twenty-six

1.6K 47 2
                                    

Hello again guys! Here's the UD. Sorry kung natagalan. You know naman.. college is freaking college!! Hehe.

Ara's POV

Simple pero masaya ang pagkakacelebrate namin ni Mika ng monthsary namin. Marami kaming napag-usapan. Sa sobrang saya ng gabing ito, hirap na hirap akong ipasok sa usapan namin ni Mika si Kiefer.

Bakit?

Kasi malapit na siyang bumalik dito. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Wala naman akong dapat ikatakot o kung anuman. Pero naalala ko lang ang sinabi sakin ni Kief noon, kahit sino na ang mahalin ko wag lang si Mika. Pero anong magagawa ko? Si Mika talaga ang itinitibok ng puso ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Mika.

"Mika.. Baby, kahit anong mangyari tayo pa rin ah. Kahit na gagraduate na tayo, walang magbabago ah?"

"Oo naman. Promise yan." Sagot niya.

"At kahit pa may mga bagay o taong dadating para magulo ang relasyon natin, stay strong pa rin ah?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim at muling tumingin sa mga bitwin. Magsasalita na ako nang biglang nag ring ang phone ko. Binitawan ko ang kamay niya at kinuha ang phone ko at nang matanaw ko agad ang caller ID, agad ko nang sinagot ito.

"Ara! Buti gising ka pa! May maganda akong balita." Sabi ni Kiefer sa kabilang linya.

Ano kaya yun? Eh alam ko namang uuwi na rin siya.

"Bukas na ang uwi ko. Hindi na kasi ako pumayag na pumirma ulit ng kontrata dito. Gusto ko na ulit dyan maglaro." Masayang sabi ni Kiefer.

Gusto ulit maglaro dito o gusto mo lang ulit makita si Mika?

"Oh? Akala ko matagal pa. Bukas na pala?" Sabi ko.

"Eh yun na nga. Ikaw na lang magsundo sa akin.Wag sila Mommy at Daddy."

"Hindi ba sila pwede?" Tanong ko.

"Gusto ko kasi surprise eh. Please?"

"Sige sige. Ako na lang susundo sayo. Bye!"

"Salamat bestfriend!" Sigaw ni Kiefer sa kabilang linya.

Binaba ko na ang phone ko dahil na-end na ang tawag. Napatingin ako kay Mika.

"Mika, darating na si Kiefer bukas."

"A--ano?!"

"Darating na si Kiefer bukas."

Hindi ko mawari sa mga mata ni Mika kung ano bang nararamdaman niya. Tulad ko may mga nagbabadyang luha na gustong magpakawala sa mga mata ko.

"Paano tayo?" Tanong niya sakin. "Sasabihin mo ba?"

"Oo naman. Pero hindi ko bibiglain hahanap ako ng tamang timing." Sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya.

---

Nandito na ako sa NAIA ngayon. Nag-aabang kay Kiefer. Hay.. paano ko kaya sasabihin yun. Ang hirap pero gagawa ako ng paraan para masabi ko yun.

Habang nag-aabang ako biglang nagvibrate ang phone ko at nakita kong nagtext si Mika.

From: Bae Mika

Ingat ka diyan ha? Sana makauwi ka ng safe dito sa dorm. Love you, baby!

Napangiti na lang ako sa text ni Mika. Rereplyan ko na sana siya nang biglang may tumawag saking isang napaka pamilyar na boses.

"Victonara!"

Napatingin ako sa direksyon ng pinaggalingan ng boses at ayun. Bumalik na nga si Kiefer.

"Kief!"

At dahil sobrang malapit na magkaibigan kami ni Kief, aba syempre namiss din namin ang isa't-isa. Niyakap ko siya nang napakahigpit at ganun din siya.

"Uyy.. dehins na ko makahinga!" Natatawa kong sabi kay Kief.

"Sorry na. Namiss ko ang bestfriend ko eh. Paano ba yun?" Sagot naman niya.

"Chocolates ko?" Tanong ko. Naalala ko kasi sabi niya dati, bibigyan niya ko ng maraming chocolates.

"Ano kasi Ara eh. Hindi ako bumili doon sa US ng chocolates. Balak ko sana dito na lang, dadami pa dalahin ko."

Sa bagay, may punto na naman siya. Hinila ko na agad siya papuntang parking para makaalis agad kami baka may makakita pa samin. Sikat na basketbolero yata ang kasama ko ngayon.

Heto na kami ngayon sa loob ng sasakyan ko at nagsimula na akong magdrive pauwi.

"Musta ang life?" Tanong niya habang kumakain siya ng dala niyang pagkain. Nagutom yata sa biyahe 'to.

"Eto, ayos naman. Grad-waiting na." Sagot ko at pumalakpak naman siya.

"Yes naman! Sandali lang din pala ako nawala noh? Kita mo, umalis ako noon summer. Tapos gagraduate ka na ng balikan kita!"

"Hindi ko pa naman graduation ngayon. Mga next year pa yun."

"At least nandito na ko sa Pinas at mapapanood ko ang graduation mo."

"Aba, parang papapasukin ka naman doon. Remember, bawal outsiders at bawal na bawal ang ka-rivals naming mga taga-Ateneo." Tawang-tawa kong sabi sa kanya. Anti kami sa mga lumilipad na bagay e. Lalo na yang Eagles. Lol!

"Oa mo. Kung bibigyan mo ako ng consent at invitation, makakapasok ako."

"Heh! Manahimik ka. Para lang sa pamilya ko yung invitation noh!"

"Bakit kapamilya mo naman ako ah? Magkapatid nga tayo eh." Natatawa niyang sagot sakin. Grabe, may pagkasabog si Kief ngayon.

Medyo nanahimik na sa loob ng kotse at ang tanging maingay na lang ay ang radyo. Tahimik lang kaming nakikinig ng mga kanta.

"Sakit naman ng kantang 'yan." Narinig kong sabi ni Kiefer.

"Ano ulit?"

"Iba talaga ang Silent Sanctuary. Tagos lagi sa puso ang kantahan nila." Muli niyang sabi.

Hindi na ako nagtanong ulit. Pinakinggan ko na lang yung kanta para maintindihan ko ang sinasabi ni Kiefer.

"Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay."


Ah. Kaya naman pala. Siguro si Mika ang tinutukoy niya dito.

Oo nga! Speaking of! Wait paano ba 'to? Paano ko sasabihin?

I was about to talk pero bigla siyang nagsalita.

"Kumusta na siya?" Tanong ni Kiefer habang nakatingin sa malayo.

Wait. Paano ko 'to sasagutin? Isip Ara!

"May bago na bang nagpapaligaya sa kanya?" Muli niyang tanong.

Sa bawat tanong niya ay ramdam kong nasasaktan pa rin siya. Paano ko sasabihin ang tungkol samin ni Mika kung si Kiefer ay nasasaktan pa?

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon