twenty-three

2.3K 54 6
                                    

Vic's POV

Today is the day.

Maaga akong nagising at infairness ang ganda ng gising ko. Kaya naman bumangon na ako at nagprepare ako ng breakfast. Niluto ko ang favorite breakfast ng babaeng mahal ko at pasasagutin ko mamaya.

Habang nagluluto ako, sinalpak ko sa tenga ko yung earphones ko at sinaksak yung sa phone ko tapos nagpatugtog ako.

"Late night watching television hmmm... I really really really really really really like you!"

Lakas ko talaga makagoodvibes.

"Saya mo ah?"

Bigla akong napatalon dahil may nagsalita. Tumingin ako sa likod at si Mika lang pala. Phew~

Nakakatawa yung itsura niya, nakasandal siya sa pader habang nakacross-shoulders at seryoso ang mukha. Astigin talaga siya.

"Goodmorning Ye. Kain na oh." Bati ko at nagprepare na ako ng mga plato para saming dalawa. Nilipat ko na rin sa plato yung niluto kong BAE.

BAE stands for BACON and EGGS.

Hihi, corny ko na ba? Sorry na. Y(^_^)Y

Umupo na si Mika at kumuha na ng uulamin niya. Tinignan ko lang siya at napangiti naman siya.

"Birthday ko ba?" Nakangiti niyang tanong sakin. Hindi ko maiwasang matawa.

"Ikaw, anong nakain mo at niluto mo ang favorite breakfast ko?" Tanong niya.

"Eh yan lang nasa fridge natin eh." Sagot ko at kumuha na rin ako ng kakainin ko.

Napansin ko namang nag-gloomy bigla yung mukha niya. Sorry Miks pero kailangan kong gawin yan. Baka mamaya, maamoy mo yung gagawin ko kahit alam mo naman.

"Goodluck pala mamaya." Sabi niya sakin.

"Thanks. Sana matupad yung wish ko." Sagot ko sa kanya.

Maayos naman kaming kumain. Pagkatapos, agad na akong naligo at nagprepare ng mga dadalhin ko sa surprise ko.

"Miks, yung dress na susuotin mo mamaya, ayos na ba?" Tanong ko habang kinukuha yung suit ko.

Suit talaga. Mas maganda kasi kung nakaganun ako mamaya kesa sa mag dress din ako. Haha!

"Ayos na yung akin. Ikaw?"

"Eto ayos na rin. Alis na ako. Ikaw na bahala mamaya kay Denden ha?" Sabi ko bago ako lumabas ng pinto.

"Sige ako na dun. Pero baka gusto mo tulungan kita, dami mong dala eh." Sabi niya. Oo nga dami kong dala pero dadaanan ko naman sina Kim kaya ok lang 'to.

"No, kaya ko na. Magprepare ka na lang dyan ha?" Sabi ko at lumabas na ako ng dorm namin.

Dumaan ako sa dorm nila Kim. Nandun na yung kambal at si Carol.

"Oy Carol, yung sabi ko ha?"

"Yes Boss Vic. Aayusin ko yung pagrecord ng video. Pramis, high quality 'tong cameras ko." Sagot sakin ni Carol. Buti naman at okay na yung sa kanya.

"Yung ibang props natin Kim?"

"Ang kailangan lang natin yung flowers mo tapos if ever na sasagutin ka, yung dinner niyo sa rooftop di ba?"

"Okay na yon?"

Nagthumbs up naman siya at ibinaling ko naman sa kambal ang paningin ko na inaayos ang mga damit.

"Uy nandyan yung gagamitin ko ha?"

"Oo nandun sa red na malaking paperbag." Sagot sakin ni Camille. "Si Denden ano nang balita?"

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon