Bilang 16

44 1 0
                                    


Bilang 16 

Pinili 

Nangininginig ang tuhod ko habang inaalalayan ako ni Travis pababa ng kanyang motorsiklo. Sya narin ang nagtanggal ng helmet mula sa ulo ko ng mapansing hindi na ako gumagalaw habang titig na titig ako sakanilang gate.

"Breathe Ylia. No one's gonna eat you inside." humalakhak sya na inirapan ko naman.Hindi nya alam ang nararamdaman ko. Halo halo ang tumatakbo sa isip ko. Halos di na ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Iniisip ko kasi kung paano kung hindi ako magustuhan ng kanyang pamilya. Minsan kasi kahit gaano pa katatag ang isang relasyon kung mismong pamilya naman ng mahal mo ang kalaban mahirap manalo.Kinuha nya ang kamay ko at hinatak na ako papasok sakanilang bahay. Nalaglag ang panga ko ng makita kong may 3 magagara at mamahaling sasakyan ang nakaparada sa malaking garahe ng kanilang bahay.

"Those are not mine Ylia." tumatawang saad nya.

"Huh?"

"Yang mga sasakyan na yan ay inaayos ako. Mekaniko ang boyfriend mo Ylia, mahal at tanggap mo parin ba sya kahit ganoon?"Tumawa ako at bahagyang kinurot ang kanyang matigas na braso.

"Kahit ano ka pa, Travis tanggap at mahal parin kita okay? Walang tanong tanong."

Kinabig nya ako papalapit sakanya at hinalikan sa ulo. 

"Mas lalo talaga kitang mainamahal ngayon."

Muli nya na akong hinatak papasok na ng tuluyan sakanilang bahay. Pagkatapak na pagkatapak ko palang sa sahig nilang tiles, iba na ang kabog ng aking dibdib. Pinaupo nya ako sakanilang sofa.

"Ma! Cloud! Andito na kami!" sigaw nya na mas lalong kong ikinakaba.

May bumukas na pinto mula sa kanan at may lumabas na babaeng kahawig na kahawig ni Travis, ang kaibihan lang mas malambot ang features ng mukha nito at mukhang mabait. Nakangiti syang lumapit saamin. 

"Maaaa!" sigaw rin nito.

Agad na may lumabas na middle age woman na sa tingin ko ay galing kusina dahil may soot itong apron habang pinupunasan ang kamay gamit ang isang bimpo. Hindi rin maikakaila ang ganda nito, kapag nakita mo sya alam mo na agad talaga kung bakit ganyan kagwapo si Travis. Ngunit di nya ito masyadong kahawig may iilang features lang syang nakuha dito tulad ng mata at hulma ng mukha. Ang ipinagtataka ko lang ay nasaan ang kanyang papa? Feeling ko kasi yun talaga ang kamukhang kamukha ni Travis.

"Sya na ba iyan Travis?"Nilingon ko si Travis na ngiting ngiti saaking gilid. Lumapit sya sakanyang mama at doon sa babaeng kamukha nya.

"Ma, Cloud, this is Ylia Mendoza, my girlfriend. Ylia, this is my mama Tricia and my younger sister.

"Ngumiti yung babaeng kahawig ni Travis na Cloud ang pangalan at lumapit sakakin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na may kapatid pala ang playboy na ito.

"Di mo ko kilala? Okay lang." tumawa si Cloud. "No one's know me. Mas gusto ko iyon. Sinadya ko talaga na hindi ipakilala na kapatid ako ni Kuya. Matindi ang pressure eh tsaka.... naiinis ako doon sa mga babaeng ni-clo-close lang ako dahil nga kapatid ako ni kuya. Kaya lagi kong sinasabi na magka-apelyido lang kami. Schoolmate tayo!"

"Huh?"

"3rd year ako, Section A."

"Talaga? Pero bakit hindi kita masyadong nakikita?" tanong ko.

"She's an introvert Ylia." tawa ni Travis sabay dila sa kapatid na na nakasimangot.

"Ylia Mendoza?"Napatingin kaming lahat sa mama nyang nakaupo na rin sa isang single sofa. Nakakunot ang noo nito at titig na titig saakin. Kinabahan nanaman ako, bakit pakiramdam ko bigla nalang akong papalayasin nito sa loob ng kanilang bahay?

Blue Faded Jeans (IS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon