Bilang 39

55 3 0
                                    


Bilang 39

Work For Me


"Kilala mo sya?"

Siko saakin ni Clark habang nagpapalipat lipat ng tingin saakin at kay Travis na wala atang balak magbihis.

Tumango ako.

"Sya si Travis."

Nalglag ang panga ni Clark. "What the hell?"

"Anong pinag-uusapan nyo?" nakataas ang isang kilay ni Travis habang nakatingin saaming dalawa ni Clark.

"Huh?"

Ngumisi sya at muling umiling. "Never mind. So... Let's go to my office?"

Agad kaming sumunod kay Travis patungo sakanyang private office. Mukhang nasa likod lang iyon ng mga sasakyang kanilang kinukumpuni dahil yun ang tinatahak naming daan.

Muntik pang tumama ang aking mukhang sa magandang likod ni Travis ng bigla syang huminto sa paglalakad.

"Excuse me, Clark, right?"

"Yes?" kulang nalang ay makakita ako ng diamond sa mata ni Clark.

"Pwede bang si Ylia lang muna ang kausapin ko? Please?"

"Bakit? Pwede naman kasama si Clark kung ang pag-uusapan natin ay tungkol sa business proposal, empleyado naman sya ng kompanya."

Humalukipkip sya na mas lalong nagpa emphasize sa dibdib nya. Inilapit nya ang mukha nya saakin.

"We're going to talk about our past, do you want your friend to hear it? It's fine with me."

Agad ko syang sinamaan ng tingin. Humalakhak sya.

"Sige na Clark. Ako na bahala."

"You sure?"

Tumango ako at pinagmasdan syang umalis.

"Let's go?"

Muli akong sumunod sa paglalakad sakanya, pansin ko ang mga titig ng mga trabahador nya habang naglalakad kami.

Parang gusto ko tuloy magtago dahil pakiramdam ko alam nila kung ano ang namamagitan saamin ni Travis o masyado lang akong paranoid?

"Mahal..."

Napatingala ako kay Travis.

"H-HUUUUH?"

Ngumuso sya. Hindi ko na alam ang gagawin.

"A-A-Ano?" Kiss ba? Walang problema.

"Mahal... mahal yang sapatos na tinatapakan mo."

Napatingin ako saaking paanan at doon ko lang nakita na may natatapakan pa lang ako itim na roshe run.

Agad akong napaatras ng bilang yumuko si Travis at tumama ang kanyang ulo saaking hita.

Dinampot nya ang nakakalat na sapatos at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinatok nya ang isang window na sa tingin ko ay nagsisilbing counter kung saan nagbabayad ang mga customer para sa ginawa nilang pag aayos sa mga sasakyan.

I smiled upon seeing it. Kung ibang tao siguro ang makakakita, at hindi alam ang estado ni Travis sa kasalukuyan, iisipin na ang Dela Serna Automotive ay simpleng talyer lamang at bilihan ng car parts.

Maybe, simplicity really runs in the blood of their family.

Umilang katok si Travis ngunit wala talagang sumasagot.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon