Bilang 43

52 1 0
                                    

Bilang 43

Mahalaga

Damang dama ko ang tensyong bumabalot sa pagitan naming dalawa ni Travis. Gusto ko ng umalis at tumakbo pabalik ng Maynila. Ngayon ay nagsisisi na akong bumalik. Dapat ay nanatili na lang ako kung nasaan ako para hindi na ulit ako nasasaktan ng ganito.

"Sinungaling ka." Bulong ko sakanya.

Ngumisi sya at hinawakan ng mas mahigpit ang aking mga pulso.

"Sayo ko dapat sinasabi yan Ylia. Dahil sinira mo ang buhay ko."

"Anong nangyayari?"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mama ni Travis na nakakunot ang noo habang tinitingnan kaming dalawa.

Agad akong hinatak ni Travis patungo sakanyang likod na para bang hinaharangan nya ako sakanyang mama. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at sinuklay gamit ang daliri ang buhok kong bahgyang nagulo.

"Okay lang ba kayong dalawa?" muling tanong nya.

"Yes, ma." Nilapitan ni Travis ang kanyang mama at niyakap ito. "Nakabalik na pala kayo. Hindi kayo nagsabi saakin para sana nasundo ko kayo."

"Hindi naman na kailangan.... Ylia, hija, are you okay?"

Tumingala ako at nakitang sinsilip ako ng kanyang mama mula sakanyang balikat.

"O-opo."

Humarap narin si Travis, agad akong nilapitan ng kanyang mama at kinuha ang aking kamay.

"Nakaluto na ako. Halina't kumain na tayo." Nlingon nya si Travis. "Tara na?"

Hindi na ako nakatanggi at sumama na sa mama ni Travis.

"Mag-uusap tayo mamaya, Ylia."

"Wala na tayong pag-uusapan pa." I hissed.

Malapad ang ngiti ni Cloud habang palipat lipat ang tingin saamin ng kanyang kuya. Pinagtabi kasi kaming nakaupo sa mesa ng kanilang mama, nahihiya naman akong tumanggi kaya hinayaan ko nalang.

"Kamusta ang buhay sa Maynila?"

Napaangat ako ng tingin sa mama ni Travis, nag-aabang ito saaking sagot.

"Ayos naman po. Maingay lang hindi tulad dito sa Indang." Ngumiti ako.

"Kunsabagay. Pero ang balita ko ay sa UP ka daw nagtapos?"

Tumango ako habang nakangiti. Masaya ako dahil sakabila ng emotional stress na nararanasan ko ng mga panahong iyon dahil sa nangyari saamin ni Travis at sa nangyari sa buhay ko nagawa ko paring i-focus ang aking sarili sa pag-aaral at hindi ako nawala sa pagiging Dean's Lister sa buong taon ko sa UP Diliman.

"Masaya ako para sayo, pero sa totoo lang Ylia, nalungkot talaga ako ng umalis ka, maging si Cloud. Biglaan kasi ang pag-alis mo tapos..." nilingon nya si Travis na napatigil sa pagkain.

Umiling ang mama nya at mabilis na iniba ang ang usapan. Gusto ko sanang itaong kung ano yung sasabihin nya pero mukhang iniiwasan nilang pag-usapan kaya hindi ko na itinuloy.

"Magtatagal kaba dito, hija?" muling tanong nito.

"Sana po ay hindi masyado. Marami na ho kasi akong naiwang trabaho sa Maynila."

Natahimik silang tatlo. Parang gusto ko tuloy bawiin ang aking sinabi. What the hell, Ylia. I wish just like the camera on phones my mouth has filters too!

Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng humilig saakin si Travis at inilapit ang kanyang bibig saaking tenga.

"You are provoking me to say no to you."

Nilingon ko sya at nakita ko syang nakangisi. Aba! Madaya ang isang ito! Alam nyang malaki ang kailangan ko sakanya!

"Hindi agad aalis si Ylia, ma."

Lihim kong inirapan si Travis.

Biglang tumunog ang aking cellphone sa gitna ng aming kwentuhan, sinilip ko ito at nakita kong si Victor ang tumatawag.

