Bilang 34

44 2 0
                                    



Bilang 34

Indang


"Ylia."

Si Sarah, secretary ni Sir Sam.

"Bakit, Sarah?"

"Pinapatawag ka ni Sir sa opisina nya, importante daw."

Hindi na ako nagabalang ayusin pa yung lamesa ko at agad na dumiretso sa opisina ni Sir Sam.

"Sir."

"Ylia!" ngumiti sya. "Take a seat please."

Agad akog umupo. Napangiti agad ako ng makita ko ang malaking portrait ng asawa ni Sir Sam sa loob ng kanyang opisina. Maganda talaga ito at bagay na bagay silang dalawa.

"Ylia, I need you to do something for the skae of this company. At alam ko na sa lahat ng empleyado dito ikaw ang makakagawa nito." seryosong saad nito.

"Ano po iyon Sir?"

Sumandal sya at bahagyang niluwugan ang soot na necktie,

"Arrgh! Goodness! I miss my wife!"

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Sir Sam na nakapikit na habang sapo sapo ang ulo nito.

Kumunot ang aking noo. Really, Sir? Bitinin ba ako sa sasabihin?

"Ano po yun Sir?"

Biglang umayos ng upo si Sir Sam at humalakhak habang pilit na ginugulo ang buhok.

"I'm sorry, Ylia. Pero nitong nakaraang araw talaga ay puro stress ang natatamo ko. The company is doing good but not as good as what expected and my goal. Alam kong alam mo yung pangarap kong makabuo ng sasakyan pinaka maganda sa lahat, bata palang ata ako ay itinatak ko na sa utak ko iyon. Kaso nito lang muntik na tayong mawalan ng pondo dahil sa laki ng tax na ibinabayad para sa pag import ng materyales ng sasakyan mula sa Italy. Gusto kong mag-stick ng pagkuha ng makina doon sa supplier natin sa Italy pero kung gagawin ko iyon baka malugi na ang kompanya. May nakilala akong posibleng supplier ng makina at iilang materyales na kailangan sa produksyon ng sasakyan.. At hindi basta basta ang mga ibenebenta nila. Kaya nitong tapatan yung mga nakukuha natin sa Italy at di hamak na mas mura."

"So, ano pong problema Sir?"

Bumuntong hininga ito at umiling.

"That supplier has been chasing by atleast 10 companies pero hanggang ngayon ay wala parin syang pinipirmahang kontrata."

"And?"

"At gusto ko, kahit alam kong tunog imposible ito sayo, we will too chase that supplier. Dahil sa oras na makuha natin sila mas tataas ang produksyon ng sasakyan na ilalabas natin sa merkado. Gusto kong ikaw ang maghain ng proposal sakanya."

"Ako? Sigurado ho ba kayo?"

"Yes, Ylia. Malaki ang tiwala ko sayo. Malakas ang pakiramdam ko na makukuha mo ang deal na ito."

"Hindi po ba masyadong malaking deal ito para ako ang humawak?"

Humalakhak si Sir Sam. "Aren't you confident enough? Akala ko ba lahat kaya mong gawin para sa kompanyang ito?"

Ibinala pa talaga saakin ang naging sagot ko sakanya sa interview ng tanungin nya ako kung bakit ko deserve na maging parte ng kanilang kompanya.

Hindi naman dahil sa hindi ako confident kaya nag-aalangan akong tanggapin ang pinapagawa ni Sir Sam, naiisip ko lang din yung ibang mas matagal ng empleyedo saakin.

Gusto kong gawin ang alok ni Sir, dahil alam kong pag gusto ko, makukuha ko. Wala na saakin ngayon ang basta basta na lamang sumusuko.

"Pero Sir-"

"I want you to do it, Ylia, and it's final! Napagkasunduan narin ito ng board malaki ang tiwala nila sayo."

Wala naman na akong magagawa. Kung napagkasuduan na nila, sino ba naman ako para tumanggi? All I have to do is to do my best. Nothing more nothing less.

"Saan ko po sila maaaring mapuntahan para makausap Sir?"

Wala na talagang atrasan ito.

Ngumisi si Sir Sam at agarang tumayo, lumakad pabalik sa table nya at may kinuha mula doon. Bumalik sya saakin at iniabot ang isang maliit na kulay asul at puting papel na may nakaimprentang numero at pangalan.

"Dyan mo sila mapupuntahan Ylia."

Turo ni Sir sa calling card na hawak hawak ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang kabuuan ng nilalaman ng calling card. Wala ito sa Manila. Wala sa kahit anong malapit na lungsod dito. Wala.

"Indang?" mahinang usal ko.

Pinilit kong itinago ang panginginig ng aking boses.

"Yes, Ylia. Sa Indang naka locate ang main office nila. And you need to go there just to be able to talk to their big boss. Mailap ang taong iyon. Mailap yung taong nasa likod tagumpay ng Dela Serna Automotive. Kaya kailangan mong pumunta sa Indang at makausap si Mr. Dela Serna."

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon