Kiefer's POV
I try to call Ara this time at hindi niya sinasagot. Sabi kasi ni Mika hindi pa raw ito umuuwi sa dorm nila. Hay! What have I done? Ginawa ko lang naman ang tama. Sinabi ko kay Ara yung tungkol sa amin pero ang mali, hindi ko sinabi sa kanya ng maaga.
Naalala ko yung sabi niya sakin na makipagrelasyon na ako sa lahat wag lang sa school nila. Masisira raw ang pride ko. Not only my pride but also my school's pride. Iniisip ko yun lagi pero nang makilala ko nga si Mika, nawala yun. Kasabay din nun si Ara.
Tinawagan ko ulit si Mika at sinagot naman niya agad.
"Miks?"
"Sorry."
"Why are you sorry?"
"Nasira ko ang pagkakaibigan niyo ni Ara."
"No. Ako dapat ang magsorry kasi hinayaan kong umabot sa ganito. Sorry kasi nadamay ka pa at nasira ko rin ang pagkakaibigan niyo ni Ara."
"Siguro, ganito talaga pagdadaanan natin Kief. Kaibigan pa lang natin ang nakakaalam paano pa pag sinabi na natin sa iba lalo na sa mga fans."
"Basta kapit lang Miks. Simula pa lang 'to. I know we can get through this."
"I love you Kief."
"I love you more Mika."
Walang ng nagsalita sa amin at inend ko na yung tawag. Kung ako nahihirapan, pano pa si Mika. This is all my fault. But no, kaibigan ako ni Ara at tatanggapin niya yun.
--
"Anak, ayos na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mama habang inaayos yung luggage ko.
"Ma, ayos na yan. Wag niyo na pagurin sarili niyo." Sabi ko at nilapitan ko ang mama ko.
"Kief," at tinignan ako ng mama ko. "Ang bilis ng oras ano? Parang dati baby ka lang, ngayon ang laki mo na. Grabe, ang bilis ng araw parang kahapon lang nung sinabi mo na irerecruit ka ng isang US coach. Ang bilis lumipas ng isang buwan."
Oo, one month na ang nakalipas, hindi pa rin kami ayos ni Ara. Kahit isang text mula sa kanya, wala akong natanggap. Malungkot akong aalis ng Pinas ngayon.
"Si Ara pupunta ba? Hindi ko na nakikita yung bestfriend mong yun."
"Di siya pupunta sa airport mamaya. Daan na lang tayo sa Taft baka busy yun." Sabi ko habang hinihila palabas ang luggage ko.
Nakita ko naman yung Dad ko sa labas, pinupunasan yung gagamitin na sasakyan mamaya. Nandun rin yung dalawa kong kapatid na si Thirdy at Dani. Hawak ni Thirdy yung bag ko at kinuha ko na yun sa kanya.
"My bag." Sabi ko at hinagis niya sakin yun. Nagkangitian na lang kami at yumakap naman sakin ang kapatid kong babae.
"I'll miss you Kuya." Tinapik-tapik ko naman ang ulo niya.
"Mamimiss din kita Dani." At hinalikan ko siya sa ulo.
Nakatingin naman ako sa kapatid kong lalake at lumapit din sakin.
"I'll gonna miss you bro!" Sabay yakap sakin. Tsk! Akala mo tigasin, iiyak din pala. Sumunod namang yumakap si Mama at si Dad.
"A-aray. Ang sikip na!" Malakas na sabi ko at nagsialis naman sila. "Isang taon lang ako dun tsaka sandali lang yun."
"Ang tagal kaya nun. One year, 12 months, 52 weeks and 365 days yun kuya." Sabi naman no Dani. Etong kapatid ko talaga daming alam.
"Nakakasigurado ka bang 52 weeks?" Tanong ni Thirdy. "Dami mong alam sissy." Sabat pinch niya sa ilong ni Dani.
"Hay nako tara na. Kailangan natin umalis ng maaga kasi dadaan pa tayo ng Taft." Sigaw ni mama at nagsipasok na ang lahat sa sasakyan.
Habang nasa byahe, katext ko lang si Mika. Sobra kong mamimiss ang girlfriend ko. Alam kong kaya naman niya ang sarili niya pero dahil wala ngang nakakaalam na may relasyon kami, gusto ko ng may magbabantay sa kanya. At alam kong si Ara lang makakagawa nun para sa akin.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang DLSU. Meaning, we're now in Taft. First, I texted Mika na magkita kami sa lugar kung saan nandun kami lagi at walang nakakakilala sa amin. I ran as fast as I could maabutan at makita lang si Mika. Hindi naman ako nabigo dahil nandun na siya. Sinalubong niya ako ng yakap at humihikbi ito.
"Please don't cry. This makes me weak." I said and I kissed her on the head.
"Mamimiss talaga kita Kief. I am sorry for feeling this way. You can't blame me."
"Yeah. So, ano nga ulit yung promise natin sa isa't-isa?"
"Kakapit lang and wag ka makakalimot na magmessage or magvideo chat sa Skype."
Kahit ako, naiiyak ako. Kasi malalayo ako sa mga taong importante sakin. Itinext ko rin si Ara. Nagbabakasakali ako na baka makipagkita siya sa akin.
Take note pala, hindi pa alam ng parents ko na girlfriend ko si Mika at ganun din sa side niya.
Isang oras ang hiningi kong paghihintay kina Mama at ngayon thirty minutes na ang nakalipas, wala lang Ara na dumadating. Sinabi ko na rin kay Ara na pumunta na siya dito sa pinagkikitaan namin ni Mika.
"Kiefer, ten minutes na lang." Paalala sakin ni Mika at chineck ko ang watch ko. Napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ako kay Mika at nagpaalam na muli. Umiyak na naman siya at ganun rin ako. Ayoko siyang iwan, but I need this too. Sabihin na nating para sa future na namin 'tong dalawa. Niyakap ko muli si Mika.
"I love you Miks." At hinalikan ko siya sa noo.
"I love you too. Take care okay?"
"Yes boss!" Sabay salute ko. Natawa naman siya at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Nahihirapan akong maglakad.
"Kiefer!" Rinig kong may tumawag sakin at malakas ito.
Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko si Ara na tumatakbo palapit sakin kaya naman niyakap ko siya. Naririnig kong humihikbi siya.
"I'm very sorry. Ngayon lang ako nagpakita kung kelan aalis ka na." Sabi nito habang humahagulgol.
Kinapa ko naman ang likod niya.
"Shh, atleast you came. That's what important for me right now." Sagot ko. "Sorry sa lahat ng kasalanan ko Ara, please forgive me."
"I can't say Kief. Kaya lang ako pumunta dito para magpaalam sayo."
"I understand. But, gusto ko sana humingi ng pabor Ara." Hindi siya nagsalita at nakinig lang sakin.
"Habang wala ako, please take care of my girlfriend, Ara."
--
Byebye Kief na! So meaning puro KaRa na? Not yet. :)
Thanks for reading. :)
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...