"Tita, excuse me po, but I have to take this call."

"Sige lang hija."

Mabilis akong umalis sa mesa upang sagutin ang tawag ni Victor. Makailang beses na kasi syang tumatawag saakin pero natyetyempong hindi ko nasasagot.

"Saan ka pupunta?" pigil saakin ni Travis.

Hindi nya ba narinig? Malinaw naman ang pagkakasabi ko sakanyang mama.

Itinuro ko ang aking cellphone para sabihing may tawag akong kailangan sagutin. Sinilip nya ito at kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang pangalan ni Victor na nagfla-flash sa screen.

"Ganoon ba yan kaimportante para iwan mo ang pagkain mo? Hindi ba pwedeng mamaya na yan?"

"This is a important call Travis, Kailangan ko itong sagutin."

Dahilan ko kahit sa totoo lang ay pwede ko naman itong i-decline at itext si Victor na tatawagan ko nalang sya mamaya.

"Yung tawag ba talaga yung importante o yung tumatawag?"

What is he trying to say? At anong pakielam nya? Binawi ko ang kamay ko kay Travis at bahagyang lumayo para sagutin ang tawag.

"Victor."

"Finally, Ylia!" Dama kong nakangiti sya sakabilang linya.

"Sorry ngayon ko lang nasagot ang tawag, medyo busy kasi ako."

"Hmm. Just like what Clark said to me. Tinawagan ko kasi sya ng hindi mo nasasagot ang mga tawag ko. I'm so worried about you."

Tumawa ako. "Nothing to worry about, Vic. Safe naman ako dito at kahit papaano naman ay alam ko pa ang mga lugar, dito kaya ako halos lumaki na!"

"I know. Pero di ko parin maiwasan mag-aalala. Sana ako nalang kasi ang isinama mo." Bulong nya.

Lumapad ang pagkakangiti ko. "Really, Vic? Dapat nagsabi ka kay boss!" tudyo ko sakanya.

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Victor ng biglang may humatak saaking cellphone.

"Ano ba! May kausap ako!"

Pilit kong kinukuha sa kamay na nakataas ni Travis ang aking cellphone. Napapadyak pa ako sakanilang sahig ng makita kong pinatay nya ang tawag ni Victor. Sira ulo talaga.

"What the hell Travis! Kita mong kausap ko pa yung tao! Why did you end the call! Cellphone mo ba iyan? Hindi diba?"

Hindi sya sumagot at nakangisi lang na pinapanapanood akong galit na galit sakanya.

"I don't know why, but I find you more attractive when you're mad."

Humalukipkip ako at inirapan sya. Dama kong nag-iinit ang aking mga pisngi. Traydor talaga! Hindi ako pwedeng kiligin sa mabulaklak na dila ni Dela Serna dahil rosas yang dila nya, maraming tinik!

"Really, Travis? Hindi mo na kailangang bolahin pa, I'm not the 16 year old girl whose very much in love with you 6 years ago. Kaya pwede ba, just give me back my damn phone!"

"Pero pumupula ang iyong mga pisngi." Giit nya.

"So? Mainit kasi!"

Nilingon nya ang centralized aircon na nakakabit sakanilang sala. Yes, naka centralized aircon na sila ngayon. Asensado na talaga sya.

"Gusto mo bang lakasan ko ang aircon?" di parin mawala ang naglalarong ngiti sakanyang labi.

"Just give me back my phone!"

"Ibabalik ko ito sayo pag tapos ka ng kumain. Masamang pinag-iintay ang pagkain lalo na't kung sasagot ka lang naman ng tawag na hindi mahalaga."

"Sinong nagsabi sayong hindi mahalaga ang tawag na iyon?"

Tumaas ang kilay ni Travis. "Kasi, dapat ako lang ang mahalaga sayo ngayon, bukas, at sa mga susunod na araw. Naiintidihan mo? Dapat ako lang ang mahalaga Ylia."

Nalaglag ang aking panga. What the hell?

"Now go back there, mama is waiting for you."

m1=

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon