Bilang 7

85 1 1
                                    

Bilang 7


Liar!



Lutang akong pumasok kinabukasn. Maging si Papa at si yaya ay nagtataka kanina habang nasa hapagkainan kami dahil bigla bigla nalang akong natutulala. Hindi kasi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Travis. Is that really true? O nagagaya na ako sa mga babaeng nanaginip ng tungkol sakanya? Sana pala kinurot ko ang sarili ko kahapon para nalaman ko kung nanaginip ba ako o hindi.



"May sakit ka ba?" tanong agad ni Elsa ng makapasok ako sa loob ng classroom.

Umiling lang ako at diretsong umupo sa tabi nya.


"Huy! Ano bang problema mo ha?"


Tumingin ako sakanya at napahinga ng malalim. Alam kong hindi ako matatahimk hangga't hindi ko nasasabi yung mga bagay na tumatakbo sa isip ko.


"May tanong ako Elsa."

"Ano?"

Lumunok muna ako bago ko binitawan ang tanong na kanina pa nasa utak ko.

"Maniniwala ka ba sa isang lalaki, I mean.. Sa mga sinasabi nya kung isa syang playboy?"


Kumunot ang noo nya at para bang hindi makapaniwala sa tanong ko sakanya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtaong ako sakanya ng ganutong klaseng bagay. Pa-graduate na ako ng highschool at college na sa susunod na pasukan pero parang hindi parin ako lumalabas sa shell kung ako nakatago ngayon. Kumbaga ang ideya ko parin ng pag-ibig ay ang mga gawa ni Walt Disney. Out of reality. Pure fiction.

Nilapat nya ang kamay nya sa ibabaw ng noo ko at ilang beses itong dinama.

"Oy, wala akong sakit." ngumuso ako.

Humalakhak sya at bahagya pang hinampas ang arm rest ng kinauupuan nya.

"Oh damn, ilabas mo nga si Ylia! Sino ka ba talaga?"

"Stop laughing Elsa! I'm not playing around!" I need an answer bago pa ko mabiktima!

Agad nyang pinigilan ang pagtawa nya pero fail parin kasi talagang namumula sya sa pagpipigil.

"7 years old palang tayo, magkasama na tayo and for the first time in history, ngayon ka lang nagtanong sa ganitong klaseng bagay! I mean seriously? Bakit mo naitanong? Wala namang playboy sa mga prince charming ni Walt Disney ah? Nag-evolve ka na ba? Nanood ka na ng ibang movie? Like Sarah G's movies?" tumawa ulit sya. "Or is it about..... Travis Dela Serna?"

Oh damn! Damn! Paano nyang alam? Ganoon ba ako ka-obvious?

Umiling ako, "H-Hindi ah! May aksidente kasi akong napanood about the playboy and the good girl. Nag-confess kasi yung playboy doon sa good girl, dapat bang maniwala dun si good girl sa kabila ng katataohang the guy might cheat because he's a playboy?"

Nagkibit balikat si Elsa at nangalumbaba. "Once a playboy, always a playboy Ylia. But it doesn't mean they're born like that. No one's born as a playboy. Nakadepende naman yan sa babae kung gusto nyang maniwala dun sa guy eh. After all love is about taking risks. Di ka nagmamahal kung di ka masasaktan!"

"Ang dami mong alam ah?"

"Gaga! Nakuha ko lang yan sa mga binabasa at napapanood ko." humalakhak sya. "But seriously Ylia, love is not always happiness. It's all about pain too. Minsan yung mga ganitong issue, yung playboy si guy, yung nagiging dahilan kung bakit yung mga lovestory sanang masaya ngayon nauudlot. Di naman fairytale ang totoong buhay! Hindi to yung kakanta ka sa gubat tapos mahahanap mo na agad yung lalaking para sayo. Sa totoong buhay marami ka munang mararamdamang doubts bago ka magdesisyon kung mamahalin mo ba talaga ang isang tao. Pero sa huli't huli sa taong nagmamahal parin yung desisyon para sa ikaliligaya nya. That's it! Panood nga nyang napanood mo! Mukhang maganda ah?"

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon