Bilang 29
Huling Pagkakataon
Dahan dahang iminulat ko ang aking mata. Muli akong napapikit ng tumama ang liwanang saaking mga mata. Shit. Ilang araw na ba akong nakapikit at para bang ito ang unang beses kong nakakita ng liwanag?
I slowly open it again, unti unti ko ng naaninag ang kabuan ng kwarto na sigurado akong hindi akin. Puti at itim ang pintura ng dingding, sa kwarto ko ay kulay light pink ang mga dingding.
Sinubukan kong igala ang aking paningin sa paligid pero nakaramdam ako ng matinding pagkahilo.
"Ylia! Finally, you're awake!"
Mabilis akong nilapitan ni kuya Marcos na may dalang isang baso ng tubig.
Inalalayan nya akong umupo, iniabot sya saakin ang tubig at isang gamot.
"Nasaan tayo, Kuya?" Inilibot kong muli ang aking paningin ko sa kabuuan ng kwarto.
"Nandito tayo sa bahay na binili ng papa mo dito sa Taguig."
Hinaplos nya ang aking pisngi.
"What happened, Ylia?" tanong nya.
Umiling ako.
"Bakit wala tayo sa Indang? How did I get here? Kuya... Bumalik na tayo sa Indang, please?"
Pinunasan ni kuya Marcos ang mga luhang dumaloy saaking pisngi. Umiling sya.
"Hindi ko alam Ylia. Basta tinawagan lang ako ni Tito telling me to go here, hindi na nga ako umattend ng last class ko dahil sinabi nya saaking may emergency sayo, I was so worried, tapos nakita nalang kita dito na tulog. Ano ba talagang nangyari?"
Lumunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay kuya Marcos, but then again I wanna tell him everything, para ko na talaga syang kapatid, simula pa noon he's always there for me. Maybe, maybe if I tell him the truth he would understand me, he would help me. He would help to get back in Indang, where I belong. Where Travis is waiting for me.
"Nalaman na ni papa yung tungkol saamin ni Travis."
Nanlaki ang mata ni Kuya Marcos. "What?" tumaas ang kanyang boses. "Kayo ng Dela Sernang iyon? What are you thinking Ylia? He's a fucking playboy!"
"No!" mariin akong umiling. "Mahal ako ni Travis, kuya. Mahal niya ako."
"At naniwala ka dun? That's stupid Ylia! Marami akong naririnig tungkol sa lalaking iyon. Lahat halos ng magagandang babae sa eskwelahan nyo ay naging babae nya! Hindi ka namin inaalagaang mabuti para mapasama lang sa koleksyon nya!"
Patuloy akong umiling. That's what other people see. And that's what other people think about him, Hindi nila kilala ang totoong Travis Dela Serna. Mahal nya ako at alam kong totoo iyon.
"Kuya, hindi." humawak ako ng mahigpit sa manggas ng soot nya puting polo shirt dahil hindi ko na talaga alam kung saan pa ako huhugot ng lakas.
Kagigising ko lang pero pakiramdam ko ay wala na akong natitira pang enerhiya sa katawan ko.
Bumukas ng pintuan ng kwarto kung saan ako kasalukuyang naroroon, at iniluwa nito si papa na seryosong seryoso ang mukha habang nakatingin saaming dalawa ni kuya Marcos.
Agad na tumayo si kuya Marcos at marahang tumango kay papa.
"Kailan sya nagising?" Hindi inalis ni papa ang pagkakatitig saakin.
"Halos kagigising nya lang tito. Ano po ba talagang nangyari?"
Hindi sumagot si papa at muling bumaling saakin.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas pero nakuha kong tumayo. Nanginginig ang tuhod ko habang sinusubukan kong abutin si papa.
"Ylia!"
Dinaluhan agad ako ni kuya Marcos ng muntik na akong bumagsak sa sahig. I felt so weak. Wala akong ideya kung ilang araw na akong nakahiga sa kamang iyon.
"P-pa, p-please." paos na ang boses ko.
Gusto ko ng magpahinga pero pakiramdam ko naman ay sobra na ako sa pahinga kaya hindi na dapat. P
"Travis is kind, papa. He's responsible, smart and he has everything you could like to a man. Please give him a chance to prove himself to you. Wag kayong basta basta maniwala sa mga naririnig nyo. Lahat iyon ay purong chismis lamang."
Umigting panga ni papa.
"Hindi chismis ang karamihan don Ylia. Nakausap ko mismo ang mga naging babae ni Dela Serna, at iilan sakanila ay na-i-kama nya na at iniwan sa ere matapos ang lahat ng iyon. Si Dela Serna parin ba talaga ang pilit mong ilalaban saakin Ylia sakbila ng mga katotohanang iyon?"
Mahina ang boses ni papa pero dama ko ang bawat diin ng kanyang galit sa bawat salitang namutawi sakanyang bibig.
"Ylia, magpahinga ka na." untag ni kuya Marcos.
"Pero ginusto ng mga babeng sinasabi mo ang lahat ng nangyari! Walang mangyayari kung hindi nila ginusto."
Alam kong mali. Alam kong mali na sumasaangyon ako sa mga kalokohan ni Travis noon bago magkaroon ng kami, pero gusto kong ipakita ni papa na tanggap ko si Travis kahit ano pa ang ginawa nya noon. Dahil ganoon naman ang pag-ibig diba? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano pa kadilim ang nakaraan nya ay tatanggapin mo sya ng buo.
I know I'm too young for this. I just turned 16 but I'm sure of what I'm feeling towards Travis. He's my everything. He's my forever.
"Ginusto man o hindi ng babae, alam dapat ng Dela Sernang iyon ang limitasyon nya. Dahil kung tunay syang lalaki, ire-respeto nya kahit sinong babae at alam nya dapat na hindi ini-ka-kama ang isang babaeng hindi nya papakasalan!"
Umiling ako.
"Just one chance pa, give as one last chance pa, na patunayan ni Travis ang sarili nya sainyo. Pag hindi nya nagawa ako na ang kusang lalayo sakanya."
Mahabang katahimikan ang bumalot saaming tatlo. Inihagis ni papa ang aking cellphone sa ibabaw ng kama.
"Huling pagkakataon, Ylia. Sige, bibigyan ko ng huling pagkakataon ang Dela Serna na iyon.Papuntahin mo sya dito bukas. Pero sa oras na hindi sya pumunta dito, tapos na ang lahat sainyo. No second chances. Because I've had enough of giving you second chances."
Lumabas na ng kwarto si papa, napaupo ako sa kama na hinang hina habang hawak ang aking cellphone.
BINABASA MO ANG
Blue Faded Jeans (IS #1)
General FictionNakakatawang isipin na madalas tayong ma-inlove sa isang taong imposible. Yung tipong akala mo abot kamay mo na pero hindi pa pala? Yung feeling mo sobrang lapit mo na pero ang layo pala? Yung feeling mo na ikaw na talaga pero may iba pa pala? Yung...