Bilang 15

47 1 0
                                    

Bilang 15


Dela Serna Residence


Panay ang isip ko sa kung anong idadahilan ko kay papa sa pagpunta ko sa bahay ni Travis sa darating na sabado. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay papa na kila Travis ako pupunta dahil ipapakilala nya ako sakanyang pamilya, dahil alam ko na kapag yun ang sinabi ko mas mataas pa ang porsyento na hindi sya papayag at baka maghisterical syang bigla.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok dito. Agad ko itong pinagbuksan at tinignan kung sino.

"Pa!" 

Nagulat ako ng makita ko si Papa na nakatayo sa labas ng pintuan ko at nakangiti saakin. Agad akong lumapit sakanya at hinalikan sya sa pisngi.

"You're here."

Ngumiti lang si papa. "Pwede ba akong pumasok?"

Tumango ako at binuksan ng malaki ang pintuan at hinayaan makapasok si papa sa loob ng kwarto. Umupo sya sa harap ng study table at sinenyasan akong lumapit sakanya.

"Nakakagulat bang naririto ako? It's my house!"

"Hindi naman sa ganoon pa, nasanay na kasi akong wala ka kaya..."

Humalakhak sya at ginulo ang aking buhok. "Sorry if papa is too busy with work. Para naman sa iyo tong ginagawa ko."

Tumango lamang ako. Naiitindihan ko si papa pagdating sa bagay na ito. Alam kong ang gusto nya lang ay maibigay saakin lahat ng kailangan ko na nagagawa naman nya minsan nga sobra pa.

"Pupunta ako sa Manila ngayong araw hija. May mga bagay lang akong dapat asikasuhin sa negosyo. Kung maaari sana, tulungan mo ang kuya Marcos mo sa pamamahala ng pag-aayos doon sa bahay natin sa Tambo."

"Para po ba iyon sa darating nating bisita?"

"Yes. Sila rin ang pupuntahan ko sa Manila."

"Hanggang kailan ka doon pa?" tanong ko.

"Unti monday, hija. At baka kasabay ko narin silang dumating dito kaya maghanda ka sa darating na lunes dahil mahalaga ang mga bisitang darating."

Pagkatapos ibilin lahat ni papa ng kailangan nyang ibilin, madali syang umalis dahil kailangan nya daw agahan ang pagpunta nya doon. Ngayon lang nakiusap saakin si papa kaya gagawin ko lahat para mapagbigyan sya.

Napangiti naman ako ng maalala kong sa monday pa ang dating ni papa kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-type ng text kay Travis.

Ako:

Saan tayo magkikita sa sabado?

Travis:

Pinayagan ka? 

Ako:

Not really. Aalis kasi si papa sa monday pa ang balik nya.

Travis:

Hay Ylia. Sige, I'll pick you up there, aryt baby?

Kinagat ko ang labi ko habang iniisip ang i-rereply kay Travis. Siguro naman ay pwede dahil wala naman si papa at hindi naman sila siguro magtataka. Lalabas nalang agad ako at doon na maghihitay.

Ako:

Uhm. Okay!

Travis:

Good. Dahil excited na akong ipakilala ka saaking pamilya. 

Napangiti ako. Dahil kung iba lang din ang sitwasyon, gusto ko ding ipakilala si Travis kay papa. Pero alam kong darating din naman kami sa puntong iyon hindi pa nga lang sa ngayon.

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon