Bilang 26
Blue Faded Jeans
Nakatingin lamang ako sa mga damit na dala ni Tita Tessie, ang paboritong mananahi ni papa. Kapag kasi hindi bumibili sa isang kilalang brand ng damit si papa madalas kay Tita Tessie sya nagpapagawa ng damit dahil maganda daw ito gumawa at dekalidad ang materyales na ginagamit. Kaya kapag may mga importanteng okasyon madalas sakanya kami nagpapagawa ng damit.
"Ito hija, bagay saiyo ang isang ito! Naku! Tinahi ko talaga ang mga ito para sa darating mong kaarawan." nakangiti syang saad.
Ngumiti rin ako at mas lalo pang pinaka titigan ang mga gowns na kanyang dala.
"16th birthday lang naman yung ice-celebrate ko kaya siguro Tita Tessie wag na yung masyadong bongga."
Napatawa si Tita Tessie. "Pasensya na hija ha, medyo excited ang Tita mo. Ito kasi yung isa sa mga bagay na ipinangako ko sa mama mo noon, na kapag may importanteng okasyon sa buhay mo igagawa kita ng damit."
Isa narin siguro sa mga dahilan kung bakit gusto ni papa si Tita Tessie na gumagawa ng damit namin dahil sya ang bestfriend ni mama since elementary. Sya yung isa sa mga taong laging nagpapaalala saakin kay mama.
"Okay lang Tita." Tumawa ako. "Medyo naga-garbohan lang talaga sa ginagawang paghahanda ni papa."
"Syempre naman! Nag-iisang anak ka eh! Feeling ko nga mas bongga ang 18 mo. Ako ulit ang magtatahi ng isusuot mong damit, ha?" aniya.
Tumango na lamang ako. Pinapili nya na ako sa mg mga damit na ginawa nya para saakin. Pinili ko yung simpleng red cocktail dress na ginawa nya. Sa lahat kasi ng ginawa ni Tita Tessie feeling ko ito na ang pinaka simple. Sleeveless ito at see-through ang harapan habang bahagyang backless naman ang likuran.
"Sigurado kang ito na?" tanong nya.
"Opo tita."
"Oh sige, sasabihin ko nalang sa papa mo itong napili mo."
Hinalikan nya ako sa pisngi at nag-paalam na. Agad naman akong nilapitan ni Manang ng makaalis si Tita Tessie.
"Hija, ano daw gusto mong ihanda sa birthday mo?" tanong ni manang na may hawak pang papel at ballpen.
"Kayo na pong bahala manang. Alam nyo naman po yung mga gusto ko. Di ko lang sure kung gaano kadami kasi kung saakin lang puro kaklase ko lang naman ang pupunta, hindi ko alam kung may iimbtahan si papa."
Umakyat na agad ako sa itaas at agad na kinuha ang cellphone ko para tawagan si Travis.
"Baby.." bungad nya.
Napangiti ako. Wala parin talagang kupas ang dating nya saakin. Kahit yung mga simpleng salita nya lamang ay nagdudulot na ng kuryente saaking buong pagkatao.
"Hi.."
"Hi.." tumawa sya. "Parang ito ang unang beses nating pag-uusap sa cellphone."
Napailing na lamang din ako. "Sigurado ka bang pupunta ka sa birthday ko sa sabado?"
He groaned. "You asked me the same question again. Napag usapan na natin ito hindi ba? Pupunta ako Ylia. Kakausapin ko ang ang papa mo. At isa pa ito yung kauna-unahan mong birthday na kasama ako... Ayokong palagpasin ang pagkakataong ito."
Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Nagiging sobrang paranoid na ba ako? Nasosobrahan na ba ako sa pag-aalala sa mga posibleng mangyari sa pagitan ni papa at Travis? Ayoko lang kasi maulit yung noon, yung pinapili ako ni papa sa pagitan nilang dalawa ni Travis. Because this time I don't really know whom I'm going to choose.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...