Mika's POV
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Ara palabas sa wing na pinuntahan namin kanina. Habang naglalakad kami, masaya naming tinitignan ang mga paintings na nandito.
"Wait lang Ye." Sabi ni Ara at binitawan ang kamay ko. Kinuha niya ang phone niya at tinutok sakin.
"Anong trip mo?"
"Wait. Wag kang magulo. Steady lang at ngumiti ka." Sabi niya na para bang inuutusan niya ako.
"Eh, para san nga muna?" Ulit kong tanong sa kanya.
"A legend says, whenever you see something beautiful, take a picture of it." Sagot niya at automatic naman akong napangiti.
"Yun oh. Perfect!" Masayang sabi niya sakin.
Agad naman akong lumapit kay Ara para tignan yung picture ko.
"Ikaw.. kung anu-ano pa sinasabi mo, pwede mo namang sabihing ngumiti ako dahil kukunan mo ko ng picture." Pa-sweet kong sabi.
"Kinilig ka lang eh." Sagot niya at sinundot niya ang bewang ko.
Nagtawanan lang kami habang papalabas sa wing na nilalakaran namin. Pagkalabas na pagkalabas namin ay sinalubong kami ng BULLIES.
"So, ano na?" Tanong ni Kim.
"Uy, alis kayo dyan. Kinukunan ko yung dalawa eh." Asar na sabi ni Carol.
Kaloka. Nagvivideo pala tong bruha na 'to. Sana sinabihan man lang ako, baka ang pangit ko sa mga kuha niya.
"So, what now? Aakyat na ba kayo?" Tanong ni Cienne.
"Yes. Tara na!" Sabi ni Ara at hinatak ako papalayo.
"Sig-- Weh? Kayo na?!" Sigaw ni Cienne.
Bigla naman siyang pinalo ni Ara.
"Bibig mo naman Cienne." Sabi niya at tumawa.
"Oy Ara, maawa ka naman kay Cienney. Baka open spiker ka?" Sabi ko kay Ara at linapitan si Cienne.
"Pero kayo na nga?" Muling tanong ni Cienne.
"Hay nako. Hindi naman sana kami magkasamang maglalakad ni Yeye kung hindi di ba?" Sagot naman ni Ara.
"Pero take note. Hindi pa talaga kami ni Ara. Sabi ko ligawan muna niya ako." Sabi ko at inakbayan ko si Ara.
Ngiting wagi naman ang tropa at nagsigawan sila.
Sinaway naman namin sila.
"Guys, baka nasa museum tayo?" Sabi ko at tumahimik naman sila.
Nagpeace sign silang lahat pero ngiting-ngiti pa rin sila.
"Oh, ano di niyo ba kami ihahatid dun?" Tanong muli ni Ara.
"Wait eto na. Tara na!" Sabi ni Cienne at sabay hatak saming dalawa ni Ara.
Kasama naming sumakay ang bullies sa elevator. Tinatanong ko sila kung anong gagawin namin sa top floor. Hindi naman nila ako sinasagot ng maayos. Tinanong ko naman si Ara, ayaw rin niya ko sagutin. Hinawakan niya lang ang kamay ko.
Di nagtagal, nakarating na kami sa pinakataas. Hindi pa nga sa pinakataas eh, kailangan pang umakyat ng hagdan.
Jusko. Baka nakaheels kami dito except Ara and Kim syempre. Hirap na hirap ding umakyat sina Cienne. Grabe naman kasi 'tong trip nila. Ano ba kasing meron sa taas. Nagugutom lang ako.
"We're here na." Sabi ni Ara. Siya kasi ang naunang nakarating sa taas sunod ako at ang bullies.
Pagkatingin ko, namangha na naman ako sa nakita ko. WOW ●▽●
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictieDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...