan sa pagpasok. Derederecho lang sila. Oo. Sila dahil kasama niya ang kambal at si Carol.

"Anong ganap?" Tanong ko pagkasara ko ng pinto ng dorm.

"Kain tayo!" Malakas na sabi ni Cienne.

Aba. May dala pala silang bucketmeal. Wow naman.

Isa-isa silang gumagalaw sa harap ko. Si Kim, inaayos ang kakainin namin. Si Cienne, ayun naghuhugas ng pinggan. Sinermonan pa nga ako.

"Grabe naman 'to Ye. Di man lang naghugas ng pinggan!"

O nabasa niyo na?

Si Camille naman, kumukuha ng mga baso at si Carol, ayun nauna nang kumain. Badtrip talaga yun. Haha!

"Ano oras daw uuwi si Vic?" Tanong ni Kimmy at inabutan niya ako ng plato.

"Hindi ko alam e. Pero malelate daw siya." Sagot ko at kumuha na ako ng kakainin ko.

"Kumusta na kaya si Vic noh? Buti kaya niyang di sabihin yung tungkol sa inyo." Sabi naman ni Cienne.

"Kakabalik pa lang ni Kiefer. Ang pangit naman kung yun agad sumalubong sa kanya." Sagot ko.

"Pero sana masabi agad niyo ni Vic yung tungkol sa inyo ha? Hassle yan pag nalaman niya sa pa sa iba." Saad naman ni Kim.

Balak naman talaga namin ni Vic yun. Lalo na siya syempre. Siya pa naman ang kaibigan. Ex lang naman ako, then who cares di ba?

"Pero maiba ko lang ah, kumusta kaya si Kiefer ano?" Tanong naman ni Camille.

"Wala. Ganun pa rin. Asa namang may magbago. Di ba Ye?" Biglang sagot ni Carol mula sa sala. Doon kasi siya kumakain.

"Hard mo talaga Carol noh. Lalo na kay Kief!" Natatawang sabi naman ni Kim.

"Aba, syempre. Sinaktan niya ang kaibigan naten." Sagot ni Carol.

Natutuwa naman ako sa kanila. Dahil napaka caring at supportive talaga nilang kaibigan sakin.

"Eh paano pag si Vic naman ang nanakit?" Tanong ni Camille.

"Edi wala. Bahala sila ni Mika. Nagpakahirap tayong asikasuhin lahat lahat ng pakulo ni Vic mapasagot lang si Mika tapos magbbreak kayo?" Malakas na tanong ni Carol. "Aba, bahala na kayo. Pati ba naman kami kasama pa rin sa problema?"

"Grabe ka talaga." Komento ko.

"Syempre joke lang yun." Sabay tawa ni Carol with matching peace pa.

"Pero bakit ba talaga kayo nandito?" Yun talaga ang gusto kong itanong kanina pa." Sabi ko sa kanila.

"Ayaw mo ba? Ikaw Ye ha? Pansin ko parang mas gusto niyo na lagi magsolo ni Vic. Para bang ayaw niyo na kaming kasama ni Vic!" Inarte naman ni Cienne. Jusko.. nagdrama na naman siya.

"Wag mo nga pansinin yan Ye. Palibhasa loveless eh. Laging may abot." Bulong ni Kim sakin pero rinig nilang lahat. Hahaha!

"Epal ka talaga Kim!" Sigaw ni Cienne at pinagtawanan lang siya ni Kim.

Habang nagkakatuwaan kami bigla namang may kumatok.

"Ako na Ye." Sabi ni Kim at siya na nga ang nagbukas ng pinto.

"Oyy pare ikaw na pala yan!" Sigaw ni Kim. At syempre, matik na! Baby ko na yan.

"Hello guys. Sarap ng kainan ah!" Sabi ni Vic at bumeso sakin. Ramdam kong medyo namula ako dahil sa ginawa niya. Bihira niyang gawin ang mga ganung bagay pag may kasama kaming ibang tao.

"Oy. May nangangamatis guys." Natatawang sabi ni Camille. Well, ako lang naman yon

"Grabe ka talaga Vic! Namula na naman yung baby mo!" Sigaw din ni Carol.

Napatingin naman sakin si Vic kaya tinabingan ko ang mukha ko. Nahiya na tuloy ako.

"Ano ba kayo, masanay na kayo kay Yeye." Sabi naman ni Vic.

"Sus. Kala mo high school student lang kung kiligin eh noh?" Sabat naman ni Kim.

Wala silang tigil sa pang-aasar sakin. Si Vic naman parang wala lang, ginagatungan pa! Kaasar siya ah pero mahal ko yan. Hihihi!

"Kumusta lakad mo Vic?" Tanong ni Camille na siyang nagpabago ng mood ng kwentuhan namin. Nanahimik ang lahat at naghihintay lang sa sagot ni Vic.

"Ah.. ayos naman. Masaya naman si Kiefer sa pagbalik niya dito." Seryosong saad ni Vic.

"Bilang magkaibigan, musta ang catch-up?" Tanong ni Kim.

"Ayun, marami siyang baong kwento. Simula noong sinundo ko siya hanggang sa pauwi na lang ako. Kulang ang isang araw na pag-uusap." Sagot ni Vic.

"Eh nasabi mo na ba ang dapat mong sabihin sa kanya?" Tanong muli ni Kim.

"Hindi." Napatingin ako kay Vic dahil sa sagot niya.

"Bakit?" Ako na mismo ang nagtanong.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin sa akin. Nasa kabilang side siya ng mesa kaya magkaharap kami ngayon.

"Kasi halata sa kanya na nasasaktan pa siya.. at kaya ganun kasi Mika," tumigil muna siya sa pagsasalita. Kitang-kita kong nasasaktan din si Vic.

"Hindi ko masabi kasi mahal ka pa niya."

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon